Aralin 1: Teoryang Realismo
Maganda Pa Ang Daigdig
Ni Lazaro Francisco
Kabanata 13 “Wala Akong Sala”
Napansin kaagad ni Miss Sanchez ang kakatwang kilos at alingasngas ng kaniyang mga kanayon laban kina Kabo Lontoc na ibinunga ng bintang ni Aling Ambrosia na benggansa lamang ang dahilan ng pagdakip kay Lino. Upang maagap na maapula ang anumang maaaring mangyari ay iginala ng dalaga ang kaniyang paningin sa karamihan at mabanayad na nagsalita.
“Mga kanayon!” ani ni Miss Sanchez. “Huwag sana nating malimot na sina Kabo Lontoc ay napag-uutusan lamang! Tumutupad lamang sila sa kanilang tungkulin! Batas at bayan ang kanilang panginoon, at tayo’y bahagi ng bayang pinaglilingkuran nila!”
Sa ilang katagang iyon ng punung-guro, ang may maiinit na ulo sa kanilang paligid ay para namang nasubhang bigla ng malamig na tubig. Ang mga umirap sa kabo ay tumahimik na at ngumiti pa ang ilan.
“Ito pa, Miss Sanchez,” himig pasintabing wika ni Kabo Lontoc, “ang isa sa malulungkot na tungkulin namin! Nguni’t kung hindi namin tutupdin ito ay bababa ang tingin sa amin ng bayan at baka wikain pang alangan kami sa aming uniporme!”
Tumangu-tango si Miss Sanchez, nguni’t hindi nagsalita.
“Ipinakikiusap ko sana sa kanila, Miss Sanzhez,” pakli naman ni Villas na tinukoy sina kabo Lontoc, “na, yayamang hindi pa naman gaanong tiwasay ang panahon, at yayamang marami pa rin naman ang nakikita nating nagkalt doon at dito na nakagawa ng lalong malulubhang paglabag sa batas nguni’y ni di pa man lamang yata kamalak-malak na isakdal at hulihin kung kaya nakapanunungkulan pa ang iba at ang iba nama’y patuloy na nakapamamayagpag sa gitna ng bayan, ay maano sanang ipagwalambahala na muna nila ang pagdakip na ito kay Lino at maging parang balato na nila sa atin ang kanilang pagpapaumanhin, na anupa’t palabasin na lamang na hindi nila natagpuan si Lino dito saan man. Nasabi ko pa nga na kung kailangan lamang na palayuin na muna rito ang mag-amang Lino ay hindi maliwag na magawa natin iyon, huwag na lamang sanag dakpin ngayon dito ang ama, alang-alang sa kabutu-butong anak na musmos pa’t walang sinomang maaaring sulingan kahit na isang malayo nang kamag-anak!”
Malungkot na yumuko si Miss Sanchez at nagpatuloy sa di rin pagkibo.
“E… ano ang sagot sa inyo, Mr. Villas?” tanong ni Miss Lavadia.
“Tama rin naman ang isinagot nila sa ‘kin,” ang patuloy na salaysay ni Villas na naging tugon na rin sa tanong ni Miss Lavadia. “Kung magkakagayon daw ay kailan pa kaya masisimulan ang pagpapatupad sa mga batas sa kapakanan ng kapayapaan at kaayusan?”
“Saka,” sudlong ni Kabo Lontoc, “ kung hindi man kami ay marami pa rin namang ibang mauutusang dumakip sa dinarakip namin at baka, kung inaalat, maging dalus-dalos pa sa pakikitungo sa inyo at sa dinarakip!” Luminga-linga ang kabo at tumanaw sa mga kasamang kawal, saka hinarap si Villas. “Gagabihin kami, Mr. Villas!”
“Sandali lamang, Kabo Lontoc,” Hadlang ni Miss Sanchez. “Maaari bang bigyan ninyo kami ng kaunting panahong makausap muna namin si Mang Lino?”
“Aba, opo, Miss Sanchez,” payag kaagad ng kabo. “Kausapin na ninyo. Hindi kami maiinip.”
“Salamat,” tanging nasabi ni Miss Sanchez na tumalikod na upang lumapit sa mag-amang Lino.
Saglit munang tinaya ni Miss Sanchez ang anyo ng pag-uusap ng mag-ama. Ibig sana niyang igalang ang mga huling maseselang sandaling yaon ng kanilang pag-uusap. Nguni’t maikli na ang panahon. Kaya nga, napilitan nang lumapit ang dalaga na naging maingat naman at marahan. Sinundan siya ni Miss Lavadia at ni Aling Ambrosia.
Buung-buo manding nakapako naman yata ang isip ni Lino sa mga bagay na sinasabi at itinatagubilin sa anak kung kaya nakalapit at sukat sina Miss Sanchez sa may likuran ng takayad nang di niya napansin, gayong manipis at butas-butas na ang dingding ng takayad. Patuloy si Lino sa banayad na pagsasalita at sa tinig na malinaw, marahan, at walang pangamba.
“Muli’t muling sinasabi ko sa iyo, Ernesto, na tibayan mo sana ang loob mo,” anang tinig ni Lino na halos nanuot sa kaluluwa ni Miss Sanchez at ng dalawang kasama. “Mag-aral kang magpakalalaki, kahiman bata ka pa. Itanim mo sa puso mo na wala akong sala, pagka’t iyan ang totoo. Umasa kang magbabalik ako, pagka’t may katarungan pa naman sa puso ng tao, marahil. At ..
kung wala man, umasa ka ring magbabalik ako Ernesto. Hahanapin kita saanman, anoman ang mangyari, gaya rin ng ginawa kong paghahanap sa iyo noong sanggol ka pa. Hindi pa nasira ang anomang sinabi ko sa iyo, Ernesto, hindi ba?”
Tumigil sandali si Lino sa pagsasalita. Si Miss Sanchez, gaya rin nina Miss Lavadia at Aling Ambrosia, ay patuloy sa matahimik na pagkakayuko habang nakikinig. Isa man sa kanila ay walang nangahas na sumilip man lamang sa anyo ng mukha ni Ernesto.
“Wala akong mapaghahabilinan sa iyo kundi kay Aling Ambrosia,” patuloy ni Lino sa tinig na nabasag nang bahagya. “Magpapabait ka. Mag-aral kang makisama sa kanila, at sa lahat ng tao. Maging magalang ka at matapat na lagi. Huwag kang hihiwalay sa nalalaman mong mabuti, kahit ka mamatay. Naniniwala akong may langit at impiyerno sa kabilang buhay. Nguni’t gumawa ka ng mabuti, hindi sapagka’t may langit kundi sapagka’t mabuti ang mabuti. Huwag kang gagawa ng masama, hindi sapagka’t may impiyerno, kundi sapagka’y masama ang masama. Iyan lamang ang nakikilala kong landas para sa mga taong may dangal at may kahihiyan!”
Pamuling tumigil si Lino sa pagsasalita. Mabilis na tumatakas ang oras at ibig niyang makimis ang lahat ng dapat ang sabihin. Mapapansing dinampi-dampian ni Miss Sanchez ng panyo ang kaniyang mga mata. Nagpatuloy si Lino sa pagsasalita.
“Huwag kang mawawalan ng pananalig sa Diyos, Ernesto! Iyan lamang, sa mga bagay na dati kong pinaniniwalaan, ang tanging di ko ibig na mawala pa sa akin. Sa Kaniya mo hihingin ang lahat ng iyong ibig. Sa Kaniya mo idadaing ang mga sakit ng loob mo. Sa Kaniya ka hihingi ng lunas kung ikaw ay may karamdaman. Sa Kaniya ka tatawagkapag nawawalan ka ng pag-asa. Sa Kaniya ka dudulog kung nakararamdam ng pangungulila ang puso mo sa isang magulang o sa isang kamag-anak o sa isang kaibigan!”
Muli pa na namang huminto si Lino sa pagsasalita. Suminghot si Miss Sanchez at tila panabay na humikbi sina Miss Lavadia at Aling Ambrosia, ngunit hindi pa rin sila napansin ng mag-ama.
“Gaano kaya katibay ang puso mo, Ernesto?” ang tanong ni Lino at masusing minasdan ang mukha ng anak. “Kung hulihin na ako ilakad, maipangangako mo sa akin, Ernesto na di ka iiyak? Maipangangako mo ba ‘yan sa akin, anak ko?”
Noon pa lamang napilitan nang silipin at masdan ni Miss Sanchez ang mukha ni Ernesto. Nakita niyang kumurap-kurap ang bata sa pagkatingalang nakatitig sa mukha ng ama; makalawang Iumunok; kumurap-kurap na muling tila nahihilam; kuminig-kinig ang mga labi, at humikbi-hikbi sa pagpipigil manding huwag siyang mapasigaw. Nguni’t namalisbis lamang ang luha sa kaniyang mga pisngi at di nakapangako.
“Ernesto!” ang malungkot na tawag ni Lino. “Mapait man sa loob ko’y tikis na sinanay kita sa hirap para magkaroon ka ng matibay na puso at matatag na loob. Bakit ka lumuluha? Sa pagkakasala lamang, sa pagkabulid lamang ng masama, nararapat malaglag ang luha ng isang tunay na lalaki. Hindi sa gaano man kalaking kasawian at mga kaapihan!”
Mabilis na pinahid ni Ernesto ng kaliwa niyang bisig ang luha sa kaniyang mga mata, at muling panatag na iniharap ang mukha sa nahahambal na ama. Si Aling Ambrosia ay napilitang tumalikod. Tumagilid lamang si Miss Lavadia na tila di na makagalaw. Isinubsob naman ni Miss Sanchez ang kaniyang mukha sa dalawang palad at tikis na hindi kumilos. Kailangang igalang ang maseselang mga sandali yaon sa mag-ama.
“May isang tanging alaala na iiwan ko sa iyo, Ernesto,” aniyang muli ni Lino sa tinig ng isang tahasan nang pamamaalam. “Ito’y alaalang bigay sa akin ng iyong ina! Sa pakikilaban sa Bataan; sa pagkapiit sa Kapas; sa pamumundok namin bilang mga gerilya; sa malaong pakikipagsapalaran natin sa Maynila hanggang sa mga sandaling ito, ang alaalang ito’y hindi nawalay sa katawan ko saglit man!” Dinukot ni Lino sa kaniyang lukbutan ang isang kalupi at inilabas mula sa isang tanging pitak nito ang isang munti at manipis na krusipihong aluminyo na may nakapakong larawan ng Kristo. “Ingatan mo ito at pakamahalin alang-alang sa nakalarawa, sa iyong ina, at sa akin!” Hinagkan muna ni Lino ang krusipiho bago hinawakan ang kamay ng anak at inilagay iyon sa lahad na palad. “Maraming pagkakataong iniligtas ako nito sa panganib. Gayon ang naging paniniwala ko, Ernesto. Di mamakailang sa gitna ng malulupit na pangangailangan natin sa Maynila ay dinalanginan ko iyan at ako’y dininig. Naging mabisang tulay iyan ng mga dalangin ko sa Diyos!” Binitiwan na ni Lino ang kamay ng anak.
“Itay!” tawag ni Ernesto sa kumikinig na tinig at di itinikom ang palad na kinasasalalayan ng krusipiho. “Ayokong kunin ito sa iyo! Ibig kong makaligtas ka, Itay! Ayoko, ayoko, Itay!”
“Ernesto!” ang tawag ng ama sa di-natitigati na tinig. “Ikaw ang laong mangangailangan niyan! Higit na mahaba ang panahong tatahakin mo pa sa buhay, anak ko! Alanganin nang lubha ang haba at kulay ng mga araw sa aking harapan!”
Pag buhay ka lamang, Itay, hindi ako maaano, hindi ako matatakot! Oo, Itay! Maski hindi na ako kumain, Itay!”
“Ernesto!” ang mairog na tawag ng ama. “Hindi mo pa nauunawaan ang hiwaga ng buhay! Sundin mo ang sinasabi ko sa iyo. Ingatan mo at pakamahalin ang alaalang iyan ng iyong ina!”
“Itaaay!” tutol pa rin ni Ernesto.
“Ipinakikiusap ko sa iyo, anak ko!”
Hindi na nakatutol si ernesto. Dahan-dahang iniunat ang naginginig na mga daliri; inilahad ang palad at pinakatitigan ang krusipiho na sa mga mata’y nunukal ang luha; at, sa simbuyo mandin ng di mapaglabanang hinagpis, isinubsob ng bata ang kaniyang mukha sa krusiho at pasigaw na aniya:
“Diyos ko po! Si Itay ko po!”
Tahasan nang umiyak si Miss Lavadia. Humagulgol si Aling ambrosia. Si Miss Sanchez ay pasugod na lumapit kay Ernesto at niyakap ito, saka basa ng luha ang mga matang humarap kay Lino.
“Miss Sanchez!” ang magalang na bati ni Lino bago nakapagsalita ang dalaga. “Tila kayo anghel na nakikita namin kapag may dalita!”
“Mang Lino!” tawag ni Miss sanchez sa tinig na tigib ng panggigipuspos. “Mang Lino!” ang pamuling tawag. “Hindi ko kailangang malaman kung bakit kayo hinuhuli! Nguni'’ ibig kong ipakiusap sa inyo, kung may tiwala kayo sa akin, na sa akin na sana maihahabilin si ernesto!”
“A! Nasa gipit na katayuan kami, Miss Sanchez,” ang marahang tugon ni Lino. “Isang kapalaluang tanggihan ko ang isang matapat na pagkakawanggawa! Opo, Miss Sanchez! Inihahabilin ko siya sa inyo. Maging sa anomang kalagayan siya maturing ay tatanawain kong utang-na-loob sa buong buhay ko!”
“Aariin ko siyang akin, Mang Lino! Pagpapalain ko! Papag-aaralin ko! Magiging kapatid siya ni Erni, na isa ring ulila. Sisikapin kong matanim sa puso at isip niya ang mga aral na aking narinig. Buung-buo na makukuha ninyo siya sa akin sa anomang sandali na maibigan ninyo!”
“Salamat, Miss sanchez! Hindi ko kayo malilimot kailanman. Magiging panata ko, mula ngayon, ang pagsisikap na makaganting-loob sa inyo. Nguni’t iiwan ko sa inyo ang isang kataga, na isinasamo kong paniwalaan sana ninyo!”
“Opo! Sabihin ninyo, Mang Lino!”
“Wala nang panahong maisalaysay ko pa ang mga tunay na nangyari,” ani ni Lino. “Balang araw ay malalaman din ninyo kaypala ang lahat ay lahat. Ngayo’y wala akong tanging sasabihin sa inyo, Miss Sanchez, kundi ‘Wala akong Sala’!”
“Naniniwala ako sa inyo, Mang Lino,” ang madaling tugon ni Miss Sanchez at bigay na bigay na tumitig sa kausap.
“Anoman ang mangyari; anoman ang kahantungan; at, anoman ang sabihin ng mga tao, ay naniniwala ako ngayon pa, at maniniwala ako kailanman, na wala nga kayong sala, Mang Lino, pagka’t gayon ang sinabi ninyo sa akin! Hindi iyan lamang. Idadalangin namin ang iyong kaligtasan. Pumanatag kayo, at huwag ninyong alalahanin si Ernesto.”
“Miss Sanchez! Hindi ko malirip kung paanong naging marapat ang kaliitan namin sa inyong pagtingin. Gayonma’y paniwalaan ninyong buhay ko man ibibigay nang dahil sa inyo!”
Bago nakapagsalita ng anoman si Miss Sanchez, si Lino ay mabilis na yumukod at humalik sa dahon ng pamaypay na anahaw na nakabitin sa kamay ng dalaga. Napayuko si Miss Sanchez at nagbuntunghininga.
“Ernesto!” ang malungkot na tawag ni Lino sa kaniyang anak. “Maiiwan kita kay Miss Sanchez. Magpapakabait ka at maging masunurin. Babalik ako sa iyo, anak ko!”
pasugod na yumakap si Ernesto sa kaniyang ama na tilla di makapangusap. Niyakap siya nang buong higpit ni Lino at hinagkan nang hinagkan.
Sa-lalapit na noon si Kabo Lontoc at si Estanislao Villas. Kasunod nila ang isang maalikabok na jeep na pinalalakad ng isa sa tatlong kawal na lulan. Sa hudyat ng kabo, isa sa mga kawal ang bumaba at naglabas ng esposas.
“Utang-na-loob, Kabo Lontoc,” ani Miss Sanchez at lumapit sa kabo, “huwag ninyo silang kabitan ng esposas. Sinasagutan ko sa inyo na hindi sila tatakas!”
“Kasama akong mananagot, Kabo!” susog naman ni Villas.
“Kami man, sagut din!” ang halos sabay-sabay na pakli naman ng marami.
“Kung may balak man lamang na magtago ‘yan, hindi rito sa Pinyahan titira ‘yan nang lantaran!” ang palabi at patalilis na wika ng isang matandang babaing may pandudurang nagluwa sa sapa. “Puwe!”
“Marangal na tao ‘yan, kahit na ganyan lang sa tingin! Sabad ng isang matandang lalaki na umingus-ingos.
“Bakit ba di magtago, kundangan, gayon pala’t dapat sagutin?” sumbat ng isa pang matandang lalaki. Di kaya nakikitang ‘yun lang hindi nagtatago ang siyang dinadakip?”
“E, kung gayon,” ani ni Kabo Lontoc, matapos mag-isip sandali. “”Private Gorospe!” baling sa may hawak na galang. “Ibulsa mo na lang ‘yang bastus na posas na ‘yan! Hindi kailangan ‘yan,” aniya pa at binalingan si Lino.”Paano, kaibigan?”
“Sasama ako sa inyo,” ani ni Lino na malungkot nguni’t payapang humarap sa marami. “Kung minsa’y kailangan din pala ang isang kasawian para maunawa ng tao na may halaga pa siya sa kaniyang kapwa! Salamat sa inyong lahat! Sa mga utang-na-loob namin sa inyo,” aniya pa at malungkot na tumingin kay Ernesto, “ ay iiwan kong sangla sa inyo ang aking anak!”
Pinagkabilaang akbayan ni Miss Sanchez at Miss Lavadia si Ernesto. Walang kaimik-imik na nakatitig ang bata sa mukha ng kaniyang ama.
Sa malakas na pag-alon ng dibdib ng bata, sa mahigpit na pagkakatikom ng kaniyang mga labi at sa mga matang itinititig na pilit bagaman labis na nahihilam ay dagling masisinag ang malaking nais na makapag-anyong matibay sa paningin ng kaniyang ama sa kabila ng matinding simbuyo ng hapis.
Malayo na ang sasakyang nilulunan ni Lino ay nasa gayong anyo pa rin si Ernsto. Walang kurap na nakatitig sa malayo. Tila walang nakikitang anoman sa natatanaw. Parang walang nararamdaman, ni naririnig, sa kaniyang paligid. Waring nasaid ang luha sa tindi ng dusang kumuyom sa dibdib.
“Ernesto!” ang nahahambal na tawag ni Miss Sanchez sa pagkakatitig sa mukha ng bata. “Bayaan mong malaglag ang mga luha mo! Sulong umiyak ka! Makagiginhawa ‘yan sa dibdib mo!”
“Siyanga, Ernesto!” tigib-lunos na udyok ni Miss Lavadia.
Tiningala ni Ernesto si Miss Sanchez at si Miss Lavadia. Nakita ng dalawa na may namuong luha sa mga mata ng bata, na biglang yumuko at humikbi-hikbing halos mapugtuan ng hininga.
“Ernesto!” ang masuyong tawag ni Miss Sanchez sa umiiyak na tinig. “Tibayan mo ang loob mo! Talagang ganyan ang buhay! Maraming pagsubok! Maraming pagtitiis! Nguni’t umasa kang hindi ka pababayaan! Ituturing kitang tunay na akin, Ernesto!”
“Ang Itay ko,” ang pahikbing wika ni Ernesto sa tinig na tigib ng masaklap na hinanakit, “panay siyang hirap… panay siyang pagtitiis!”
“Umasa kang liligay rin siya, Ernesto!” ang mahambal na alo ni Miss Ernesto. “Gaya rin ng araw: may dilim at may liwanag ang buhay! … Tena na Ernesto!” yaya na ng dalaga at masuyong inakbayang muli ang bata. “Aling Ambrosia!” baling na tawag sa labandera. “Lalakad na kami. Kung may anoman sina Ernesto na dapat dalhin sa amin ay kayo na sana ang bahala!”
“Opo, Miss Sanchez!” anang labandera. Ako na ang bahala! Isama na ninyo siya!”
Isang tinging balot ng magkakalangkap na lungkot, habag at paghanga ng naiwang kanayon ang pumatnubay sa paglakad nina Miss Sanchez, Miss Lavadia, at Ernesto.
“Kaawa-awang bata!” ang sagut-sagutang wika ng marami. “Magandang lalaki, at mabait!” anang ilan.
“Talagang pambihirang babae ‘yang si Miss Sanchez,” anang isang matandang lalaki naman. “Mabuti na lamang at sa kaniya nahabilin ang bata!”
“Ba! Mang Islaw!” tawag ng isang babae na nakapansing naroon pa si Estanislao Villas. “Paano ba? Hindi ba kikilos ang ating kapisanan?”
“Iyan din nga ang iniisip ko,” ang tugon ni Villas.”

Aralin 2: Teoryang Eksistensyalismo
Timawa
(Kabanata 1)
Ni Agustin Fabian
Sabado noon at magiika-pito ng gabi. Si Andres Talon, na isang mahirap na estudyante, ay kasakuyang naghuhugas ng mga pinggang kinanan sa ladies dormitory, sa isang unibersidad sa Amerika. Ito lamang ang paraan upang makapagpatuloy siya ng pag-aaral sa kolehiyo ng medisina. Nakatatli sa kanyang baywang ang isang tapi at nakalilis ang mga manggas ng kanyang kamisadentro. Nangingintab sa pawis ang kaniyang kayumangging mukha. Ang bula ng sabong nakababalot sa kanyang mga matipunong bisig ay umabot sa siko.
Mabilis ang kaniyang paggawa at wala siyang aksayang kilos. Mahihinuha na lubhang sanay si Andres sa gawaing ito.
“Mukhang tapos ka na, Andy? Ngayon lamang ako nakakita ng ganyan kabilis magtrabaho,” basag ni Alice na siyang tagapangasiwa sa mga gawain sa kusina ng dormitoryo.
“Lalo na kung napupuri lalo akong bumibilis,” nakatawang sagot ni Andres.
“Wala na naman yata si Bill?” tanong ni Alice na lumapit sa Pilipino at nagsimulang tumulong dito.
Si Bill ay katulong ni Andres sa paglilinis ng mga kasangkapan sa kusina. Maluwat nang magkaibigan sina Bill at Andres.
“Maaantala raw siya. Dala sa sine ang bata niya, e. Hindi na bale, matatapos ko na naman ito.”
Dumating na humahangos si Bill. Lagi nang humahangos ito. Inihagis ang sombrero sa sabitan at naghubad ng amerikana.
“Giliw,” birong bati niya kay Alice, “isabit ma na lamang ang aking amerikana. Inaabala mo si Andy.”
Nakatawang isinabit ni Alice ang damit ni Bill. Kumuha ng isang tapi at ibinigay sa binatang Amerikano.
“Isuot mo iyan. Iyan lang yata ang pantalon mong mahusay.”
Nagsimulang maglampaso ng baldosa si Bill at binalikan naman ni Alice ang pagtulong kay Andres.
“Saan ka ba naging dalubhasa sa mga gawain sa kusina?” tanong ni Alice kay Andres.
“Sabihin mo nga, Andy”, udyok ni Bill.
“Ang simula ay sa amin. Ako ang tagahugas ng pinggan. Hindi mahirap iyon. Iilan lamang naman ang aming pinggan”, nakatawang simula ni Andres. “At madalas na itinataob ko na lamang ang mga pinggan nang di hugas.”
“Nagkakahawig pala ng kalokohan, maging ang mga batang Amerikano o Pilipino,” ani ni Alice.
At isinalaysay ni Andres na, wika nga, ay palagay ang loob niya sa kusina. Labing-anim na taon siya nang mamatay ang kaniyang ama at lubusang maulila. Katatapos lamang niya ng intermedya. May kamag-anak naman siyang isang kusinero sa isang bapor na nagyayao’t dito sa Amerika at sa Pilipinas. Sumama siya.
“At anim na buwang singkad akong tagapagmasahe ng mga pinggan, kubyertos, at mga lutuan sa bapor. Kaya hindi kayo dapat magtaka na ako’y eksperto sa mga gawaing iya”, tapos ni Andres.
“Usisera ka rin lamang, Alice”, ang biro naman ni Bill, “ang mabuti, itanong mo kay Andres kung anu-ano ang naging karanasan niya dito sa Amerika.”
“Sige nga,” sang-ayon kapagdaka ni Alice. “ Linggo rin lamang bukas. Hindi baleng tayo’y mapuyat.”
“Alam ninyo”, ani ni Andres na nagpapahid na ng kamay, “ako ay may pagkahampaslupa.”
“Teka, teka”, hadlang ni Bill. “Ilalabas ko muna itong basura. Ibig kong marinig uli iyan.”
Nang bumalik si Bill ay nakaupo na si Alice at Andres. Bumatak siya ng isang silya at nakiumpok sa dalawa.
“Ngayon, simulan mo na”, sabi ni Bill na humilig mabuti sa kaniyang upuan.
“Saan ninyo ako gustong magsimula?”
“Nang dumating ka dito sa Amerika”, tugon ni Alice.
Sa San Francisco bumaba si Andres at ang paghuhugas ng pinggan ang unang naging hanapbuhay. Naging manggagawa sa iba’t ibang bayan ng California. Namitas ng mansanas sa Oregon at Washington. Dalanghita sa florida. Lalo na raw siyang umitim sa taniman ng kamatis, letsugas, repolyo, at iba pang mga gulay. Naging serbidor sa mga restawran. Naging utusan. Nagilingkod sa salmunan sa Alaska. Nagpatag ng bato sa daang-tren sa Nevada.
“Alin sa mga karanasan mo ang bumago sa takbo ng iyong buhay?” tanong ng dalagang Amerikana.
Hindi kaagad tumugon si Andres. Tila tinitimbang niya sa marami niyang karanasan ang pinakatampok. Ang totoo ay nag-aalangan si Andres na sariwain pa ang malungkot na bahagi ng kaniyang buhay.
“Halimbawa”, untag ni Alice, “bakit mo naisipan ang mag-aral? Bakit mo iniwan ang paglalagalag?”
“Hindi nangyari sa Amerika ang karanasang bumago sa takbo ng aking buhay,” sa wakas ay sinabi ni Andres. “Doon sa amin sa Pilipinas nangyari ito.”
“Paano?” sabad ni Bill.
“Magsasaka ang aking ama. May isang kaugalian sa amin”, patuloy ni Andres. “Kung pista ng bayan, ang lahat ng magsasaka ay pumaparoon sa malaking bahay ng may-ari ng lupa at tumutulong sa karaniwang malaking handaan doon. Nagsisipagsaing, nagsisibak ng panggatong. Nagpapatay ng manok, baboy, kambing, at baka. Sabihin pa, ang lahat ng tumulong ay doon kakain.
“At isang pista nga ay isinama ako ng aking ama upang tumulong sa may-ari ng lupang aming sinasaka. May labintatlong gulang ako. Nang nagkakainan na ang mga nanunulungan ay dumating ang donyang asawa ng aming kasama, at pinagmumura ang mga nagsisikain. Hindi pa raw natatapos kumain ang mga panauhin sa itaas ay inuuna na raw namin ang aming mga bituka. Lubha raw kaming mga timawa.
“Hindi ko kaagad naunawaan ang aking narinig,” patuloy ni Andres. “Noong papauwi na lamang kami at sabihin sa akin ni Amang ang kaniyang pagdaramdam, noon ko lamang lubos na naunawaan ang kahulugan ng salitang timawa.
Sinabi sa akin ni Ama na pagbutihin ko ang aking pag-aaral upang huwag kong sapitin ang kaapihang ganoon. Kung ako raw ay lalaking magsasaka at hindi akin ang sasakahing lupa, ay ganoon din ang aking kapalaran. Aalimurain ng mayaman. Ang isang timawa, ay higit na pangit kaysa gutom. Ang timawa raw ay kahalintulad ng isang aso. Sagpang nang sagpang. Huwag daw akong mag-aksaya ng panahon. Gagawain niyang lahat ang kaniyang makakaya upang ako matuto.”
“Kay buti ng iyong ama”, ani ni Alice.
“Halos ang gabi ay ginagawa niyang araw,” dugtong pa ni Andres. “Ibig niyang makaipon. Ang adhika niya ay maging isang manggagamot ako.”
Huminto muna si Andres sa kaniyang pagsasalaysay. Nakatingin siya sa malayo na waring nakikiyang muli ang kaniyang ama. At pagkatapos ng ilang sandali ay napatuloy na naman sa pagsasalita.
“At nang ako ay nakatapos sa intermedya ay gayon na lamang ang galak niya. Ngunit ang humalili sa kagalakang iyan ay malagim na kalungkutan. Si Ama’y inabutan ng ulan isang tanghaling siya ay nagbubungkal ng lupa. Nagkasakit siya. Pulmonya. At . . . at . . . namatay.”
Dinampi ni Alice ang kaniyang mata ng hawak niyang panyolito. Tumindig si Bill. Lumapit kay Andres at pinisil ang balikat ng kaibigang Pilipino.
“Maupo ka, Bill”, sabi ni Andres. “Hindi pa ako natatapos.”
Naupong muli si Bill, at muling nagsimila si Andres.
“Naubos na lahat,” aniya, “ang kaunting naiipon ni Ama. Ulila na akong lubos ay wala pa ni isang sentimo. Subalit isinumpa ko sa aking sarili, sa harap ng bangkay ng aking ama, na ako ay pilit na mag-aaral, at ako ay magiging manggagamot. Hahanapin kong pilit ang tagumpay na siyang adhika niyang maging akin.”
Maluwat ring walang umimik matapos ang pagsasalaysay ni Andres. Nadama ni Bill at ni Alice ang malaking kalungkutan ni Andres. Sa wakas ay nagsalita si Alice.
“Nauunawaan na kita,” aniya.
“Lalong nauunawaan kita ngayon,” pakli ni Bill.
“Bakit? Ako ba ay naging isang hiwaga sa inyo? Tanong ni Andres at wala na sa kaniyang tinig ang pagdaramdam at kalungkutan.
“Oo, isang hiwaga ka sa akin,” tugon ni Alice. “Alam kong ikaw ay isang mabuting tao. Masipag ka. Matalino. Magalang. Nguni’t tila ayaw mong makihalubilo sa iba. Tila ayaw mong ikaw ay maabala. Ibinubukod mo ang iyong sarili. Tila may lihim kang lakad at ang lahat ng nasa paligid mo y makaaabala sa iyo.”
“Napapansin ko nga,” tudyo na naman ni Bill, “ na maluwat mo nang sinusubaybayan si Andy.”
“Ano ang masama riyan?” tanong ng dalaga. “Maluwat na nating kasama si Andy. Wari ay malayo siya. Gayung kay lapit ay kay layo. Mayroon ba namang gayung araw-araw ay nakakabungguang-balikat ay di mo matawag na kapalagayang-loob?”
“Lumalabas pa yatang malaking tao ako?” tanong ng Pilipino.
“O kaya’y dungo naman,” sundot ni Bill.
“Hindi malaking tao o dungo ang ibig kong sabihin,” paliwanag ni Alice. “May anyo si Andy na nag-uudyok sa nagmamalas na mataho kung ano siya, pinipigil ang nagmamalas na iyan naman ng isang hindi maunawaang kilos ni Andy. Tila hindi mahalaga kay Andy ang magkaroon ng maraming kapalagayang-loob.”
“Pinalalaki mo ang loob ko, Alice,” dampot ni Andres. “diyata’t ako ang pinag-aaksayahan mo ng kuru-kuro?”
“Hindi biro. Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ibinubukod mo ang iyong sarili sa karamihan.”
“Ang karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauntog ay natututong yumuko.”
“Naku, lumalalim ang salitaan at hindi bumababaw,” hadlang ni Bill. “Ang totoo, Andy, ay ito: walang alinlangang mararating mo ang iyong patutunguhan. Ngunit mag-aliw-aliw ka naman. Mag-iibayo ang sigla mo kung sanda-sandali man lamang ay ilalayo mo ang iyong ilong sa iyong libro. Maaari ba namang ang isang malusog na gaya mo ay hindi maaakit ng mga dalaga? Hayan si Alice . . . ‘yang gandang ‘yan . . .”
“Bakit ba si Alice ang binubuwisit mo?” hadlang ni Andres. “Kahit na sa biruan ay may hangganan.”
“Tigilan mo na si Andy,” pakli ng dalaga. “At huwag mo naman akong ipag-ukulan. Ano ang malay mo kung si Andy mayroon nang itinatago,” at tumawa si Alice.
“May itinatagi si Andy?” pamanghang sabi ni Bill. “Walang maitatago sa akin iyan. Iyan ang tinatawag na nauuhaw at ayaw makiinom.”
“At kung tanggihan ng nakikiinom?” tanong ni Andres.
“Natatakot kang tanggihan kung ganoon. E, paano malalaman kung tatanggihan ka o kung hindi?” nakatawang tanong ni Alice.
Tumindig na bigla si Andres.
“Hatinggabi na, Bill”, aniya. “Mapupuyat na lubha si Alice.
“Hayan ang sinasabi ko,” pakutyang pakli ni Bill, “ang magaling na kaibigan kong Pilipino ay takbuhin. Ngayon pa lamang sumasarap ang usapan,” tudyo niya, “ay saka pa tatalilis. Tayo na. Walang mangyayari sa akin kung ang manok ko ay takbuhin.”
Naunang lumabas si Bill. Nagsuot si Andres ng kaniyang amerikana at sumunod sa kaibigan. Inihatid siya ni Alice hanggang sa pintuang may kadiliman noon dahil sa bahagya nang abutin ng liwanag ng ilaw.
“Aalis na kami, Alice. At maraming salamat sa iyong kagandahang-loob,” paalam ni Andres. “Hindi pangkaraniwang gabi ito sa akin.
Naramdaman na lamang ni Andres ang halik ni Alice sa kanyang pisngi. . .

Aralin 3: Teoryang Naturalismo
Pinaglahuan
(Kabanata III)
Ni Faustino Aguilar
GABI AT UMUULAN. GABING DAPAT SUMPAIN NG mga may sakit na rayuma dahil sa kalamigan ng hanging himihihip. Gabing dapat ipinalangin ng mga matatakutin sa dahil sa mahuhugong na kulog at nagniningasang kidlat. An g patak ng ulan ay ga-mais halo at siyang ipinaglulusak ng mga lansangan ng Maynila na kaya lamang maganda ay kung tag-araw, tulad din naman sa isang babayi na kung bihis lamang saka nakikitaan ng gara.
Ang mga ilaw-eletriko ay waring nangag-aantukan sa inandap-andap at sa mg daang dating matao ay ilan-ilan lamang ang nagsisipaglakad, matangi ang mga pulis na may katungkulang magbantay ay nangagyayao’t ditong matalas ang tainga sa ano mang kilatis o yabag kaya na di karaniwan. Ito ang biyayang napapala sa kanilang ibinubuwis ng mga naninirahan sa Maynila na nang gabing iyong pinasungitan ng ulan ay maagang nagsipaglapat ng pinto. Tulog ang bayan at hindi naririnig ang dagundong ng mga kalesa at ang pinatatagintingan ng salapi sa mga bahay-kalakal. Nagpapahinga ang lahat, naghapuna’t hindi, bundat at gutom, mula sa mga ulo ng yaman hanggang sa kadukha-dukhaang anak ng pawis, at parang-parang nagsisihanap sa pagtulog ng lakas na kinabukasa’y gagamitin ng iba sa pagsasaya, at nang karamihan sa pagkita ng ikabubuhay. Ang pagtulog ay sintulad din ng kamatayan, walang itinatangi, lahat ay pinaghaharian, lahat ay nasasaklaw; pagdating ng gabi ay siya ang panginoon. Mapalad na panginoong walang kawal at malalaking hukbo ni laksa-laksang salapi ay makapangyarihan naman at tinatalima.
Nguni’t isa lamang masuyain, ang sa gayong kalakas na ulan ay sumasagasa at sugod nang nakikipag-unahan sa bilis ng kidla na maminsan-minsang nakalilito sa kaniyang mga paningin. Pagliko sa isang daan at sa tapat ng isang tila nag-aantok na ilaw, ay nakikilalang siya pala ang binatang nakatalo ng pulis sa Opera.
Lalo pang lumalakas ang ulan, nguni’t lalo namang nagdudumali ang masuwayin na pagkapat sa isang bahay sa daang A. ay tumigil at nagmasid. Lapat na ang mga pinto’t bintana ng kinatatapatang bahay na di naman lubhang mataas. Ang bahay na iyong salat sa karingalan ng mga bagong tayo, ay napagkikilalang matanda na at marahil ay di lamang lilimampung taong pinamamhayan. Malaki nga kung sa malaki, dapwa’t di sasalang yari noon pang walang mga kawani ang municipio na nag-uutos paris ngayong ang tataas ng mga bahay at pagpantay-pantayin , sapagkat mababa, at sa katunaya’y pantay-ulo lamang ang mga palababahan ng bintana. Ang bahay na iyon marahil ay labi ng isang marahas na sakuna, pagka’t sa biglang tingin ay napagkikilalang dating mataas at nagsasabi ng ganito’y ang ayos ng kabahayan na alangang-alangan sa kababaan ng silong. Ito’y bahagya nang umaangat sa lupa. Sa gayong kadilim na gabi ay pagkakamalan ang bahay na ito at wiwikain ng kahit sino na marahil isang simbahang matanda, at kabilang na ng mga bagay na kakahapunin ng pananampalatayang Kristiyano. Siyang-siya ng sa isang simbahan ang tabas-kamalig niyang bubong na tisa na sa may gitna at sa pinakatuktok ay may isa pang maliit na gola na natatapos sa isang kurus na kahoy. Ang kurus na iyo’y di sasalang nakasaksi ng panahon sa malalaking bagay na nagyari; gaano karaming lihim ang nalalaman niyang pipi naman at hindi makapagsalita.
Kung ang bahay na ito’y nagkataong napagitna sa matataas na pader ay maipalalagay sanang isang monasterio o tahanan ng mga babaying walang puso kung sa mga lalaking tagalupa, maliban kay Kristong hindi na pinagsawaang pag-ukulan ng kani-kanilang pag-ibig ng libu-libong dalaga.
Nguni’t hindi , at ang bahay na iyong alangang simbahan, alangang monasterio ay tahanan ng isang mayamang kilala sa buong Maynila sa pangalang Nicanor Gutierrez. Iyon ang bahay ni Don Nicanor na kinatatapatan ng masuyain kay Pagtulog.
Sa mga kilos at anyo ng taong natatapat sa bahay ay napagkikilalang hirati siya sa gayong tinayu-tayo. Ang kalaliman ng gabi, ang malakas na ulang bahagya pa lamang nagbabawa, ang putik sa lansangang abot sa may bukung-bukung, ang mangisa-ngisa dapwa’t maririing kulog, ay hindi man niya pansin, at waring natatalagang makipagtagalan sa noo’y tila matatalo na niyang bubo ng tubig mula sa itaas. Isa pang bugsong malakas kaysa mga nauna, at ang ula’y tumugil, nguni’t hindi ang mga kidlat at kulog na patuloy rin at waring nagtatawag pa ng unos.
Isa, dalawa, tatlo, hanggang limang ubo ang narinig sa gitna ng dilim at hindi na umulit. Iba namang tunog ang narinig: marahan nguni’t hugong ng isang bintanang kapis na binubuksan.
“Luis, Luis?” ang salitang gumambala sa kadiliman ng gabi.
“Oo, Danding, ako nga.”
“Matagal ka na bang naghihintay?”
“Ngayun-ngayon lamang ako naiinip.”
“Oo nga at inakala ko nang baka hindi tayo magkausap.”
“At bakit?”
“Sapagka’t baka napahimbing ka na naman.”
“Ah, hindi na mangyayari uli ang gayon, lubha pa’t ganitong ang puso ko’y ginigiyagis ng mararahas na damdamin.”
“Danding, binibigla mo ako. Ngayon lamang kita nakausap nang ganyan. Ako kaya’y malilimot mo na?”
“Hindi hangga ngayo’y iyung-iyo ang aking pananalig, hindi pa sumasagi sa aking gunita ang paglililo. Nguni’t, oh, manhik ka, at tila babagsak na naman ang ulan.”
At siyanga naman, ang inambun-ambon ay unti-unting lumalakas at ang dating maitim na langit ay nagpanibagong-sapot at bumanta na namang magbuhos sa lupa ng katakut-takot na tubig. Dapwa’t malayo na sa pagkabasa si Luis, sa isang imbay ay nakapanhik sa itaas ng silid na tutulugan ni Danding at ang bintanang dinaanan niya’y muling napalapat ng pagkakalapat na nagsasabing: “dito’y walang nangyayaring ano man.
Wala nga nguni’t sa loob ng dalawang pusong kapwa bata ang nagsusuob ng mababangong kamanyang, dalawang pag-ibig na pinapagtali ng kapalaran ang nagsusumpaan, dalawang pag-asa ang nagtatago sa mata ng marami, hindi sapagka’t masama ang sila’y magmahalan kundi sa “sukat masabi.” Sa gaano kalalaking paglilihim naitutulak ang tao niyang pag-ilag sa “sukat masabi!” – iyang mabigat na pasaning ipinadadalang pilit sa balana ng mga kabulaanan sa pamumuhay.
Si Danding at si Luis ay hindi nakailag na pabuwis na ito, at hindi miminsang nag-uusap sila nang palihim at malayo sa “sukat masabi,” samantalang ang mga magulang ng dalaga ay nangagpapahinga sa kabilang silid naman ng bahay.
Ang pag-uusap nila ng gabing ito ay napaiba sa lahat: waring nakikibagay sa panahon,malungkot at walang katamisang gaya ng dati, lubha pa nang makaraan na ang mga unang sandali.
“Oo, Danding,” ang sabi ng binata, “sasamantalahin ko ang pag-uusap nating ito upang sabihin sa iyong ako’y napakasawing-palad. Tuwina’y ganito, para akong magnanakaw na di makalantad sa marami, patago kung makasilay sa maligaya mong mukha, paumit kung iyong makaharap, ano pa’t sa dilim lamang ng gabi naipagtatapat ang aking pag-ibig at sa liwanag ng araw ay hindi na. Mapalad daw ako, ang sabi ng ilan. Mapalad nga, pagka’t may isa akong minamahal na nagmamahal naman sa akin, mayisa akong iniibig na hindi maipahayag kangino man sa takot na baka ngayon pa’y mawala na.”
“Luis, Luis!”
“Danding, bayaan mong sa gabing itong maulan ay mailalantad ko sa iyo ang mga sugat ng aking puso, nitong pusong sapagka’t iyo’y hindi dapat maglingid ng anung-ano man. Matagal ko nang napupuna na ikaw ay may ipinaglilihim sa akin, mula noong sumulat ka nang kayo’y pasa Tayuman. Ang matatalinghaga mong sinabi sa liham ay natatala pa sa aking isip: “may sasabihin ako sa iyo,” nguni’t hangga ngayo’y hindi mo pa nasasabi. Aywan kung nawalang-tiwala ka sa akin o talagang ang pag-ibig ko sa iyong di na malilimot kailan man ay ipinalalagay mong kabang walang susi, kaya ang sasabihing iyon ay ipinakakalihim-lihim. Lason mang nakamamatay sa aking pananalig at pag-asa ang iyong sasabihin ay ipagtapat mo nang hindi ko mawikang wala kang pagmamahal. Nguni’t huwag at baka wala akong matwid na humingi sa iyo ng ganito kalaking bagay.”
“Sukat na,” ang pagkaraka’y naisagot ng dalaga sa gayong paghihinampo. “Bawa’t salita mo’y patalim na umiiwa sa aking laman, bawa’t bigkas mo’y aking ikamamatay. Ako nga’y nagkasala sa iyo, nguni’t pagkakasalang di ko naman dapat ipagsisi. Kinusa ko ang paglilihim, at nalaman mo kung bakit?”
Ang binata’y hindi nakakibo, hindi malaman kung ano ang isasagot sa kaniyang kausap na sa sandaling iyo’y nagtila anyo ng Kasawian dahil sa kalumbayang napalarawan sa mukha at sa unti-unting pangingilid ng luha sa magaganda niyang mata.
“Nalaman mo kung bakit?” ang ulit pagkasandali. “Sapagka’t hindi ko ibig mamatay, sapagka’t hinahangad kong ang puso ko na lamang ang madurog. Luis, kulang-palad tayo!” Ang ilang luhang nag-unahan sa pagpatak ang nagsabi binata ng kadalamhatiang kinakabaka ni Danding.
Lalo pang napatigagal si Luis at ang malalam na ilaw ng isang maliit na globong kulay luntian ang sumaksi sa kaniyang pagkahabag sa pinakaiirog nang higit sa buhay.
“Luis, huwag kang matakot sa pighati. Ikaw ang sumalang ng sugat,” ang patuloy nang buong kalungkutan ng nagsasalita. “Tapos na sa atin ang lahat. Ito ang wakas ng ating pag-iibigan. Oh! Kaydaling natapos. Ngayon ay sasabihin ko sa iyo ang bagay kong ipinaglilihim. Wala akong ipagkakaila anung-ano man, lahat ay aking sasabihin yamang ibig mo. Ang dalagang umiibig sa iyo at kung palayawan mo’y aking Danding ay hindi na iyo ngayon. Siya’y wala nang sariling puso, siya’y isang kasangkapan lamang na ipinagbibiling di magluluwat. Ipagbibili, Luis, at sa halagang di mo maaabot. Alam kong sa pag-ibig mo sa akin, sampung buhay man ay iyong ipapalit, dapwa’t di sukat ang buhay, kailangan ang salapi, kailangan ang pilak na mataginting, na panira sa lalo mang mahal na mga tipanan, at makaaalipin sa napakataas mang hari, kaya ngayo’y hindi na ikaw ang may karapatan sa aking pag-ibig, iniirog man kita, kundi si Rojalde na mula ngayo’y kinapopootan ko.”
“Kung gayon, si Rojalde…” ang bahagyang nasnaw sa bibig ng binata.
“Oo, Luis, siyang bibili sa akin at ang magbibili nama’y ang aking mga magulang.” At marahil sa pagkalunos, ang dalaga’y napatigil. Hindi na nakapagpatuloy, at walang naisaksi ang kaniyang puso sa sakbibing dalamhati kundi ang saganang luha at ang pinipigilang paghikbi.
Sabay sa pagluha, sabay sa paghikbing isinalaysay ng dalaga ang buong nangyayari. Siya’y pingsabihan na ng kaniyang ama at nang sumagot na may kapaitang lunukin ang maagap na pagkakapaoo kay Rojalde nang hindi naman sumangguni sa kaniya, ay nagalit, napoot, at siya’y tinawag na masamang anak. Di-umano’y kaligtasan nilang mag-anak ang gayong pag-aasawa at alang-alang sa pagkaligtas na ito sa isang napakalaking panganib at kahihiyang kapapasukan kung sakali ay dapat siyang sumunod. Nasabi pa rin ng kaniyang amang kung hindi siya sasang-ayon ay mapipilitang magpatiwakal na muna bago masamsaman ng lahat na pag-aari at lumabas na kahiya-hiya sa karamihan. Ang kanila palang dangal at kapurihang mag-anak ay maaaring siklut-siklutin ni Rojalde. Napakalaki ang sagutin ng kaniyang ama rito na di na makauurong pa kahit ibigin.
“At ako, sa harap ng ganyang sigalot ay nalilito. Iniibig ko ang aking magulang at iniibig din naman kita,” ang mga huling salitang sakdal kapaitan ng dalaga.
Ang gayong dagok ng kasawiang-palad ay hindi inasahan ni Luis. Hanggang nang mga sandaling yao’y hindi pa nagkakasugat ang kaniyang puso. Naniniwala ng paniniwalang bulag sa kaligayahan ng pag-ibig na sa palagay niya’y isang bulaklak na napakabango at di na mauubusan ng samyo. Hanggang sa gabing iyon ay pawang paglasap ng katamisan sa sinapupunan ng kaniyang pinakamamahal na Danding ang natatamo, minsan ma’y di nakadama ng isang tinik na sukat ikapagsabing nagsapot sa kaniya ang kalangitan, minsan ma’y di nakalagok ng kapaitang ikapagtuturing na siya’y nasawi. Lahat ay ligaya, lahay ay aliw at katamisan, walang lungkot ni pighati ni luha at pagdaramdam.
Alam niyang may mga pag-ibig na taksil at nakamamatay, dapwa’t kailan ma’y di nag-akalang ang ganito sa kaniyang Danding na makalilibong sumumpa sa pagmamahalan nila. Hindi akalain ni Luis na sa isang sandali lamang ay mapapawing parang aso ang lahat niyang pag-asa sa isang babaying hindi naman masasabing sa iba pa kundi kaniya nang lubos.
Nang mga sandaling iyo’y nagunita ni Luis ang pagkakapagkilala nila ni Danding, isang hapon sa Luneta, nang ito’y kagagaling pa lamang sa isang colegio rito sa Maynila at inilabas ng ama dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng Del Pilar sa Sta. Cruz. Biglang sumagi sa kaniyang gunita ang ikalawang pagtatagpo nila, makasanlinggo lamang sa isang sayawan, at nagunita tuloy ang kaniyang pagkakapahayag sa sayawang iyon, na ipinagtamo kay Danding ng kung hindi man isang oo ay isa namang pagpapaasang sukat nang makaaliw sa isang nangingibig.
Oh! Hindi maaari, na ang gayong pag-iibigang pinapagtibay na mahigit ng isang pag-irog na dalisay at wagas ay magbunga ng kapait-paitang pagkadusta. Hindi, kailangang mamatay na muna siya upang makapanalig sa ganito. Gayunma’y kaharap si Danding, nadinig sa mga labi nito ang buong katotohanan, ang pagbibili ng isang pusong may dinadalanginan man ay pilit na ipinasasaklaw sa iba, at siya ay naroong walang namang magaw at di makapagsalita ng anung-ano man palibhasa’y pinipi ng gayong kasawiang ikawawala ng kaniyang mutya at tunay na ligaya. Ibig na ayaw paniwalaan ni Luis na may mga magulang ngang nangangalakal ng anak. Pinag-aalinlangan niyang ang pangangalakal na ito, kung totoo man, ay iukol ni Don Nicanor sa kaniyang kaisa-isang anak na babayi, pagka’t si Don Nicanor ay mayaman at di mangangailangan ng salaping ipananakip sa tainga upang huwag marinig ang sigaw ng isang pusong tumututol.
Ang pangingibig ni Rojalde ay kaniyang talastas. Nalalaman niyang ito’y nagpapakamatay halos kay Danding, at sa katunaya’y di miminsang nakapagdahilanan pa ng kaniyang mga pagtatampong lambing lamang naman sa nagmamahal na si Danding, dapwa’t di niya sinapantaha kailan mang gayon ang magiging wakas.
Si Din Nicanor, sa kaniyang palagay, ay isang amang may katuwiran at hindi kabilang ng mga magulang na sa supot tumitingin at hindi sa kaligayahan ng kanilang anak, dapwa’t naroroon si Danding na nagpapabulaan sa ganitong palagay. Oo, ang Danding na iyong kinaniya-kaniya at pinaglalaanan ng buong pagkatao at pagmamahal ay ipinabili ng magulang, at siya sapagka’t dukha’y di man lamang makasali sa pamamakyaw.
Ang kaniyang maliit na sahod sa pinapasukang isang bahay-kalakal na dayo ay hindi maipangangahas sa gayong pagbibilihan: sukat na lamang ang magtiis, at ang pagmumuni-muning ito’y siyang nagsurot sa kaniyang mga mata ng napakaruhaging palad ng dukha, na pinanaligan niyang nauuwi sa ganito: ngayo’y malakas, bukas ay mahina at sa makalawa’y matanda nang pinatatapun-tapon hanggang sa mamatay na dayukdok.
“Ipagbibili ako sa halagang hindi mo maaabot!” ito ang sabi ni Danding at may katotohanan nga naman, pagka’t siya ay dukha, isang maralitang salamat sa kaunting nalalaman kaya nakagigitaw-gitaw nang kaunti. Dapwa’t ganito man ay nag-uulik-ulik ang kalooban ng binata. Hindi makapani-paniwala sa lahat ng narinig, at ipinalalagay na ang mga ipinaturing ng kaniyang minamahal ay isang panaginip lamang kung hindi man isang pagbiro.
Nang mga sandaling iyon si Luis ay napatulad sa isang ayaw mamatay na tinutulan pati ng paghihingalo. Si Danding ay kaniya, at laban dito’y wala nang katuwiran pang maibabali. Kapagkaraka’y walang lunas na minagaling kundi ang pagtatanan. Sa lilim ng malayang pamamalakd tungkol sa bagay na ito ay makisisilong sila ni Danding: doo’y di na makaaabot ang lakas atmasagwang pagkaama ni Don Nicanor, kaya ang sabi pagkatapos ng matagal na di pag-imik.
“Laban sa ganyang paggahasa ng iyong ama ay kagahasaan din ang panlaban. Magtanan tayo, lumayo rito at salirinin ang ating palad.”
Ang ganitong mga salita’y binigkas ni Luis nang biglang-bigla at natatatakan ng katigasang-loob. Hindi minasama ni Danding ang gayong hikayat. Siya ma’y nakapag-akala na ring di miminsan ng gayon, dapwa’t kinahahabagan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina. Dito niya utang ang pagkatao, ang nalalaman, ang lahat. Ang kaniyang pagsunod ay talagang sa mga magulang, nguni’t ang kaniyang puso?
Isang pakikipagtunggali sa mga udyok ng puso ang nangyayari kay Danding ng mga sandaling iyo. Isang matamis na damdamin ang nagtutulak sa kaniyang sumama kay Luis, lumayo, at sa gitna ng kalayaan lasapin ang katamisan ng paggiliw, nguni’t magpikit man ng mata’y isinusurot naman sa kaniyang mga balintataw ng pagsunod sa magulang ang larawan ng amang nagpatiwakal dahil lamang sa kaniyang di pagsunod. Matay mang pakakuruin ang sinasapit niya ay di mapanibulos kung saang dako kikiling: saa’t saan man ay may kamatayan, may lasong makamandag, may sundang na pang-iwa.
Napaiyak, at di kinukusa’y sa balikat ng binata napahilig. Isang halik na pasiil ang inilunas ni Luis sa gayong kapighatian, at ang sabing sabay ng paghaplos sa noo ni Danding:
“Alam kong iniibig mo ako kaya wala akong katiga-tigatig. Ikaw ay akin at di kay Rojalde.”
“Napakahirap kang papaniwalain,” ang pahikbi-hikbing sagot ng dalaga, “at ngayong makilala ko ang kadakilaan ng iyong puso at ang karangalan ng iyong pag-ibig ay lalo kitang minamahal. Nguni’t maniwala ka sa akin, Luis. Limutin mo na ako, huwag kang umasa ng ano man at ang pagbibili sa akin ay hindi na mauurong. Luis! Luis! Bakit di ka naging mayaman?”
“Danding!”
“Oh, hindi ko sinusugatan ang iyong pagkatao. Nasabi ko ang gayon pagka’’t kung may salapi ka ay hindi ako kay Rojalde, kundi’y iyo na lamang.”
“Siya na. Ako’y hindi mo na iniibig kaya ka nagsasalita nang ganyan. Pusong babayi ka nga mayroon. Ipinagpapauna mo sa pag-ibig, diyan sa dalisay na dumadaming bibihis sa katauhan, ang kahinaang-loob. Dinaya mo ang aking pag-asa. Hindi mo na ako minamahal. May katuwiran ka, ako’y dukha at di dapat mangarap ng pag-akyat diyan sa kalangitn handa lamang sa mga mapalad na manggagaga. Oo, lilimutin kita sapagka’t ikaw ay mayaman, hindi sapagka’t hinihingi mo. Aalis ako ritong gahak ang puso at walang paniwala.” At pagkasabi ng ganito’y tumindig ang binata at humandang aalis.
“Wala kang awa, Luis. Ikaw pa ang maghihinanakit sa akin. Ibig kong sa pag-alis mo rito’y magtaglay ng paniniwalang hindi kita nililimot. Iniibig kita nang higit pa kaysa rati dapwa’t ang aking mga magulang, ang pagpapahalaga sa kanilang naipangako, ang kabaitang dapat taglayin ng isang anak… Luis,kaawaan mo ako!”
“Nauunawaan kita, nguni’t ano ang magulang, ang pangako, ang kabaitan sa harap ng isang oag-ibig? Ikaw ay akin at hindi sa iba, bakit nmgayo’y ikaw na rin ang magkukusa ng pagwawalat sa ating ligaya?”
“Lahat nang iya’y totoo, maaaring ako’y iyong pag-itingan ng sisi at pagdusta, dapwa’t huwag mong hinalain kailan man na kita’y hindi iniibig, pagka’t ito ang lasong makamamatay sa akin. Iniibig kita nguni’t…”
“Kung gayon ay di mo makakayang suwayin ang mga magulang?”
“Sila ang aking pangalawang Diyos dito sa lupa, at bago ko sirain ang ganitong tadhana ng aking pananampalatayang kinagisnan ay ibig ko munang mamatay.”
“Sukat na, Danding. Maituturing mong ikaw ay nagwagi. Iiwan ko rito ang aking puso. Aalis akong wala nang pag-asa ni pananalig. Isang buhay ang inalisan mo ng halaga, dapwa’t hindi kita sinisisi sa pagkakaganito, nalalaman kong ikaw ay walang sala, ang aking pinakasusumpa ay ang mga kamaliang bunga ng dalawang gawa ng tao: salapi at ang pananampalataya.”
Pagkaraan ng may isang oras, si Luis ay malungkot na nanasok sa pinto ng kaniyang bahay na sa isang nayon ng Maynila ay kaumpok ng ilang bahay na pawid na paris din ng kaniyang tinatahana’y naghihiwatig ng di totoong mariwasang buhay ng nagsisitira.
Hanggang sa makakubli sa mga patak ng ulan ng gayong kasungit na gabi ay walang nauulit-ulit ang binata kundi ang mga salitang:
“Ang salapi, ang pananampalataya, napakalakas ang mga kaaway kong ito.”

Aralin 4: Teoryang Romantisismo
Ang Tundo Man Ay May Langit Din
(Kabanata VIII)
Ni Andrew Cristobal Cruz
Hindi maputul-putol ang tawang marahan ni Victor. Hindi makatingin si Alma. Ibig na ibig niyang humungi ng paumanhin. Waring nadarama niya sa pagtatawa ni Victor ang inililihim nitong pagdaramdam. Pabiro man, nabigla siya sa sinabi niyang hindi ang klase ni Victor ang ipagseselos niya.
Tumingin si Victor sa orasang malaki sa lobby.
“Magta-time na,” wika ni Victor at saka lumakad papalayo patungo sa pasilyong palabas.
Nagngingitngit sa sariling sumunod si Alma. Ngayon lamang sila muling nagkabati ay si Victor naman ang nagdaramdam. Muntik na siyang tumakbo upang habulin si Victor. Ayaw naman niyang maging kapuna-puna siya. Lumakad na lamang siya nang mabilis at nilakihan ang kaniyang mga hakbang. Si Victor ay nakalabas na sa pasilyo at patungo na sa gusali ng Education.
“Totoo kaya ang sinabi niyang nagseselos ako?” naitanong ni Alma sa sarili. Hindi niya matiyak kung iyon ang dahilan at siya’y nagalit nang magsinungaling sa kaniya si Victor tungkol sa pagkakahuli nito nang dahil sa pakikipagkita nito sa dating katipan noong Sabado.
“Ba’t pa ‘ko nakasama-sama sa bowling,” may paninising wika ni Alma sa sarili. “Sana’y hindi ko na nabalitaan na si Victor ay may kasamang babae noong Sabado ng hapon.”
Sinundo siya ng kaniyang pinsang si Minnie noong Sabado pagkatapos ng klase. Iyon daw ang sinasabi niyang taga-Tundo ay nakita ni Minnie na naunang lumabas at nagmamadaling pumanaog sa hagdang malaki ng kilalang palamigan sa Quiapo.
“Ipakukumbida ko sana sa ‘yo,” sabi pa ni Minnie. “Ibig kong subukan, mapatunayan ang sinasabi mong hindi siya katulad ng ibang binata. Isasama natin sa bowling sa Quiapo. Naroroon na sina Johnny, Nick at Monching.”
Dumating sila sa Quiapo, sa palamigang may kasamang bowling alley. Si Nick na kapatid ni Minnie at minsang naipakilala na ni Alma kay Victor ang nakapagbalita. Hindi makapaniwala si Alma. Gayunma’y hindi siya nagpahalata. Panay sa kanal ang takbo ng kaniyang mga bola nang naibalita na ni Nick ang tungkol sa nakita niyang kasama ni Victor sa palamigan.
“Beautiful na beautiful,” sabi pa ni Nick, “alam mo na. Pati si Monching, muntik nang magbago ang paniwalang ikaw, Alma, ang pinakamaganda.”
Matagal nang may gusto si Monching kay Alma.
Hindi inabutan ni Alma si Victor. Hustung-hustong labasan na ng isang klase nang makarating siya sa gusali ng Education. Pumasok sa kanilang classroom si Victor. Magkatabi sila ng upuan sa may likuran.
Hindi nakatiis si Alma nang nagkaklase na sila. Pumilas siya ng isang dahon sa kaniyang kuwaderno at sinulatan iyon, pagkatapos ay tiniklop at iniabot ang kaniyang sulat kay Victor na nasa kanan niya.
Binuklat ni Victor akg kinuha niyang nakatiklop na papel. Malaking-malaking SORRY ang nakasulat doon.
Huling-huli ni Victor ang panakaw na tingin sa kaniya ni Alma. Hindi pinansin ni Victor ang sulat ni Alma. Sinulyapan niya ang nakatitik sa sulat subali’t walang mababasa si Alma sa kaniyang mukha.
Mayroon silang vacant period na tatlumpung minuto pagkatapos ng klase nila. Alas siyete na ulit ang pasok nila. Nang matapos ang klase, binigyan ni Alma ng daan si Victor. Daraan si Victor kay Alma upang makalabas. Nanatiling nakaupo si Alma at kunwari’y sinamsam ang kaniyang mga libro’t kuwaderno.
“Nabigla ako,” wika ni Alma, “sori”.
“Ang klase ko bang ito’y pinagkakausap mo pa?” kunwari’y nagdaramdam pa ring tugon ni Victor. Hindi pa rin nakahahalata si Alma sa pag-aartista ni Victor.
“A, ikaw ang bahala,” wala nang magawang sabi ni Alma, “sinabi ko nang nabigla ako, sori…”
Kinipikip ni Alma ang kaniyang mga libro’t kuwaderno, tumayo at lumabas sa kuwarto. Silang dalawa ni Victor ang huling lumabas. Umuna ng bahagya si Victor at saka nagsalitang may arte pang animo’y isang baklang malambot ang baywang at mga kamay, at nagboses babae siya.
“Masakit poh ang inyong biro. Alam poh naman ninyong hindi akwoh bhasta-bhasta.” Natawa rin si Victor sa kaniyang pagpapatawang iyon.
“Tigilan mo nga ‘yan”, saway ni Alma. “Baka mahipan ka ng hangin Maraming nakakakita sa ‘yo!”
Nakaramdam ng pagkapahiya si Victor nang mapansin niyang nakatinging nagtataka sa kaniya ang ilang mga kaiskuwela.
“Tena sa canteen,” anyaya ni Alma nang lumabas na sila sa gusali ng Education. “Ibo-blowout kita.”
“’Yan na naman!” wika ni Victor na itinaas ang boses.
“O, bakit?” pagtataka ni Alma.
“Ano, ano ‘ko? Bata?” paliwanag na nagtatawa ni Victor. “Pagkatapos mong saktan, sabihing ang klase kong ito’y hindi mo ipagseselos, palalamunin mo ko’t tapos na ang lahat ng pagdaramdam.”
“Naku,” parang nabubuwisit na sagot ni Alma, “lahat na lamang ay binibigyan mo ng kahulugan.”
“Aba’y sino ba sa ‘tin ang nagbibigay ng kahulugan sa walan, aber?”
“Ikaw.”
“Di ba imbestiga mo sa ‘kin sa lobby kanina, di ba sabi mo, kaya pumutok ang kilay ko’y dahil nag-away kami ni Flor.”
“Flor pala ang pangalan,” wika ni Alma.
Nagtabi sila sa upuang marmol sa ilalim ng mataas, malaki’t malaking puno ng akasya sa isang sulok ng malawak na bakuran ng pamantasan. Dumudilim na. Nakasindi na ang mga ilaw sa mga kuwartong aralan.
“Bakit ka nagsinungaling pa?” tanong ni Alma. “At bakit mo naman ako pagsisinungalingan?”
Nagkibit-balikat si Victor. Hindi rin niya malaman kung bakit nga niya pinagsinungalingan pa si Alma. Ipinaliwanag ni Alma kung paano niya nalamang kasama niya, ni Victor, si Flor noong Sabado kaya hindi nakarating agad. Ginamit pa ni Alma ang salitang ginamit ni Nick tungkol kay Flor. Beautiful na beautiful. Magandang-maganda raw si Flor.
“Kung ganoon,” nasabi ni Victor, “dalawang bagay ang dapat ipaliwanag sa ‘yo. Si Flor at ito.” Itinuro ni Victor ang kaniyang putok na kilay.
“Aba, kung ayaw mo, huwag!” sansala ni Alma at saka nagbibirong nagsalita. “Hindi kita pinipilit. Sino naman akong dapat mong pagpaliwanagan?”
“Mabuti na ang malinaw kaysa malabo,” sagot ni Victor. “Ano’ng malay ko, baka balang araw isurot ma sa akin at sukat ang tungkol kay Flor o kaya’y … patulan mo ‘ko, saka-sakali…”
“O, ikaw naman,” tudyo ni Victor. “Ang totoo’y sabik na sabik ka na. Kunwari pa ‘to…”
“Victor!” parang nangangaral na wika ni Alma. “Ayoko ng ganyan. Ginugulo lagi ang usapan.”
Hindi na nagbiro si Victor.
Naging magaan para kay Victor ang magtapat kay Alma tungkol kay Flor. Kailan man yata, kapg si Flor na ang kaniyang maaalaala, ang unang pumapasok sa ulo niya’y ang magaganda nilang pangarap. Kinitil ang mga pangrap na iyon ng isang pagtatalusirang naglangkap ng isang makamandag na kasiphayuan.
“Kapag naunawaan mo na pala ang isang bagay,” wika ni Victor, “kapag nawatasan mo na kung bakit ganoo’t ganito ang isang nilalang, babaguhin mo ang dati mong akala. Pati na’ng iyong sarili’y para mo na ring natuklasan.”
“Ibig mong sabihin,” usisa ni Alma, “hindi ka nagdamdam sa ginawa niya?”
“Nagdamdam? Aba, oo!” sagot ni Victor. “Sa simula, di kasi naman, ang sama-sama ng loob ko. Nguni’t iyon ay dahil sa hindi ko pa nauunawaan kung bakit siya nagkagayon. Kung bakit niya tinalikuran, wika nga, ang aming mga kuwan.” At tumawa si Victor.
“Sa kabila ng…?” hindi maituloy ni Alma ang kaniyang sasabihin.
Alam ni Victor ang ibig sabihin ni Alma. Wala siyang inilihim tungkol sa kanilang dalawa ni Flor. Gayunma’y pinili niyang mabuti ang kaniyang ginamit na salita: pagnanasang maging iisa, makilala ang kani-kanilang sarili, matagpuan ang sarili sa isa’t isa… malayang pag-uulayaw… ganoon ang mga pariralang ginamit ni Victor.
“Kung may nangyari, ewan ko,” wika ni Victor na natawa pa. “Balita ko, kapag Tatay na ang isang tao, hanapbuhay na lamang ang inaasikaso. Lalo na sa Tundo.”
“Ano ngayon ang gagawin mo?” tanong ni Alma.
“Tulungan siya,” walang gatol na tugon ni Victor.
“Kahit na, kahit ka niya. . .?”
Tumango si Victor, at saka nagsalita. “Nauunawaan ko na siya. Tapos na. Siya’y taga-Tundo. Ibig niyang makalayo sa estero; nakita niya ang paraan, tao lamang siyang mayroong mga kahinaan. Ano ngayon ang kaibahan ko sa kaniya, maliban sa paniniwala kong kaya lamang magiging matagumpay ang aking paglayo sa aming kapaligiran ay kung mailalayo ko rin ang ibang katulad ko, at hindi ang sarili ko lamang. Ewan ko, pero nagtitiwala akong ang Tundo man ay may langit din. Iyon ang aking hahanapin. Hindi lamang para sa aking sarili.”
“At kung mabibigio ka?” tanong ni Alma.
“May diperensiya ako kung ganoon,” sagot ni Victor. “Kailangang malaman ko kung ano, tapos ay kayod na naman, mag-upisa na naman.”
“At kung mabigo ka na naman?” ulit ni Alma.
“Teka nga muna,” baling ni Victor kay Alma at tiningnan niya itong mabuti bago magpatuloy sa pagsasalita, “palagay mo kaya’y mabibigo? Tapatin mo ako, sabihin mo sa ‘kin kung bakit. Palagay mo kaya’y mabibigo ako?”
Umiling-iling si Alma.
“Hanga ka sa akin, ano?” nagbibirong isip mo’y nagmamagaling na sabi ni Victor.
“Yabang lang,” wika ni Almang napatawa’t wala sa loob ay umambang papaluin si Victor.
Umilag kunwari si Victor at inilayo ang ulo. “Baka mo tamaan ang aking sugat,” wika niya
“Masakit pa ba?” tanong ni Alma. “Ano ba talaga ng nangyari?”
“Hindi ko na napigilan si Lukas,” sagot ni Victor. “Aba’y sumagupa ba namang nag-iisa. Ano’ng magagawa ko kundi sumabak na rin. Biruin mo, apat.”
“Di bale, sanay ka naman sa kuwan, sa bakbakan,” wika ni Almang noon lamang narinig ni Victor na gumamit ng salitang lansangan, bakbakan.
Natawa si Victor sa pagkakagamit ng salitang iyon ni Alma. Iba ang tunog niyon sa pagkakasalita ni Alma. Para siyang dayuhang gumamit ng salitang hindi kaniya.
“Nahahawa ka na yata sa ‘kin,” wika ni Victor. “Talagang hanga ka sa ‘kin, ayaw mo lang aminin.”
“Tumigil ka nga r’yan,” wika ni Alma. Mabuti na lamang, naisip niya, dumudilim na, kung hindi’y baka napansin na ni Victor ang pamumula ng kaniyang mukha. Tiningnan niya sa liwanag ang ilaw sa mataas na posteng bakal sa may likod nila kung anong oras na sa relong panggalang niya. “Malapit na ang time,” paalala niya.
“Inilalayo mo na naman ang usapan,” wika ni Victor kay Alma. “Sabihin mo na, hanga ka sa akin.”
“Hindi!” pakling iiling-iling ni Alma.
At saka kanina, o,” paalaala ni Victor.
“O, ano naman ‘yon?” wika ni Almang inaayos ang kikipkiping mga dala.
“Nagseselos ka kay Flor,” biro ni Victor, “di ba?”
Sumimangot si Alma. Halatang-halata ni Victor na pinipigil ni Alma ang pagtawa.
“Sumusobra ka na, Victor,” parang galit na wika ni Alma. Pero hindi rin niya napigilan ang kaniyang pagtwa.
Nahawa si Victor sa tawa ni Alma. Lumakad silang patungo sa gusali ng Liberal Arts. Ang susunod nilang klase ay Philippine history, ang kanilang major subject. Iyon ang pinagdadalubhasaan nila ni Alma, ang kasaysayan ng Pilipinas. Iyon, balang araw, ay kanilang ituturo sa haiskul.
“Nakapag-aral ka ba ng El Fili?” tanong ni Alma. Ipinababasa iyon ng kanilang propesor bilang tulong sa pag-aaral tungkol sa panahon bago dumating ang himagsikan sa Pilipinas laban sa mga Kastila.
“Kahit makirot ang kilay ko, nagbasa ako kahapon,” sabi ni Victor. “Ikaw ba, hindi? Ilang araw sa ‘yo ang libro, di ka nagbasa, o nakalimutan mo na?”
“May notes ako,” sabi ni Alma, “pero hindi ko nai-review kahapon.”
“Nanood ka siguro ng sine,” sabi ni Victor, “ o may party kang pinuntahan.”
Umiling si Alma.
“A, alam ko na!” natatawang wika ni Victor na nanghuhula’t nagbibiro. Alam ko na kung bakit di ka nakapag-aral.”
Tumingin si Alma kay Victor. “Bakit?”
“Iniisip mo kasi kung sino ang sinabi ni Nick na kasama ko noong Sabado. Nagseselos ka!” tudyo uli ni Victor.
“Sige na nga, nagseselos kung nagseselos!” kunwari’y nayamot nguni’t tumatawang sagot ni Alma. “Hanga naman ako sa ‘yo, oo!”
“Hayan, ha, inamin mo na,” paalaala ni Victor.
“Inamin ang ano?”
“Na hanga ka sa akin!” nagtatawang sagot ni Victor.
Biglang huminto si Alma sa paglakad. “Victor!” wika niyang humarap kay Victor at saka pumadyak. Nanlilisik ang mga mata ni Alma.
Aralin 5: Teoryang Humanismo
Titser
(Kabanata I)
Ni Liwayway B. Arceo
Paninindigan
Mula sa kinatatayuan ni Aling Rosa sa tabi ng bintana ay nakita niyang papasok na sa tarangkahan si Amelita. Hindi naikubli ng nag-aagaw na dilim at liwanag ang hapung-hapong anyo ni Amelita at ang hapis na mukhang pinalamlam ng pagod. Nguni’t hindi rin nakubli sa paningin ng matanda ang wari ay walang nadaramang pagod o hirap ang anak. Magaan din ang pag-angat at pagbagsak ng mga paa nito. Tila may kasiyahang walang kahulilip ang imbay ng kanang braso, at ang kaliwa ay may kipkip na aklat at makapal na kuwaderno.
Hindi man lamang kumibo si Aling Rosa nang humalik ng kamay si Amelita, bagama’t hindi niya nailihim ang nagpupuyos niyang damdamin. Natitiyak niyang napansin iyon ni Amelita: ilang saglit napatitig sa kaniya ang anak bago unti-unting ibinaba ang tingin.
“’Ala ‘ata ang Tatang?” mahinang tanong ni Amelita.
“Ewan ko!” paasik na tugon ni Aling Rosa. Sinundan niya ng tingin si Amelita nang pumasok ito sa sariling silid.
“Talagang pinakagaga sa lahat ng anak ko ang isang ‘to, oo! himutok ni Aling Rosa. “Maaari namang kumuha kahit anong mabuti-buting karera. . . nagpilit na maging titser lang! Ngayon. . . ano? Alila ng buong nayon!”
Bumabalik sa gunita ni Aling Rosa ang mga natupad na pangarap sa pagpapalaki sa kaniyang mga anak nang pumasok sa salas si Mang Ambo.
Bahagyang hinukot na ng panahon ang mga balikat ni Mang Ambo, katuwas ng malalapad at tila higit na matatag na mga balikat ni Aling Rosa. May ilang gatla na sa mga pisngi si Mang Ambo na hindi naging sagabal sa anyong kapita-pitagan: nagbibigay-tingkad iyon sa payak nguni’t kagalang-galang na anyo. Ang katalinuhang kumikislap sa mga mata ay pinatitingkad ng mga salit na pilak sa buhok. At ang tinig na mahina at banayad, kaibayo ng matigas at makapangyarihan at buung-buong tinig ni Aling Rosa.
“Oy,” salubong ni Mang Ambo sa kaniya, “dumating na ba’ng anak mo?”
“Oo, nar’yan na sa kuwarto niya!” matabang na tugon ni Aling Rosa.
“O, e ano’ng nangyari’t ganyan na naman ang mukha mo? Hindi raw ba siya sasama?” Sa pagsasalita ni Mang Ambo ay hindi mapag-aalinlanganang kilalang-kilala nito ang asawa.
“Ewan ko. . . hindi ko pa naman sinasabi!”
“Gan’on pala naman, e. . . ano’t parang bigung-bigo ka na?”
“Ku. . . e makita ko lang ang ayos ng anak mong ‘yan, pinagsisiklaban na ‘ko ng galit!”
“Bakit naman?”
“Naku, Ambo. . . ma’nong huwag ka nang magmaang-maangan! Hindi ba ikaw nga itong laging nakapupunang nangangayat na sa pagtuturo ang anak mong ‘yan? Pa’no laging pagod na pagod!”
Napatango si Mang Ambo. “Sa tingin ko’y nasisiyahan naman sa pagtuturo ang batang ‘yan, a. . . baya’n mo na lang! Pumayag ka na rin lang na ‘yan ang pag-aralan niya. . .”
“Bakit nga hindi pa ‘ko papayag, e sa nakita kong kahit patayin ko’y ang gusto rin niya ang susundin!” Gigil na gigil si Aling Rosa sa pagsasalita at lumilitaw ang mga ugat sa leeg.
“Baya’n mo na . . . talagang ganyan ang bunso!”
“Bunso!” Hinagod ni Aling Rosa ang buhik na nakalag sa pagkakapusod at padarag na ibinuhol uli ‘yon, at sinundan ng pagpalis sa ilang hiblang nalaglag sa noo. “Kung hindi ko lang inaalalang masisira ang linya ng ating pamilya sa pagkakaroon ng isang anak na hindi de titulo . . . kailan ako pumayag?”
Hindi kumibo si Mang Ambo. Hindi nito masasabing mali ang asawa. Nakita nito ang katuwiran niya sa pagpipilit na makata[pos ang mga anak sa pag-aaral at makakuha ng mga karerang tinitingala. Hindi sila mayaman, nguni’t sadyang hinahangaan sila ng buong nayon sa ginawang pagpapaaral sa mga anak.
Halos nahuhulaan na ni Aling Rosa kung ano ang nasa isipan ni Mang Ambo. “Ayaw ka lang maniwala sa ‘kin no’ng una at ‘ika mo’y mahihirapan tayo … o, ano’ng nangyari? Kung hindi natin iginapang si Norberto at naging inhinyero . . . papatusin ba ni Marina? Siyempre pang isang masalapi ring tulad niya ang kukunin ni Marina. O kaya, isang propesor din sa musika, paris niya. Pero hindi, e. Naibigan niya si Norberto dahil may sariling dunong at titulo. At nakatulong pa sa pagpapaaral sa mga sumunod sa kaniya. O, ano. . . hindi ba?”
Tumango si Mang Ambo. “Ang itinatanong ko lang naman e kung napag-usapan na ninyo ni Amelita. Sasama raw ba siya o hindi?”
“Pinag-initan na nga ako ng ulo nang makita ko ang itsura ng anak mo!” mariing sagot ni Aling Rosa.
“Bakit nga?”
“Parang nahuhulaan ko ang isasagot. Pihong sasabihin n’yan ay pagod siya sa maghapong pagtuturo!”
“Ikaw naman, oo! Hindi mo pa pala nasasabi, e . . . gumagawa ka na ng hula kung ano’ng isasagot. Tawagin mo nga! Aba, kung hindi siya makasasama kay Osmundo, masabi na agad. Mahirap nang maghintay sa wala ‘yong tao!”
“Sus, bakit naiba ang salita mo ngayon? Dati’y ikaw ‘tong nagtatanggol sa anak mo. Sa ‘kin ka pa nagagalit at ‘ika mo’y lagi ko na lang pinipilit ang anak mo!”
“Alam mo, Oy . . . inaabot na rin ako ng kahihiyan kay Osmundo! Kung pakiharapan mo’y parang may pag-asa ‘yong tao. E itong pag-uukulan ng pagpapagod, e hindi natin matiyak ang kalooban!” Hindi malaman ni Mang Ambo kung paano magpapaliwanag.
Bahagyang napawi ang pangungulimlim ng mukha ni Aling Rosa. Tinawag ni Mang Ambo si Amelita. Nang lumabas ito mula sa silid ay nakasuot na ng pambahay at hawak sa kanang kamay ang isang walang takip na fountain pen.
“Aba, narito na pala kayo, Tatang!” sabay ang paghalik sa kamay ng ama.
“May sasabihin daw ang Inang mo . . .” sa halip ay tugon ni Mang Ambo at sinulyapan si Aling Rosa.
“Ano ‘yon, Inang?”
“Kinukumbida ka ni Osmundo . . . may benepisyo sa kapitolyo. Dadaan daw dito ngayon. . .” Walang kagatul-gatol ang pagsasalita ni Aling Rosa.
“Ang dami kong trabaho ngayon, e . . .” matatag na tugon ni Amelita. Nguni’t napatungo.
“Aba,” biglang tumigas ang tinig ni Aling Rosa, “nakasagot na ‘ko. Mag-ayus-ayos ka na!”
“Pero, Inang . . .” Nangapos ang paghinga ni Amelita.
“Amelita!” Mariin ang pagkakabigkas ni Aling Rosa sa pangalan ng anak. “Bukod-tangi ka sa lahat ng anak ko, ha? Walang-hiya ka! Ikaw pa’ng bunso. . . ikaw pa’ng natutong sumuway sa lahat ng gusto ko!”
Tungung-tungo si Amelita.
“Hindi ba’t sa simula pa lang, ayoko niyang kinuha mong karera?? Ayoko, dahil magiging alangan ka nga sa mg kapatid mo! Hindi ka nahihiya n’yan? Ang Kuya Norberto mo’y inhinyero, ang hipag mo’y propesora. Ang Dikong Jose mo, abogado . . . kaya’t ang napangasawa, abogada. Ang Ate Lourdes mo, palibhasa’y parmasiyutika . . . madaling nakapag-asawa ng doktor. Ang Ditseng Felisa mo, doktora . . . nakapag-asawa ng doktor din! May kaniya-kaniya nang bahay, may kotse . . . e, ikaw?” at sinabayan ng surot sa mukha ni Amelita.
Hinawakan ni Mang Ambo sa braso si Aling Rosa at tinangkang hadlangan siya sa naiisip pa niyang isagawa. Nguni’t mabilis niyang pinalis ang kamay ng asawa.
“Baya’n mo nga ako!” at pagalit na hinarap si Mang Ambo. “Bakit, ito ba’ng ginagawa ko e para sa sarili ko lang? Hindi ba para sa kaniya? Ayan . . . hindi ako sinunod ng anak mong ‘yan, kaya’t siya lang ang hirap na hirap sa trabaho! Siya ang halos walang kinikita dahil abunadong lagi sa klase. Trabahong-alipin ang ginagawa!”
Nagtaas ang mukha si Amelita. “Nasisiyahan naman ako sa pagtuturo, Inang!” Mahina, nguni’t matatag ang tinig.
“Sasabihin mo nga bang nasisiyahan? Talagang hindi ka makapagreklamo dahil ikaw ang pumili ng karerang ‘yan. Pero may paraan naman para makalayo ka sa ganyang buhay. . .” Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Aling Rosa kay Mang Ambo. “Kung mapapangasawa mo si Osmundo.”
Napaungol si Amelita.
Tinapunan ito ng tingin ni Aling Rosa. Namumutla ang mga labi nito. Hindi mailihim ang pagkabigla.
“Bakit . . . hindi ba totoo ang sinasabi ko?” patuloy ni Aling Rosa. “Sa laki ba naman ng kayamanan ni Osmundo . . . sa lawak ng mga lupain at sakahan, kakailanganin mo pa ang magturo?”
Napansin ni Aling Rosa ang pagtigas ng kalamnan sa mukha ni Amelita. Nangilid ang luha sa mga mata nito.
“Matagal nang nakikiusap sa ‘kin si Osmundo,” patuloy ni Aling Rosa, “at palagay ko naman, napapanahon na para sumagot ka!” Nag-uutos ang tinig niya.
“Pero, Inang . . .” Nangangatal ang tinig ni Amelita nang magsalita, “hindi ko maaating sundin ang . . .”
“Alin ang hindi maaari?” agaw ni Aling Rosa. “Lahat ng gusto ko’y nasuway mo na, Amelita. . . pero ang isang ito’y hindi mo maaaring baliin!”
“Inang,” higit nang matatag ang tinig ni Amelita, “kailangang malaman ni Osmundo na ngayon na. . . na hindi maaari. . .”
Nagdilim ang mukha ni Aling Rosa. “Bakit hindi maaari? Bakit?” at niyugyog niya ang dalawang balikat si Amelita hanggang mabitiwan nito ang hawak na fountain pen.
Maging si Mang Ambo ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob na damputin ang nabitiwan ni Amelita.
Aralin 6: Pagdulog Sosyolohikal
Pusong Walang Pag-ibig
(Kabanata XXII)
Ni Roman Reyes
22. Ang Kamaynilaan Noon
Nakaraan pa ang ilang araw at nasakop ng mga Yankee ang pulong Luzon ng Pilipinas; nagsi-urong sa lalong malayo ang mga kawal Pilipino, at ayaw pa ring sumuko sa kanila.
Ngunit ang mga taong-baya’y napilitang magsipagbalik sa kani-kaniyang tahanang sarili; napilitang napasukob sa watawat ng mga Amerikano, sampung mga pinuno at kinatawan ng Republikang nagitaw na sumandali, at bago ang lahat, ang kanilang sinabi, ang mga anak muna at sariling buhay, kung wala nang pag-iiwasan.
Ang ganyang mga muni-muni at pag-asang may iba pang panahon ang nakaakit sa kanilang pagbabalik at pagsalilong sa nasabing watawat.
Subali’t marami sa taong-bayan ang wala nang dinatnang pamamahay sapagka’t naging abo na nga; marami ng ulila sapagka’t namatay ang asawa o anak na bugtong sa kanilang pagtakbo, at mayroon din namang hindi na nagkitng magsing-irog, na nagkahiwalay sa pasimula pa lamang ng kanilang paglakad.
Datapwa’t higit sa kanila si Loleng, lalong mapait na paghihinagpis ang linasap nito; ito ang lalong kaawa-awa kung may bahay mang dinatnan, sapagka’t wala pa rin si Enrique na dapat niyang makatulong sa paghanap ng kanilang anak.
Naipagtanong na rin, kung sa bagay, sa mga kapitbahay niyang nangaroon na sa kanila kung hindi namataan si Nene, at gayon din si Enrique, sa mga bayan nilang inabot; nguni’t walang naisagot na sukat niyang ikagalak; sapagka’t sila ma’y hindi nagkaroon ng kahit balita.
“Saan kaya napasunod ang batang iyon?”
“Pagkawalang-loob na ama ni Enrique,” ang nasabi na lamang ng balana.
Pagkalungkut-lungkot ni Loleng nang pumanhik sa kaniyang bahay!
Bakit ang hagdan niyang itinaas nang bago siya umalis ay nakababa, nakabukas ang pinto, at nawala ang marami niyang kasangkapan, samakatuwid, magnanakaw ang nangahas na pumahik.
“Ay! Ang mga taong iyo, hindi na nahabag sa akin,” ang kaniya na lamang nasabi, at pagdaka’y naupo sa isa nilang papag, pagkabukas niya ng isang dungawang hindi man natinag sa pagkalapat; nagbuntung-hininga uli, sinapol ang isa niyang palad ang kaniya ring baba, at ang naalaala ri’y ang nawawagli niyang anak.
Ang mga taga-Pulong-gubat noon, gaya sa mga nayon nilang kalapit, ay pawang naguguluhan pa rin sa pag-aayos at pagliligpit ng nagkasabuog-sabog nilang pagkabuhay, at nagsisigayak ang iba upang maghanap sa ibang bayan.
Nguni’t ano ang iniisip ni Loleng sa kaniyang pagkapangalumbaba? Ang maging musmos na pagkukuro, at pabayang pumansin sa damdaming tao’y dapat ding makasukat sa dinaramdam ng babaeng iyon, na ang iniisip niya’y kung saan siya magpapatuloy, at kung ano ang kaniyang magiging kabuhayan kung hindi na sila magkita ng nawawala niyang bunso.
At lalo pa kung gugunitain ng nakatatanaw sa kaniya, na ang bahay niyang iyon nang siya’y binibini, at noong nabubuhay pa ang kaniyang ama, ay isa na sa pinakamarikit sa nayon ng Pulong-gubat, isa na sa nakadidiwasa, at naging hantungan na matatamis na pagsuyo ng kabinataang masisigla sa pag-ibig, at saka ngayo’y naging bahay ng ulila sa hindi malamang kung saan naroon ang kabiyak ng dibdib at bugtong nilang si Nene; naging salat na salat sa palamuti at pagsinta, at walang naiwan kundi pawang bakas ng mababangis na lungkot; sinong pusong nalalabi sa nasabing bahay ang hindi malulunod halos sa kaniyang mga dinaramdam?
“Mataas na langit!” ang kaniya pang naipatuloy nang makalipas ng ilang sandali. “Isang buwan nang mahigit na nawawalay sa akin ang anak ko, saan ko kaya makikita? Ay! Ng buhay ko, na napakaaba sa lahat ng babae! Sa lahat ng nagkaasawa sa balat ng lupa!”
At pagkasandali pa’y pumasok na tila nahihintakutan sa kaniyang silid; pasubok na anaki may tao roong nagtatago sa kaniya, kumakaba ang dibdib, at lalo pang napahimutok nang makitang nakabukas din ang kaniyang baul, at wala na ang damit niyang mahuhusay.
“Naku, at pati pala mga damit ko’y ninakaw ng mga walang-hiya!” ang pamuling nabigkas at sukat ang napadaop-kamay.
Dapwa’t hindi siya nagtagal sa ganitong anyo, muling nagbuntung-hininga, pinili ang natirang mabuti-buti, binalot ng madali, nanaog pagkapinid ng pinto, at lumakad na namang mistulang hibang, na animo’y narinig ang tinig ng kaniyang anak sa dakong malayo, at siya ang tinatawag.
“Inang! Saan ka naroon, hindi ko tamaan ang umuwi, hindi mo na ba ako hinanap?” ang waring umalingawngaw sa kaniyang tainga.
“At saan ka paroroon?” anang mga pinagtagubilinan ng kaniyang bahay.
“Hahanapin ko ang anak ko, kahit saan ako makarating,” ang malungkot niyang sagot.
Salamat sa dating magagandang loob ni Aling Buro at ni Tomas, at siya’y pinabaunan ng manalapi, nang siya’y magpaalam.
At kung saan nga siya nagpatuloy? Bayaan muna siyang maghanap; sumagila tayo sa istasyon ng perokaril ng bayan ng B. at matyagin natin ang nagyayari sa kaniya.
Ang perokaril, na nagyayao’t parito sa Maynila’t Dagupan, na napasakamay rin ng mga Amerikano, mulang pasimulan ang digmaang hindi pa natatapos, at kanilang ginamit sa paghahatid-dumapit ng kanilang mga komboy, ay ipinag-aantay nila ng mga araw na iyon sa bayang nasabi, at naghahatid nang walang bayad sa balang ibig lumuwas, kung napasasakop sa kanilang watawat.
At matyagin pa natin ang naging pag-uusap ng tenyente ng kawal-Amerikano, sa nasabing Estacion, kung sa wikang Tagalog, at ng isang lalaking kasamahan, nang maraming nagsiharap sa kaniya, babae’t lalaki, matanda’t bata, at ibig na ngang magsiluwas.
“Mabuti ang naisipan ninyo,” anang nasabing pinuno. “Mabuti at humiwalay na kayo sa mg kababayan ninyong naghihimagsik; ang pasukob sa aming watawat ay maliligtas sa pagkabusabos; ang pamahalaan nami’y hindi mapang-aliping gaya ng mga Kastila; kami’y naparito upang iligtas ang mga bayang walang kalayaan, naintindihan ba ninyo?”
Isang ngiting magalang ang itinugon ng lalaking iyon, tandang napasasalamat sa gayon niyang narinig at mabuting pagkatanggap sa kanila.
“Nguni’t,” ang patuloy ng tenyente, “kayo pala’y tagarito, alinsunod sa inyo rin, ano’t luluwas pa kayo ng Maynila? Ayaw na ba ninyong magtira dito sa bayan ninyong sarili?”
“Ibig po namin; unang-una po ako,” ang sagot kausap, “at dinaramdam ko po nang buong puso, ang ganito naming pag-alis; nguni’t hindi pa kami makatigil sapagka’t pinipilit kami ng aming mga kailangan.”
“Anong mga kailangan ninyo?”
“Ang pagsunog po ng mga pamamahay namin at pati pa ng kaunti naming mga pag-aari.”
“Dito ma’y makapaghahanapbuhay kayo, at wala kayong sukat ikatakot!”
“Kung sa bagay po; nguni’t inaakala kong hindi makasasapat sa karamihan ng mga anak naming maliliit ang aming kinikita sapagka’t nalalaman din naming ang lahat, mayama’t mahirap, dito’y nagdanas ng pagkasunog.”
“Husto rin, kung sa bagay, ang iyong sinabi.”
“At dahil po roo’y mangingibang-bayan na muna kami, samantalang magulo ang lagay ng digmaan.”
“Kung gayo’y kayo ang masusunod. . .”
At siyang pagdating noon ng treng nanggaling sa gawing Dagupan, sila’y pinalulang madali, at nagpatuloy na nga sa kanilang pagluwas.
Pagkaaba ng pinaglulanan sa kanila!
Hindi ang kotseng talagang sinasakyan ng mga tao, kundi ang wagol na panghakot ng buhangin at mga kasangkapang ginagamit sa pag-aayos ng mga daang perokaril.
At animo’y kung ano silang tinutugpa sa laot ng dagat; gayon ma’y inari na nilang mabuti, at makararating sila agad sa Maynila.
Pagdaka’y pumatag ng upong tingkayad sa isang piling ang lalaking iyon, at kung ano’t ang napag-usapan nila ng tenyente ang napagmunimuni, habang tumatakbo ang kanilang kinalululanan.
Na, kung ano ang hagibis ng wagol at ang hanging halos makalula sa kanila, ay siya namang pag-uunahan sa kaniyang isip ng marami niyang nagugunita.
“Ang pagsukob daw sa kanilang watawat ay maliligtas sa pagkabusabos,” ang una niyang naibulong sa sarili, “at kaya raw sila naparito’y nang iligtas lamang nila sa pagkaalipin ang mga bayang walang kalayaan; samakatuwid, mabuti nga naman; nguni’t bakit nila kami nilusob, sa sila pala’y mabubuti? Kung wala silang lihim na iniimbot, aling sanhi ang nag-udyok sa kanila sa gayon, at hindi man nila pinakundanganan ang itinayo naming kasarinlan sa Malolos, sa kung sila rin ang magliligtas sa aming pagkaalipin?”
Tinutop ng isa niyang kamay ang kaniyang noo, at waring hindi niya maabot isipin ang gayong mga nangyayari. Nakalalampas sila ng iba’t ibang bayan nang wala siyang malay; at nakarating sila sa Maynila.
Malapit nang dumilim nang pumasok ng Murallon ang kanilang tren, at dito sila nagsilunsad.
At pagkuwa’y nagkahiwa-hiwala silang nagkasabay-sabay sa pagluwas na iyon; kung saan-saan sila nakituloy at nakitulog nang gumabi, at kinabukasa’y saka sila nagsihanap ng kani-kanilang matitirhan nang patuluyan.
Oh! Ang Maynila nang mga araw na nasabi.
Walang sulok ng kaniyang mga arabal na di pinasikpan ng kung taga-tagasaang mga tao; walang malalaking bahay at maliliit, na di may umupa, at pawa namang nag-apat na ibayo halos ang pagkamahal ng bayad.
Ang dating aapati’t lilimang piso’y naging lalabin-limahin at dalawampung walang tawad; ang lalabindalawahi’y naging mahigit pang tatlumpu, at ang mga ganito’y daang piso naman ang iuupa ng ibig tumahan.
“Kay papalad pala ng mga may paupahang bahay kung ganitong naghihimagsik ang bayan nilang sarili, sa pag-usig ng ikalalaya,” ang laging naipapakli tuloy na kahit sino sa bala niyang makausap.
“At tayong mahihirap ang napipiyapis at nabibigti halos ng kanilang pagkakapalad,” anang iba namang kanilang mapagsabihan.
“Mga walang-awa!”
At hindi lamang ang lahat ng iyan ang lalong ipinagdamdam ng kanilang loob; hindi lamang ang pagtitiis sa kamahalan ng lahat nilang binibili, at hindi rin ang kasungitan pa ng maraming may-ari ng tinitirhan nilang bahay, na pagdaka’y susi nito ang hinihingi, pagdating ng araw ng pagsingil, at di sila makabayad; kundi ang bagong kautusan noon, na pagtugtog ng ikaanim sa hapo’y wala nang makalalakad sa lansangan; wala nang makalalampas ng pinto, kahit ano ang kailangan sa labas.
“Ito ang lalong napakahigpit! Ito ang imilag tayo sa baga, at sa ningas tayo sumugba! Naghimagsik tayo’t nang tayo’y makalaya, at lalong pagkapiit ang ating inabot!” ang naging daingan naman saan man makimatyag nang mga araw na iyon.
Nguni’t hindi nagtagal ang gayong utos; nabago ring madali nang makalipas ang ilang buwan; maging magdamagan mang lumakad ang kahit sino’y hindi na pinansin ng mga pinuno; pinalaya ang lahat sa kanilang mga kilos; nakahinga silang mabuti sa gayong pagkainis, at sampung mga pahayaga’y nakapagsiwalat ng makabayang damdamin at ng linalayong ikabubuti ng mga mamamayan.