Aralin 1 : Teoryang Realismo
ANG PAGHUHUKOM
(Bahagi ng Nobela)
Isinalin ni Lualhati Bautista
Ang panahon ng tag-ulan, nang malamig at preskong panahon na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos.
Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahon…
Ang pagdaraan ng mga araw ay sumaksi sa pagpapahid ni Fak ng balsamo sa kanyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga sa kanyang mukha at ibsan ang sakit na nadarama ng kanyang loob. Habang dumaraan ang mga araw, ang mga sariwang sugat ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi’y patuloy na dumarating kay Fak…
Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walang humpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya’y gising.
Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ng gabing iyon ay hindi lang nag-iwan ng sakit sa kanyang katawan kundi nag-iwan din ng tatak sa kanyang isipan.
Sa loob ay nakadarama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti, at nag-iisip pa nga siya ng paraan kung paano niya bubuweltahin ang mga nanakit sa kanya. Natatandaan niya nang malinaw na dalawa sa tatlong taong sumalakay sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tieng at Tid Song. Kailangang makahanap siya ng paraan para ipatikim sa dalawang taong iyon ang sakit at kirot na dinaranas niya. Gusto niyang puntahan ang mga ito sa bahay nila at suntukin sa mukha o magdala ng kutsilyo at saksakin sila hanggang sa magmakaawa ang mga ito na huwag niyang patayin. Paminsan-minsan, napapanaginipan niya na nakaupo daw siya sa dibdib ni Thid Tieng at walang humpay na pinagsusuntok ito at paggising niya, damdam niya’y nagawa niya talaga ang nagawa niya sa panaginip at umahon ang kasiyahan sa loob.
Gayunman, sa pagdaraan ng mga araw, naglubag ang kagustuhan niyang makapaghiganti at unti-unti ay mabagal silang napawi ng tuluyan. Marahil ay dahil hindi si Fak ang likas na ganoong tipo ng tao. Isa siyang tao na ang gusto’y kapayapaan, na takot makipag-away at walang sapat na akalupitan para pumatay. Naisip niyang ireport sa pulisya ang nangyari pero natatakot naman na balikan siya at salakaying muli ng pamilya ng dalawa, at
hindi na matatapos agad ang gulo. Nang iwan na siyang lubos ng hangarin niyang makapaghiganti, naisip na lang niya: “Kalimutan mo na iyon!”
Minsa’y ang sarili pa nga ang sinisisi niya sa pagsasabing hindi niya dapat pinukol ng niyog ang bata.
Gayunman ay naiwan nang wasak ang kanyang isip, tulad sa isang piraso ng salamin na binasag at paulit-ulit na dinurog. Lahat ng nangyari’y lumikha ng ganap na pagbabago kay Fak, at kahit nagawa niyang hamigin ang sarili’y hindi na siya magiging tulad pa rin ng dati, at mahabang-mahabang panahon bago niya maibalik ang sarili sa normal.
Ang buhay niya’y kontrolado ngayon ng takot. Hindi na siya makapangahas na lumabas ng bahay niya sa gabi at hindi na kailanman nagtungo sa bahay ni Lung Khai, maliban na lang sa kalagitnaan ng araw o sa araw ng Sabado’t Linggo. Tuwing makakarinig siya ng kaluskos ng taong lumalakad sa kanyang likuran, itutulak siya ng takot na lumingon at tumingin. Minsa’y wala namang kahit ano doon. Kung naglalakad siya nang wala sa loob at narinig niya ang ihip ng hangin sa mga puno, lulundag ito sa takot ang puso niya at bibilis ang kanyang kaba. Wala siyang magagawa kundi mapako sa kinatatayuan at pawisan. Sobra ang kanyang nerbiyos na minsa’y di niya mapaghiwalay ang realidad ng nangyari sa kanyang mga takot at panaginip.
Natakot siya sa dilim, natakot sa malalakas na ingay at sa mga ingay na nagpapaalala sa kanya sa mga tunog na naririnig niya nang gabing iyon, at antimanong sumayad ang takipsilim ay mabilis niyang aabutin ang bote para uminom hanggang sa makatulog…
Ang balita ng pambubugbog kay Fak ay agad-agad na kumalat sa nayon at hindi nagtagal ay iyon na lang ang nasa labi ng mga tao, at sa ayos ay wala na iyong katapusan. Gayunman, walang bumabanggit ng tungkol sa mga taong may kagagawan ng pagkalagas ng mga ngipin ni Fak ay walang nag-abalang mag-imbestiga o magsampa ng reklamo laban sa mga taong sumalakay sa kanya. Nag-ipun-ipon ang mga tao sa nayon para pag-usapan ang nangyari ng gabing iyon.
Isang grupo ng mga tao ang nag-usap tungkol sa iba’t ibang dahilan na humangga sa pangyayari at lahat sila’y nagkaisa na inabot lang ni Fak ang dapat sa kanya. Bagama’t sila’y walang aktibong kinalaman sa usapin, naisip din nila iyon at ngayo’y pinag-uusapan nila iyon nang may kasiyahan…
“Sayang at hindi na siya namatay.”
“Mabuti nga sa kanya.”
“Mas kasalanan pang pumatay ng aso kaysa pumatay ng isang kagaya niya.”
“Ang pesteng gaya ng isang ‘yon! Bakit kailangang maawa sa kanya ang kahit sino?”
May iba pa, na siyang nakararami, na hindi interesado sa nangyari kay Fak. Nabubuhay sila nang walang pakialam at hindi sila nag-aabal sa problema ng iba. Kapag nababanggit ang nangyari, nakikinig sila nang walang interes at hindi nagsasabi ng anumang opinyon. Wala silang ipinakikitang awa o simpatiya kay Fak kaugnay ng mga nangyayari at wala silang hangaring mapasangkot. Iisang bagay lang ang laman ng isip ng grupo ng mga taong ito…
“Wala akong pakialam.”
…May isa pang grupo ng tao na may makataong pakiramdam at nakakadama ng awa sa taong pinagsamantalahan o naging biktima ng pang-aapi. Pero sa nayong ito ay hindi ito marami niyon. Ilan sa kanila’y lihim na naaawa kay Fak sa pagkakabugbog dito, bagama’t hindi pa nila tinatanaggap ang katotohanan na hindi nito inaasawa ang sarili niyang madrasta. Para sa mga taong iyon, magkaibang bagay ang dalawang istorya. Gayunman, wala sa kanilang may lakas ng loob para tumulong kay Fak. Natatakot sila na sila mismo’y maging sentro ng mga tingin ng mga tao. Kaya kinimkim na lang nila ang kanilang awa sa kanilang sarili at tahimik na ipinasya na hindi dapat ginawa ng mga sumalakay kay Fak ang ginawa nila.
Sa grupo ng mga taong ito, si Saproe Khai lang ang nangangahas na magbaba ng sarili at tumulong kay Fak. May mga gabing pumupunta siya sa bahay nito para tumulong sa pag-aalaga dito at gamutin ang mga tinamo nitong sugat, tulad sa isang ama na nagmaamlasakit sa kanyang anak…
“Ay … sobra talaga ang ginawa nila ngayon sa ‘yo, ano?”
Ito ang mga unang sinabi niya ng makita niya si Fak kinabukasan ng gabing iyon. Hindi sumagot si Fak, ngumiti lang isang bunging ngiti. Marahil ay dahil masyadong masakit ang bibig niya kaya ayaw na niyang magsalita, at isa pa, wala siyang masasabi, kundi ngumiti…
Lahat ng naganap ng gabing iyon ay naging dahilan para lalo pang magkulong sa sarili niya si Fak hanggang sa maging mas tahimik pa siya sa dati, na tulad ng isang pipi…
May sapat na ideya si Mai Somsong sa nangyari kay Fak. Nagawa niyang hulaan sa pamamagitan ng mga pasa ng mga hiwa at sugat na madali namang makita. Kaya hindi niyang iniwasang sumunod sa mga ipinag-uutos ni Fak na tulad ng pagsasaing o pagbili ng alak, at sinikap din niyang huwag gaanong lumapit at abalahin ito, maliban sa kalaliman ng gabi, kapag nakatulog na si Fak sa kalasingan, ikakabit na niya ang kanyang kulambo at maghihintay siyang nakabantay. Kapag hindi na ito bumubiling o kumikilos, gagapang na siys sa loob ng kulambo nito…
Patuloy nang ginampanan ni Fak ang mga katungkulan niya bilang dyanitor ng eskuwela hanggang sa katapusan ng buwan (Agosto), at nang matanggap niya ang huling suweldo niya, itinabi niya iyon nang buo at hindi bumawas ng kaunti man para iwan sa prinsipal dahil naisip niya na ganitong wala na siyang pagkukunan ng suweldo na makukuhanan niya ng maitatabi, ang mangyayari na lang ay magwiwidro siya sa prinsipal. Kailangan niyang tipirin ngayon ang pera niya at bawasan ang paggasta sa mga bagay na di kailangan, at ang mga bagay na hindi kailangan para kay Fak ay anag tatlong beses na pagkain araw-araw. Hindi niya kailangang alalahaning masyado ang tungkol sa pagkain dahil alam niya na makakakuha siya lagi sa templo ng sapat para ibusog sa sarili kahit isa, kundi man tatlong kainan isang araw. Mas nag-aalala siya kay Mai Somsong na hindi na makakain nang sapat araw-araw.
Kalagitnaan ng Setyembre…
Ang istorya tungkol kay Fak ay nag-umpisang mahawi sa labi ng bawat isa at hindi nagtagal ay hindi na iyon pinag-uusapan ng mga tao. Ang tanging bagay na lang na interesadong pag-usapan ng mga tao ngayon ay ang elektrisidad na ikinakabit na sa nayon. Kahit hindi sa ano pa man, maski paano’y nakatulong iyon para mamatay ang usapan tungkol kay Fak at sa kanyang madrasta…
Lahat ng tao sa nayon ay pursigidong makatulong sa mga trabahador sa paglalagay sa lugar sa mga kongkretong poste para mas mabilis na matapos ang trabaho. Nakahanda silang lahat na magsakripisyo ng lakas at salapi para sa kapakanan ng kumportableng kinabukasan at modernisasyon ng nayon.
May mga taong nangangarap nang makapag-ari ng telebisyon, refrigerator, o bentiladaor. Hindi na nila alalahanin ngayon ang pagsisindi ng gasera na hindi pa makapagbigay ng sapat na liwanag para ilawan ang kanilang paligid. Hindi magtatagal at sa halip ay magkakaroon sila ng mahahabang tubo ng fluorescent para magbigay-liwanag sa kanilang tahanan. Magagawa niyong ilawan ang buong bahay, at sa kalaliman ng gabi, kung kailangan nilang magpunta sa banyo, hindi nila kailangang mag-abala pa na magsindi ng gasera at magbitbit niyon papunta sa labas. Wala silang dapat gawin kundi pindutin ang bukasan at ang buong bahay ay magliliwanag at iglap na matataboy ang kadiliman sa banyo. At pagdating naman sa
pagpaplantsa ng mga damit, hindi na nila kailangang magpabaga pa ng uling sa mabigat na plantsang bakal na gaya ng ginagawa nila ngayon. Hindi na sila mamumutol ng mga dahon ng saging para ilagay sa plantsa at hindi na nila kailangang tiisin ang nakayayamot na ingay ng nasusunog na dahon. Hindi na sila magbubuhat ng mabigat na plantsa at maliligo sa pawis bago matapos ang pamamalantsa nila. Sa pamamagitan ng bagong plantsa, wala silang tanging dapat gawin kundi isaksak ito at hintaying mag-init at, gayundin, magiging singgaan lang iyon ng pag-aangat sa isang balahibo. Nagkuwentuhan at nag-usap-usap ang mga tao tungkol sa pagsasaing at pagluluto ng isda, at wika nila’y hindi na sila maniningkayad ngayon sa harap ng apoy sa loob ng kalahating oras o higit pa, na mawawala ngayon ang kanilang pag-aalala na baka masunog o lumata ang sinaing, na hindi na sila mag-aaksaya ng oras at magagamit pa nila sa ibang gawain. Sa bagong de-koryenteng rice cooker, wala silang gagawin kundi isaksak iyon, I-set ang orasan at iwan na, at pag handa na ang kanin, bahala na iyong kusang mamatay. Hindi na sila ngayon mauupo sa harap ng mainit na kalan, nagbabantay at nagpapaypay ng apoy, naggagatong ng kahoy, etsetera. Pag mayroon na silang refrigerator, makakagawa na sila ng sarili nilang yelo at magkakaroon ng malamig na tubig na pamatid-uhaw kahit kailan nila gusto. Makakapag-imbak sila ng gulay at karne at magkakaroon ng sariwang pagkain sa lahat ng oras. Hindi na sila mag-iimbak ng pagkain sa palayok para mawala lang ang lasa ng baka o baboy na tulad ng kaso ngayon…
Ang mga bagay na ito ang mga pangarap at usapan ng buong nayon…
Hindi nagtagal at lahat ng iyon ay naging katotohanan at ang buong nayon ay nagliwanag…
Hindi natutuwa si Fak tungkol sa pagkakakabit ng koryente at wala siyang nadaramang inggit o panibugho sa iba. Lahat ng mga oras na gising siya’y nauubos sa bote ng alak at ngayong wala na siyang responsibilidad ng pagtatrabaho, ganap nang malaya ang lahat ng araw niya. Hindi … Hindi ginamit ni Fak ang mga libreng oras niya sa paghuhukay o pagtulong sa pagtitindig ng mga poste ng ilaw gaya ding hindi niya ginamit ang mga libreng oras niya para magpunta sa kabayanan at tumingin ng mga de-koryenteng gamit na tulad ng ginagawa ng iba.
At hindi siya nakadama ng bugso ng tuwa at nagtatakbo para mag-usyoso nang makita niya ang mga taong may dalang bentilador, rice cooker, o iba pang de-koryenteng gamit mula sa mini-bus ni Ai Kleeio na kararating lang mula sa kabayanan. Karamihan sa mga de-koryenteng gamit ay aalisin sa kahon at ididispley sa tindahan ni Pa Chua at maiipon ang pulutong ng mga tao para mag-usyoso, at alam ng lahat kung sino ang bumili ng ano. Paminsan-minsan, ang delivery van ng tindahan ng mga de-koryenteng gamit mula sa bayan ay maghahatid ng mga refrigerator at telebisyon, o kaya’y darating ang tauhang magkakabit ng antena ng t.v. Ito’y lagi ng tumatawag ng malaking interes at magkukulumpon ang mga tao para mag-usyoso. Sa bawat pagkakataon na idineliber ang isang gamit sa bahay ng isang tao, isang prusisyon ng mga tao ang susunod sa sasakyan at manonood sa ginagawa. Kung set ng telebisyon, mananatili roon ang mga tao hanggang sa lumitaw ang palabas sa screen. “Hindi kasinglinaw ang palabas sa telebisyon sa bahay ng prinsipal, pero mas maganda ang set kaysa sa bahay ng Kamnan,” kanya-kanya silang sabi ng opinyon depende sa sarili nilang palagay.
Hindi interesado si Fak alinman dito at hindi kailanman nakisali sa prusisyon ng mga tagasunod. Nasisiyahan na lang siya na hindi na siya gaanong pinapansin ng mga tao na gaya ng dati.
Ginagamit pa rin niya ang kanyang maliit na ilawang-langis para ilawan ang kanyang bahay at nanatiling kuntento sa kanyang lumang lutuan ng kanin at bumabagsak nang kalan, at ang hanging umiihip sa loob ng kubo niya ay sapat na para siya mapreskuhan. Natitighaw pa rin ang kanyang pagkauhaw ng tubig-ulan na inimbak niya sa bariles sa tabi ng kanayng dampa at maligaya na siyang manatili sa ganitong pamumuhay. Napakatamad niya para matuwa at hindi niya maintindihan kung ano ang nakakatuwa. Walang bagay sa buhay niya na karapat-dapat pagtindigan ng pag-asa at ang tanging bagay na naghahatid sa kanya ng tuwa ay ang pagpunta sa paradahan upang bumili ng alak…
Hindi na nag-aabala si Fak na alagaan ang kanyang sarili. Hinayaan na niyang dumumi ang kanyang katawan at hindi na tumitingin pa sa salamin para alamin ang kanyang hitsura. Nag-umpisa siyang mangamoy at nagpatuloy ang pagsama ng hitsura niya sa bawat araw na magdaan. Hindi niya namamalayan ang mga pagbabagong nagaganap sa kanya at hindi niya napapansin ang manilaw-nilaw na mantsang lumilitaw sa katawan niya o ang paninilaw ng puti ng kanyang mata.
Ang tanging alam niya ay ang pangyayari na pag hindi siya nakainom agad pagkagising niya, hindi siya magkakaroon ng lakas na harapin ang maghapon. Kahit tangkain niyang angatin ang tabo ng tubig para hilamusan ang kanyang mukha, talagang ni wala siyang lakas para gawin iyon. Manginginig ang kanyang kamay at makakadama siya ng pagkainis. Napakalaking abala niyon para sa kanya at hindi niya magawang iangat ang kahit ano maliban sa bote ng alak, at tuwing tutungga siya mula sa bote, nadarama niyang bumabalik ang kanyang lakas.
Alam niyang sumasakit ang kanyang gilagid tuwing ngunguya siya ng pagkain, at napansin niayng nag-uumpisang mamanas ang kanyang mga paa, pero ikatuwiran niya na ito’y bunga ng labis paglakad niya at iyon naman ay gagaling din.
Kapuri-puri ang asal ni Mai Somsong. Ang buhay niya sa piling ni Fak ay simple lang at hindi palahingi. Nagpatuloy siyang mabuhay sa dating istilo niya at kuntento na ang kayamanang iniipon niya sa kubo ay nadagdagan na at ptuloy na nadaragdagan sa bawat araw.
Mga basag na pinggan, mga bunging tasa, may lamat na baso, bao ng niyog, bulaklak na papel, basyong lata, at iba pa. Itinatabing lahat iyon ni Fak sa kubo nang walang pag-aalala na itatapon iyon ni Fak gaya na dati. Hindi lamang nadagdagan ang kanyang kayamanan, kundi nadagdagan pa ang panahon niya para maupo at hangaan ang mga iyon. Araw at gabi ay mauupo siya roon at masusing eeksaminin ang mga ito mula sa paningin ng isang eksperto, sa paraan na sinusuri ng isang propesyunal na kolektor ang halaga ng isang bagay sa kanyang koleksiyon.
Kapag nangyayari na masyadong natatamad si Fak para intindihin ang pagkain niya, siya mismo ang pupunta at kukuha niyon sa mga batang templo. Minsa’y aalis siyang maraming dala, minsa’y kaunti lang, depende sa kung ano ang ibigay sa kanya ng mga katulong para siya mabuhay. Ang mga gabi niya’y hindi na balisa na tulad noong mga araw na hindi siya puwedeng mahiga sa tabi ni Fak at yakapin ito sa kalaliman ng gabi.
Kahit pa kailanma’y hindi ibinili ni Fak ng bagong damit si Nang, hindi iyon problema para sa babae. Maaari pa naman niyang isuot ang kanyang mga lumang damit, sa kabila ng pangyayaring marurumi at punit na ang mga iyon at naglalantad sa isang pirasong hita dito at doon. Walang pumapansin sa kanya. Naliligo pa rin siya araw-araw, nagsusuklay ng kanyang buhok at humuhuni ng kanyang awit pagsayad ng gabi…
Kahit naninirahan silang magkasama sa iisang bubong, ang kanilang buhay ay nasa magkalayong daigdig.
Para kay Mai Somsong, oras na nakakain na siya ng almusal ay lalabas na siya upang maghanap ng kayamanan, minsa’y umaalis siya ng bahay bago pa man magising si Fak. Hahanapin niya ang kanyang kayamanan sa lahat ng sulok na pagdalhan sa kanya ng kanyang mga paa. Minsa’y titindig siya roon at tititig sa mga poste ng komunikasyon na kasalukuyang itinatayo at mangunguha ng mga piraso ng kawad ng koryente at kapag nakalikom na siya ng sapat na dami ng piraso ay babalik na siya sa bahay. Walang pumapansin sa kanya habang pagala-gala siya sa maghapon. Kapag napagod na siya sa kalalakad, magpapahinga siya sa entablado ng maliit na opentheater. Kapag nagutom siya, lalabas na siya uli.
Sa gabi, hihintayin niyang makatulog si Fak sa kalasingan. Sa mga huling sandali bago ito maidlip, maririnig niya itong bumubulung-bulong, “Umalis ka dito … layas… kinasusuklaman kita… magpapa-ordina ako. Ibig kong magpa-ordina... Ikaw ang dahilan kaya… sige… umalis ka rito.” Ganoon lagi gabi-gabi. May mga gabing maririnig din ang musika ng chanting. Oras na makatulog na ang lalaki, ikakabit na ni Nang ang kulambo at gagapang sa loob upang matulog sa tabi ni Fak. Pagdating ng umaga, mabilis siyang lalabas bago ito magising…
Malamang ay hindi naiintindihan ang ibg sabihin ni Fak pag sinasabi nito, “Umalis ka… ikaw… umalis ka dito…” Patuloy na nanatili doon si Nang at walang ipinakikitang intensiyon na umalis. O marahil ay iniisip ni Nang na nagsasalita lang ng ganoon si Fak dahil lasing ito kaya hindi niya pinapansin ang pang-aabuso ng lalaki. O maaari din namang dahil wala siyang ideya kung saan siya pupunta. Ang buhya ni Nang ay nakatagpo na ng puwang sa nayong ito at sa ayos ay tila dito siya nakatalagang manatili. Sino ang makagsasabi…
Hindi pumatak ang ulan saloob ng maraming araw, samakatuwid ay tapos na ang panahon ng tag-ulan. Ang pagkawala ng ulan ay proseso ng kalikasan na hindi mapipigil ninuman o maiiwasang mangyari. Dumaan ito nang matahimik at halos hindi napapansin.
Lahat ng bagong kuti sa templo ay kumpleto na ngayon at ang natitira na alng ay maliliit na trarbahong magagawa ng mga trabahador. Mga isa-dalawang araw na lang para sila matapos nang husto. Ang komite ngmga sibilyan ay nagdaos ng pulong para itakda ang araw ng pag-aalay ng mga robang Kathin at disidido sila na maging araw din iyon ng paggunita sa pagkayari ng mga bagong kuti…
Anim na araw pagkaraang matapos ang Pansah, dumating ang grupo ng Kathin sakay ng tren mula sa Bangkok. Napuno ang paligid ng templo sa nangakaparadang sasakyan at pulu-pulutong na mga kabataan mula sa Bangkok ang malayang gumala sa lugar. Nakisali sa pulutong ang mga tao sa nayon at nagdagdag ng kisaw at kaabalahan, at nakisali sa merit making ceremony sa pagtatanghal ng Kathin. Madaling makilala ang mga taong lokal at mga bisita mula sa siyudad.
Nakisali ang lahat at tumulong nang husto sa isa’t isa. Pagkaraang makumpleto ang pang-relihiyong pormalidad at mabilang na ng komite ang mga alay na salapi, isang kinatawan mula sa bangko sa kabayanan ang dumating para kunin ang pera at ligtas na ideposito sa bangko. Bago gumabi ay nag-umpisa nang mag-uwian ang grupo mula sa Bangkok. Ilan sa kanila’y medyo lasing na at nag-umpisang tumugtog ng mahahabang tambol at cymbal na nauwi sa kantahan at sayawan na nagpasigla sa bawat isa. Natanggap na nila ang kanilang merito, nagliliwanag ang kanilang mga mukha at maaari na silang magsiuwi nang buong kasiyahan.
Nang gabing iyon ay isang pelikula ang ipinalabas sa templo. Ito’y bilang pagdiriwang sa pagkayari ng mga batong kuti at sa presentasyon ng Kathin at, gayundin, para bigyan ang mga taganayon ng pagkakataong makapagpahinga ng maghapong paggawa. Pero ang mga tao’y hindi na kasinsabik na gaya noong mga nakaraan. Sabi ng ilan sa kanila:
“Mas masarap pang mahiga sa bahay at manood ng telebisyon.”
Nag-enjoy nang husto si Fak nang araw na iyon. Gumala siya sa nasasakupan ng templo at malayang nakisalamuha sa lahat. Manaka-naka’y nagpupukol siya ng tingin sa mga kabataang lalaki na nakaupo sa bus at tumutugtog sa mahahabang tambol hanggang sa lumapit na nga siya sa mga ito para makipag-inuman. Nang maging kasinlasing na siya ng mga ito, inimbita siya ng mga itong sumayaw. Bagama’t hindi siya dating sumasayaw, sumayaw siya sa tiyempo ng mahabang tambol. Umawit siya at sumayaw nang buong maghapon, wala kahit kaunting pakialam na pinagtitinginan siya ng iba, o kahit katawa-tawa na ang itsura niya.
Ginugol ni Mai Somsong ang maghapon sa paggala nang walang direksiyon sa lahat ng lugar. Suot niya ang paborito niyang blusa na pulang bulaklakin, na ang kulay ay kupas na ngayon, at hindi pa sapat iyon, may mga punit na sa bandang likod. Walang ganap na makapagsaasbi kung gaano siya kaligaya, pero naglagay siya ng pulang bulaklak ng gumamela sa likod
ng kaliwang tainga niya. Gumala siya’t nakisalamuha sa mga babae sa nayon at nang dumating ang oras ng paghahanda ng tanghalian, gumala siya sa kusina at nanood sa preparasyon ng pagkain. Napahiya ang mga babae sa nayon sa pagtanghod niya at tinangka ng mga ito na siya’y ipagtabuyan, pero sabi ng mga kabataang babaing taga-Bangkok ay dapat talaga silang humanap ng pagkaing maibibigay sa kanya. Awang-awa ang mga ito sa kanya kaya walang naglakas-loob na tumanggi. Naglunoy si Mai Somsong sa atensiyong inuukol sa kanya ng mga kabataang babae at punung-puno ng interes na pinanood niya nang kunin ng mga babae ang kanilang tubo ng lipistik at pintahan ang kanilang mga labi pagkatapos kumain. Nainteres siyang mabuti sa matingkad na pulang kulay ng lipistik, at itinuro niya iyon at sabi niya, “Bigyan mo ako ng isa.” Sa harap ng gimbal na mga mata ng mga babaing taga-nayon, na lubhang napahiya sa inasal ni Mai Somsong, isang kabataang babaing taga-Bangkok ang nag-abot kay Nang ng tubo ng lipistik.
“Ay, huwag mong ibigay sa kanya. Medyo luka-luka iyan.”
“Di bale. Marami naman ako.” Ang kabataang babae, na ang labi’y napipintahan ng pula, ay ngumiti sa kanila ng matamis.
Sinambot ni Mai Somsong ang tubo ng lipistik at nagmamadaling umuwi sa bahay bago iyon bawiin ng taong nagbigay sa kanya. Nang makauwi, namalagi na sa bahay si Nang at ayaw nang lumabas uli.
Nnag gabing iyon, sinuman kina Fak o Mai Somsong ay hindi na nanood na palabas. Si Fak ay natatakot lumabas sa dilim at si Mai Somsong ay natatakot pa rin na kailanganin niyang isauli ang lipistik, kaya hindi nangahas na lumabas…
Ang mga bagong kuti, na nakahilera sa magkabilang gilid ng lupa ng templo, ay napakaganda. Itinayo sila sa tradisyunal na istilong Thai at dalawang palapag ang itaas. Sa gitna ay an kogedor at ang itaas ay ang bulwagang dasalan. Paglatag ng dilim, ang templo ay naiilawan ng de-koryenteng liwanag.
Regular na naglilitawan ang mga antena ng telebisyon sa bubong ng mga bahay ng mga taong may kauting pera. Para sa mga taong nangangarap pa lang ng telebisyon, kailangan nilang pumunta at makipanood sa bahay ng kanilang kapitbahay o kaibigan…
Ang modernisasyon na dumating sa nayon, hindi nagtagal ay naging ordinaryong bagay na lang dahil kinasanayan na iyon ng mga tao at ang tuwang naghari noong unang ikinabit ang koryente ay namatay na.
Gusto ng ilan sa kanila’y itaboy nang tuluyan si Fak sa nayon dahil wala namang pakinabang ang sinuman sa pagiging narito nito, liban sa nagagamit nila ito bilang masamang halimbawa kapag tinuturuan nila ang mga bata. Ang tanging bagay na pumipigil sa kanila’y si Luang Pho na tumatangging ipagtabuyan si Fak, dahil doon ito nanirahan sa lupa ng templo.
Kasabay ng pagkakaroon ng interes kay Fak, tumitingkad ang pagiging abnormal ng kundisyon ng lalaki. Lalo pang nanilaw ang kanyang balat na para bang pinulbusan niya niya ang sarili ng tumeric, at iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinubuan ng mga pasa at namumula-namemerdeng mga marka. Ang sakong niya ay lubhang namaga na para bang namemeligro na iyong pumutok, at bagama’t ang katawan niya’y patpatin at tuyo, malaki’t namamaga ang kanyang tiyan, ang nagbibigay sa kanya ng itsura ng isang buntis na babae. Nag-aalsahan ang mga ugat sa kanyang tiyan, at, hindi pa yata sapat iyon, lumaylay at lumaki ang kanyang mga suso na tulad sa isang nagdadalaga. Kinukutya siya ng ilang tao sa pamamagitan ng pagsasabing, “Lumalaki ang suso ni Ai Fak at siya ay buntis. Hindi magtatagal at manganganak na iyan.” Sabi pa ng iba’y nabuntis siya ni Ee Somsong. Sabi naman ng iba’y napalitan ang kanyang katawan ng katawan ng isang babae dahil inasawa niya ang asawa ng kanyang ama.
“Karma. Nakakarma siya sa harap mismo ng ating mga mata.”
Sa nagdaang panahon si Fak ay ginagamit bilang magandang halimbawa ng isang mabuting kabataan sa nayon, pangangaraln ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagsasabing, “Bakit hindi kayo tumulad kay Fak?”
At ngayon, si Fak ay minsan pang ginagamit na halimbawa upang ipakita na hindi na kailangang maghintay pa muna ng kamatayan para tanggapin ang resulta ng masasamang gawa o para mahulog sa impiyerno. Tumatanggap na siya ng kaparusahan ngayon, dito sa buhay na ito.
“Gawin n’yong halimbawa si Ai Fak.”
Hindi ganap na tamang sabihin na si Fak ay lubos na walang silbi sa nayon, dahil, manaka-naka kapag nagloloko ang mga bata o ayaw magpakatino, tatakutin sila ng kanilang mga ina sa pamamagitan ng pagsasabing,
“Pag hindi ka huminto sa kaiiyak, darating si Ai Fak para kunin at isama sa kanya.”
Pag narinig na nila ito, hihinto na agad sa pag-iyak ang mga bata at uupo roon nang walang kilos sa matinding takot.
Ilan sa mga batang lalaki na nakakakita ng kasiyahan sa panunudyo at kapilyuhan ang nagsasamantala nang husto sa hitsura ni Fak para magkatuwaan sila. Tutuksuhin nila at tutudyuin si Fak hanggang sa habulin sila nito at sikaping hulihin. Pero walang paraan para mahuli ng mataba at tamad na katawan ni Fak ang mga bata. Pag nanunudyo, ang isinigaw nila,
“Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!”
“Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!” magpapalakpakan ang iba pang mga bata sa paligid at didilaan si Fak at ngingiwian pag dumaan ito sa tapat nila. Oras na nagalit na si Fak at hinabol na sila, magtatakbuhan na ang mga ito at kakalimutan na ang kanilang mga kaibigan. Bahala na ang isa’t isa sa sarili nilang kaligtasan.
Tinangka ni Lung Khai na patigilin siya sa pag-inom, pero huli na. Hindi titigil si Fak at ni hindi niya iniisip ang posibilidad ng pagtigil. Pinayuhan siya ni Lung Khai na pumunta sa kabayanan at magpatingin doktor, pero ganito lag ang isinasagot ni Fak,
“Ayos lang ako. Wala akong sakit.”
At ayon sa pagkaunawa ni Fak sa salitang “Ayos,” ayos si Fak at magpapatuloy na ganoon, kahit papalapit na ang panahon ng taglamig.
Ang totoo, sa ganang mga taganayon, hindi talaga istorbo ang panahon ng taglamig, dahil ang panahon ay hindi singlamig ng ibig ipakahulugan niyon. Lumalamig lang nang kaunti ang panahon at nagiging mas maginhawa.

Aralin 2: Teoryang Naturalismo
Ginto ang Kayumangging Lupa
(Ikawalong Kabanata)
ni Dominador B. Misarol
Katanghaliang-tapat na nang magkamalay si Moises : nakahiga siya sa papag sa silid ng tahanan nila, balot na balot ng kung ano ang napinsalang bahagi ng balakang niya . Nais niyang igalaw ang mga kamay, ngunit mandin ay napakaw ang mga iyon. Hindi niya maigalaw ang buong katawan. Nagawa niyang magmulat ng mga mata, gayun ma’y agad din siyang napapikit sa salubong ng nakasisilaw na liwanag.
Bigla, naulinigan niya ang tinig ng anak na si Mira:
“Buhay na si Ama!” May nawarian siyang pagkatuwa sa paligid. “Ama anas-pukaw ni mira na nakaluhod sa may uulan niya.
Napakiramdaman niyang hinawakan nito pagkaraan ang isa niyang palad. Nasa palad ng anak ang init ng pananalig sa kaligtasan niya. Bumuka ang mga labi niya, atas kaipala ng nagdaramang matinding pagkauhaw. Mahinang-mahina ang tinig niya, ngunit naguhisan sa kanyang mga labi ang katagang iyo: tubig.
Pagkailang sandal lamang ay naramdaman niya ang sayad ng mainit na sabaw sa mga labi. Sabaw, mainit-init na sabaw. Bumuka ang tuyot niyang mga labi at tinanggap ng lalamunan niya ang mainit-init na sabaw. Naulit iyon, naulitng nang naulit, hanggang sa madama niyang nabubuhay-buhay, bumilis-bilis ang daloy ng dugo sa kanyang mga ugat.
Anang isa pang tinig:
“H’wag n’yong hahaya’ng matuyuan ang mga labi’t lalamunan ni Moises. Pakainin ni’yo s’ya maski na am… Kailangang pagsaulian siya ng lakas.”
Baguhan sa kanya ang tinig na iyon. Sino kaya iyon? Muli, nagmulat siya ng mga mata. Matagal na sandaling nagpakurap-kurap siya sa salubong ng liwanag, hanggang sa uni=unting maanyuan niya ang mga nakapaligid sa kanya. Nakapanunghay sa kanya ang asawa’t mga anak. Naroon din sa kanya ang isang matandang lalaki. Matagal na sandaling natuon dito ang paningin niya’y isipan. Si-si Mang Pio? Si Mang Pio na ang kaingin ay karatig ng lupain niya. Si Mang Pio nga. Manaka-naka lamang niya itong makausap, palighasa’y naging labis siyang mapag-isa simula pa lamang. Lup, lupa , lupa: lagi nang iyon ang nasa isipan niya, nalimutang may mga kaisang-damdamin siya sa lugar na iyon. Kabatian lamang niya si Mang Pio, tulad ng iba pang magkakaingin na nagsirating nagsipaghawan din sa lupain sa lugar na iyon. MIminsan lamang nakipagtagalan ng pakikipag-usap dito at iyon ay nang manghingi siya rito ng mga suwi ng saging na bungulan.
Latag na latag ang katawang niya sa papag na kawayan, Ngunit buhay na ang kanyang kamalayan at nauulingan niya ang paguusap-usap pa ng mga ito sa paligid niya.
“Kung di dahil senyo, Mang Pio, ewan naming kung ano na’ng nagyari sa kanya, “ narinig niyang sabi ni Tinay. “Akala ko nga ho… Maraming marami ng salamat senyo.”
“E, sino pa ba naman ang magtutulungan?” sabi naman ng matandang lalaki. “ Nagkataong nakaiintidi ako ng panghihilo….”
Saglit na tumahimik.
“Malakas ang pagkahampasng buntot ng sawa,” ani Tinay makailag sandal muli. “ Di ko kayang malaki’ng naging pinsala ng balakang n’ya?.”
Me butong nalinsad sa balakang n’ya at naipitan siya ng malaking ugat… kaya nga nawalan siya ng malay,” ani Mang Pio.
“Ang ikinakatakot ko’y baka naparilasa ang ugat na ‘yon. Di ako nakakasiguro. Pero sa dalawang b’wan lang e malalaman natin kung ano’ng kahihinatnan niyan.”
“Dal’wang b’wan baga ho?” nangannganmba ang tinig ni Tinay.
“Dal’wang b;wan bago alisin ang ballot na kawayan sa balakang n’ya.” Matagal na panahon ang dalawang buwan para sa kanya. Sa susunod na buwan lamang ay pasukan na at kailangan nila ng pera para sa pagaaral nina Francisco at Mira. Mabuti nga’t kahit paano ay nakatapos na si Tante at nabawas-bawasan ang laki ng gastos nila. Ngunit ngayon ay dalawang buwan siyang hindi nakagalaw, dalawang buwan siyang mamamalaging nakahiga lamang-at paano nag pag-aaral nina Francisco at Mira?
Natangay ang isipan niya ang katanungan iyon at halos hindi niya mapansin nag pagkatakip ni Mang Pio sa kanyang balikat biglang pagpaalam. Naramdaman lamang niya ang pagalis nito nang maulingan niya ang paglangitngit ng hagdanan nilang kawayan sa pagbaba ng matandang lalaki.
Nagbalik si Tinay sa tabi niya pagkaraan ng ilang sandal, naramdaman niya.
“Magpahi-pahinga na muna kayo,” sabi nito sa mga anak.” Ako na’ng bahala sa inyong ama.”
“Tutulong ako sa’yo, Ina,” ani Mira.
“Ako Ma’y magbabantay ke Ama,” sabi naman ni Tante.
Wala siyang narinig na anuman kay Francisco. Namalagi itong nakapanunghay lamang sa kanya. Alam niyang nahahabag ito sa kanya, ngunit sa likod ng damdaming iyon ay alam niyang naroon ang iisang katanungan: Paani ang aking pag-aaral, Ama? Kaipala, ang katanungang iyon ang nanaig, namaibabaw sa isipan nito at hindi maisantinig ang tunay na damdamin para sa kanya.
Lumakad itong palabas ng silid pagkailang sandali.
“Sa’ng punta mo, Francisco?” usisa ka rito ng Ina.
“Sa sagingan, Ina,” agarang sagot nito at mabilis nang nanaog ng bahay. Nang gabing iyon, naulingan ni Moises na nag-uusap ang kanyang mag-iina sa kabahayan.
“Ngayong me-me nangyari senyong ama,” simula ng asawa niya, “inasahan kong di kayo magdaramdam sakaling juminto muna kayo sa pag-aaral…”
Si Tante ang unang sumagot:
“Talagang hindi na naman ako makapag-aral pa Ina. ‘Ala talaga akong hilig sa pag-aaral.”
Tahimik na tahimik si Francisco.
“Ikaw, Francisco?” baling dito ng Ina.
“Mag-aaral, Ina,” walang-gatol ang tinig nito.
Matagal na sandaling natahimik sa kabahayan.
“Me-me nangyari sa ‘yong ama, pa’no kang makapag-aaral?” ani Tinay makaraan ang matagal na sandal.
Napaungol si Francisco.
“Malaki na kami, Ina,” sabi pagkaraan nito, “Kaya na naming an gaming sarili. Kailangan na naming umasa sa ‘ming sarili-maski sa pagkataong ito man lang. Makakaya ni Kuya Tente na gampanan ang mga gawain ni Ama habang nag-aaral ako. Pansamantala’y tutulungan ko s’ya…..
“Tante?” baling ng Ina sa panganay nila.
“Talagang ibig n’yang mag-aral, Ina. Mas matalino s’ya kesa amin. Alang-alang sa kanya, gagampanan ko’ng tungkulin ni Ama, makapag-aral s’ya.”
“Mira?”
“S’ya na lang ang itaguyod natin, Ina. S’ya ang pinakamarunong sa’ming tatlo. Alam ko, Ina, nararamdaman ko… pagdating ng araw e hindi niya tayo pababayaan. Siya, ang Kuya Francisco, ang magtataguyod sa’ting pamilya….”
Sa pag-iisa sa silid, naluga siya sa galak na narinig. Wla man siya ay nakapagpasya ang kanyang mag-iina. At tama ang pasyang iyon. Kakaiba ang mga anak niya. Labis niyang ikinatuwa ang pagbibigayan ng mga ito. Ni munti mang pag-iiringan ay wala sa mga ito.
“O, s’ya matulog na kayo,” ani Tinay.
Gabi na at siya man ay nais na ring makatulog. Kaipala’y mahina pa ang katawan. Pumikit siya at sa ilang sandal lamang ay agad na naidlip. Kaysarap na umidlip, nasa kamalayan ang magandang pagtitinginan ng mga anak, ngunit sa pagkakaidlip, siya ay nanaginip:
Ang tagpo ay sa tabing-bukal na kinatagpuan nila ng sawa. Siya, si Tante, at si Francisco’y nakatayo’t nakapanunghay sa napatay na sawa: hawak pa rin ng dalawang anak ang piko’t asarol na ipinamatas sa sawa. Matagumpay silang nakatayo sa harap ng nalugmok, napatay nang sawa, nakatanaw sa dakong bukal na sinasalukan nila ang inumin, nang pamayamaya ay may naulingan silang singasing ng kung anong dambuhala. Luminga sila at natanawan nila ang napakalaking dambuhalang sawa sa malayo-layo na paugong gumagapang palapit sa kanila, nakanganga’t nakahanda manding manibasib. Ang dambuhalang!! Kailangang mapatay iyon. Iyon ang talagang kailangang mapatay. Ngunit napakalaking dambuhala ang sawa, papalapit sa kanila. Pinatakbo niya ang dalawang anak, ngunit ayaw tuminag ni Tante; inagaw pa nito sa kanya ang desabog at hinarap ang napakalaking dambuhalang sawa. Pinapaputukan niya iyon, ngunit ni hindi ito naano. Patuloy pa ring iyong gumagapang na ang palapit at ang lupa’y bahagyang nayayanig habang ito’y muli ring namalaging nakatayo lamang si Tante. Sinabi pa nitong siya na ang tumakas…at aywan kung bakit, tulad ni Francisco’y napatakbo na rin siyang patakas, patungo sa dakong pinaglahuan ni Francisco. Naiwan si Tante, na nakatayo’t nakaamba ang de-sabog sa dumarating na sawa at kaalinsabay nang pagputok at pagsingasing ng napakalaking dambuhalang sawa ay dagling naglaho si Tante habang siya’y mabilis na tumatakbo palayo, patakas.
Sa daraan niya, sa dakong pinaglahuan ni Francisco, sumalubong sa kanya ang mga kilalang-kilalang tauhan: Sina Pastor, Goyo, Lucas, at ang iba pang kanayong taga-Mauwak-at si Mando. Kapit bisig ang mga ito at naghihiyawan at nauulinigan niya: Bakahin ang napakalaking dambuhalang sawa!! Nasa likuran ang mga ito ang mga magkakaingin sa karatig na lupain nila, nakaakmang makikikawit-bisig sa mga taga-Mauwak, nakahandang maki-isa sa pagbaka sa napakalaking dambuhalang sawa, nagsasama-sama na ang mga ito para sa saklolohan siya, para bakahin ang napakalaking dambuhalang sawa, na siyang salot sa lupain.
Bigla, sa paniginip, ay sumingasing na pasalakay ang sawa, ang napakalaking dambuhalang sawa, at siya ay pumaling sa dakong kaliwa. Napapilig ang ulo- at siya’y naalimpungatan. Kay samang panaginip, naiusal niya.
Sa loob ng sambuwan, kahit paano’y nanumbalik ang lakas ng katawan ni Moises. Sa matiyagang pag-aalaga ng asawang si Tinay, unti-unti na siyang nakauupong padahilig sa papag, naigagalaw na ang mga kamay at nakakapagsalita na. Kakatwa, ngunit hindi pa rin niya naigagalaw ang kabuuan ng pang-ibabang katawan. Sa tuwing tatangkain niya ang gayon ay nakakaramdam siya ng kirot sa napinsalang bahagi ng kanyang balakang.
Sa singkad na panahong iyon ng pagkakaratay, nagkasunod-sunod ang mga dalaw niya. Naunang nagsidalaw ang mga mag-kakaingin sa lugar na iyon kasama ni Mang Pio; pagkaraan ay nagsidating sina Pasto,Goyo,Lucas at iba pang kanayong taga-Mauwak.
Nakiramay at nangako ng pagtulong sa bawat isa.
“Kailangan nating magkaisa’t magtulungan… anu man mangyari,” anang isang magkakaingin. “Nakahanda kaming tumulong sa’yo Moises. Magpasabi ka lang ke Mang Pio.”
Gayon din halos ang pangako ng mga kanayong taga-Mauwak.
“Magpasabi ka lang-at makararating…” pakindat na sabi sa kanya ni Pastor.
Kay Mando, naidulog niya noon sa sarili, walang-wala sa isipan na ito, darating isang hatinggabi. Nakarinig muna sila ng tahimik ng hating gabing iyon, pagkaraa’y banayad, mahihinang katok sa pintuan. Bumangon ang asawa niya’t lumabas ng silid.
“Gandang gabi… tao po,” anang tinig sa labas.
“Sino yan?” aning tinay.
“Gandang gabi, Tinay,” muli niyang narinig.
Sa pagkakahiga sa silid, matagal sandaling hinagilap niya sa isipan kung kaninong tinig iyon. Saan, kalian-sino?
“Sino ‘yan? Ulit ni Tinay.
“Si Mando ‘to…”
Bigla, nadama niyang ibig niyang bumangon at salubungin si Mando. Hindi agad binuksan ng asawa ang pintuan; napasugod itong papasok sa silid, kaipala’y nangamba sa pagkakaroon ng gayong panauhin.
“Si- si Mando?” alanganin sabi nito.
“Magsindi ka ng ilaw at buksan mo na’ng pintuan,” aniya, mahinahon.
“Baka….”
“Ano ba’ng ikatatakot mo sa kanya?”
“Baka…baka me magsuplong.”
“Huwag kang mag-alala. Sige na…”
Lumabas nan g silid si Tinay, sinindihan ang hasag sa kabahayan at pagkailang sandal pa ay narinig niyang lumangitngit nang pabukas ang pintuan.
“Gandang gabi, Tinay.”
“Si Moises? Nabalitaan ko’ng nangyari…”
“Nasa silid. Hirap pang bumangon.” Pagkailang saglit ay alanganing idinugtong ni Tinay: “Ang…ang mga kasama mo?”
“Haya’n na natin sila sa ‘baba,Tinay. Mahirap na’ng mat’yempuhan…”
Nakapatalikod sa saboy na liwanag ng hasag sa kabahayan, mandin ay mahumindig itong katauhan na pumasok ng silid na kinararatayan niya. Ito’y katauhang kaytagal nang hindi nasilayan man lamang at ngayong nasa harap na niya ay dagli siyang nakadama ng paninibago. Mabalbas ito at mahaba ang buhok, may bitbit na Thompson sa kanyang kamay; hamon sa daigdig na ipinapalagay niyang mapang-api. Kupasin ang dyaket nitong maong, gayundin ang kanilang pantalon.
Umupo ito sa gilid ng papag na kinahihigaan niya at hinawakan siya sa palad.
“Nabalitaan ko’ng nangyari,” sabi ni Mando. “Kamusta…?”
“Akala ko’y nasa lupaing ito na’ng magandang kapalaran naming mag-anak,” aniya. “Pero, heto…”
Namalaging nakatingin lamang sa kanya si Mando.
“Ibig kong ihingi na paumanhin ang nangyari no’n,” sabi muli niya.
“Nang madakip ka’y ni hindi kita natulungan. Akala ko pa nga’y kung ano na’ng nangyari sa’yo…”
“Munti nan gang akong nalagas no’n… marami nang nalagas no’n… marami nang nalagas sa,min.”
“Yan nga ang dinig namin. Kay Pastor nalamang naligtas ka.”
Matagal na sandaling wala silang imikan.
“Totoong maramin nga’ng nalagas sa amin,” pamaya-maya’y sabi ni Mando, parang sarili ang kinakausap.” Libo-libo na! maraming pagkakamali, maraming nagtaksil…pero, pansamantala lamang ang nangyayari’to. Buhay pa rin ang mga ugat n gaming pinaglalaban. Ang mga dahon sa puno’y nalalagas at nalalaglag sa lupa, pero ang mga iyon ay nagsisilbing pataba. Baliwala sa’min ang kamatayan. Ang mahalaga’y ganap na Malaya ang bayan upang kamtin ng maraming naapi ang mga biyaya…”
Marahan ang pagsasalita ni Mando, kaibang-kaiba sa dating mapusok na kabataang kanayon niya sa Mauwak: ito ang nagpasimula ng pagtutol sa makapangyarihang ganid na senyor. Ngayong, bagama’t nasa tinig pa rin ang pagtutol at paglaban, nasa mga kataga na ang kahinugan ng isipan na kaipala’y pinanday ng maraming karanasan.
“Laganap ngatin ang pagsasamantala’t pang-aapi,”patuloy ni Mando.
“Maraming napagsasamantalahan at naapi. Marami na’ng lumuluha sa hinagpi, marami na’ng napopoot… kailangan ng wasakin ang sistemang ito, ang tiwaling sistemang ito upang ganap na matamo ang maraming paris mo’ng wika mo’y magandang kapalaran…”
Sumaksak sa isipan niya ang kaso ng hinawang lupain. Walang nangyari noon sa ginawa niyang pag-lakad para makakuha ng kailangang papeles; nagastusan pa nga sila. Nais niyang mag-usisa kay Mando tungkol doon.
Ngunit parang tugon na nasa isipan niya, sinabi ni mando:
“Isipin mo’ng kaligayahan mo… ninyong mag-anak. Sa simula’y nagging mapalad kayo. Mabiyaya ang lupain-hanggang sa malaman n’yong may nagmamay-ari ng liblib na kagubatang ito. Ibig mong mapasaiyo, maangkin ang lupaing ‘to. Pero ano’ng nangyari sa’yo? Napagod ka lang. Ginulo pa nga kayo rito ng mga upahang-maton. Salamat at kahit paano’y kilala ko’ng naghangad na’yon. Napakiusapan ko s’yang huwag naman kayong masyadong ligaligin.”
“Nagpasalamat nga ako,Mando,” aniya.
“ Tungkulin naming pangalagaan ang maraming paris mo. Kailangan nga lang naming makisama… para pakisamahan din. Pero, pansamatala lang ang ganitong kalagayan. Maaring bigla rin kailanganin ang lupaing ito.. at wala na tayong magagawa pa. Nagbigay na rin naman sila, sasabihin nila sa’min.”
“Hindi na mapapasa-akin ang lupang ‘to?” naitanong niya.
“Malmang na hindi na mapasa ‘yo.”
Napahimutok siya.
“Ang mahalaga nayon ay gumaling ka. Magpalakas ka ng katawan samantalahin mo’ng pagkakataon habang di pa ganap na inaangkin ang lupang ‘to, habang nagtatamasa pa, ng me-ari sa pagtrotroso. Kung ibig n’yong mabuhay sa ganitong kalagayan ay magpakatalino kay. Tama, oo… tamang itaguyod mo’ng pag-aaral ng iyong mga anak.”
“Kaya nga iginapang ko’ng pag-aaral ng aking mga anak.Alam kong mapapakinabangan naming ang karunugan nila pagdating ng araw.Umaasa pa rin ako,Mando…”
“Hanggang ngayon ay buhay pa rin ang pag-asa mo sa’magandang kapalaran’.Kailangan pa nga ang malawakang pagmumulat.Ang mga naapi’y patuloy pa ring umaasa…”
Matagal na sandaling hindi siya nakaimik sa narinig mula kay Mando.
“Pero, umasa ka… anuman ang mangyari’y tutulungan kta,” sabi nito, patapik-tapik sa palad niya. “Magpasabi ka lang…”
Mag-uumaga na nang magpapaalam si Mando. Sa sarili nilang mag-asawa naipagpasalamat nilang walang nagising isa man sa kanilang mga anak. Himbing na himbing ang mga ito.
Ilang araw bago dumating ang pasukan sa paaralan ay pumasabayan sina Tante at Francisco. Dala nila ang mga panindang ipinagbibili. Nang magbalik ang mga ito’y may sapat nang halaga para makaluwas ng bayan si Francisco at magpatuloy ng pag-aaral sa pasukang iyon.
Naiwan na sa lupain sina Tante at Mira.Gagampanan ng una ang tungkulin ng ama, tutulong naman ang huli sa kanilang Ina.
“Lumakas na lumakas lang ako’y muli nating mapapasagana ang ani,” isang umaga’y sabi niya sa asawa’t dalawang anak. Dalawa na kami ni Tante. Mas malawak ang mahahawaan naming, mas maraming saging kaming maitatanin.”
“Kaya nga, h’wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano pa,” nasabi ni Tinay.” Ang intindihin mo’y ang iyong katawan.”
“Malapit na’ng ikalawang b’wan. Siguro’y manunumbalik din ang dati kong lakas.”
Hindi niya napansin, napatingin sa malayo si Tinay. Nasabi na ni Mang Pio: sa panahong iyon, sana’y naigagalaw na niya ang pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan, ngunit sapagkat namamalagi parin siyang nakadahilig ay malamang na may malaking nagging kapinsalaan ang kanyang balakang. Hindi na ito natitiyak na mananauli sa dati ang kanyang katawan. Hindi niya iyon alam; ayaw rin naman sabihin agad sa kanya ni TInay.
Sa sarili, naiusal ni Tinay:
“Sana’y maawa sa ‘min ang D’yos.”
Dumating ang ikalawang buwan, takdang araw ng pag-aalis ng balot na malambot na murang tilad-tilad na kawayan sa kanyang balakang.Tumayo siya ng ganap nang maalis ang balot,ngunit sa sansaglit lamang ay agad siyang napalupasay.Bagamat wala na siyang naramdamang kirot duon ay parang natakasan na naman ng lakas.Parang wala nang lakas na nalabi sa balakang niya .Muli,tinangka niyang tumayo,ngunit muli rinsiyang napaupo.
Nanghihilakbot na napatingin sa kanya ang asawa’t mga anak.
“Hindi na ako makalalakad,” naidaing niya. “Magaling na ako… wala na ang kirot sa balakang pero, wala na akong lakas! Tinay… Tinay…”
Nasabi na lamang ni Mang Pio:
“Makakalakad ka rin. Magtatagal nga lang siguro.”
Sa pagkakalupasay sa sahig, matagal ding pinagmalas-malas niya ang nanliit nang kanang balakang at hita. Umimpis na rin ang maging kanang niyang binti.
Sa pagkakataong iyon, mataimtim na nangagako sa kanya si Tante :
“Akon a, ang magpapatuloy ng lahat ng dapat mong gampanan para tayo mabuhay.”
“Magtutulong-tulong kami, Ama,” sabi naman ni Mira.
Nagtulong-tulong nga ang mag-iina sa mga Gawain sa lupain. Nagtulong-tulong sila, hanggang sa makatapos ng haiskul si Francisco at magbalik sa lupain. Ngunit nag-iba na ang anak, napakiramdaman niya. Wala na ang datihang sipag nito, wla na lagging inuulit-uilit sa pag-aaral sa Maynila. Halatang nang hihinawa na ito sa lupain.
Patulong –tulong parin ito sa mga gawain, ngunit wala ang datihand pagsusumigasig. Nagging mapagbasa ito: tuwing pasasabayan ito at si Tante ay madalas na ipamili itong ilang aklat at kung anu-anong babasahin. Pagbabasa ang madalas na inaatupag nito.
Minsan, sinabi nito sa kanila:
“Hindi man muna ako makapag-aral, nakakapagbabasa naman ako. Ang karunungan ay nakukuha rin sa pagbabasa. Kaya nga, pasens’ya na muna kayo sa’kin…”
Inakbayan lamang ito ng panganay na si Tante at tinapik-tapik sa balikat.
“Naiintindihan kita, “ sabi nito kay Francisco.
Makalipas ang dalawang taon pa ay nagpaalam na ito sa kanila.
“Luluwas na ako ng Maynila, Ama,” sabi nito sa kanya.” Mag-aaral ako ro’n…
“ Ang salaping gagamitin mo?” aniya.
Me tatlong daan si Ina,” sabi nito.
“ Sa halagang ‘yan, maari ka na bang lumuwas ng maynila at mag-aaral sa kolehiyo?”
“ May pangarap ako, Ama .”
“ Sapat na ba ang pangarap para makatapos ka sa kolehiyo?”
“ Magsisikap ako, Ama.”
Narinig niya ang sabi ng asawa:
“Haya’n na natin s’ya. Oy. Matalino’ng anak mo.”
“Makakatapos ako sa koleh’yo, Ama,” muling sabing sabi ni Francisco. Para bang napakadali nang mabuhay at mag-aral sa Maynila. Parang nakatitiyak ito na maganda ang naghihintay roong kapalaran.
Nasabi na lamang niya makailang sandal.
“ Kung anuman… sakaling mabigo ka, magbalik ka, maghihintay kami.”
“ Babalik akong matagumpay, Ama.”
Nang umagang iyon sa paahon na sa dalisdis si Francisco, bitbit sa bayong na siyang tanging dala-dalahan sa pagluwas sa Maynila, ay nasa durungawan siya. Nakatanaw siya rito, sinusundan ng tanaw ang paglisan ng isang anak. Nang sapitin nito ang kaitasang bahagi ng dalisdis malapit sa makinarya ng konsesyong, saglit itong lumingon at nang matanaw siya sa durungawan ay matagal na sandaling kumaway. Dagling naglaho ito sa kanyang pananaw pagkaraan.
“ Wala na si Francisco!” naibulalas niya.” Patnubayan s’ya ng D’yos.”
Aralin 3: Teoryang Naturalismo
TIGRE! TIGRE!
Ni Mochar Lubis
Salin ni Mauro R. Avena
Ang buong pulo ay nalalatagan ng gubat, mula sa mabuhanging dalampasigan, kung saan ang tubig na nabubuong mga alon sa malyong Antartika ay humahampas pagkaraan ng mahabang paglalakbay, hanggang sa mga taluktok ng bundok na laging nakukumutan ng ulap. Pabagu-bago ang mukha ng gubat. Sa may dalampasigan, isang latianna hitik sa bakawan ay bumubuo ng salasalabat na hadlang. Papasok sa pulo at pataas sa lupa, ang mga puno’t halamanan ay patuloy sa pag-iiba-iba, at pag-abot sa dakong loob, ang mga iyo’y naglalakihan at nagtataasan, ang kanilang mga sanga’y nauukitan ng parang lambat na disenyo ng lumot.
Hindi pa natatagos ng tao ang kabuuan ng sinaunang gubat, na ang loob ay napakayaman sa buhay. Dito’y di mabilang ang namumugad na mga ligaw na nilalang. Naglipana rin ang maririlag na halaman at nagtatayugang punungkahoy na nakokoronahan ng mga eksotikang orkidya.
Sa bubong ng gubat, kayraming ibon at ibang ibang tsonggo ang malayang namumuhay, samantalang sa ibaba, sa lupa, walang-puknat ang maingat na paghahanap ng makakain ang mga itim na leopardo, elepante, at osong tropikal. Ang mga pampang ng ilog at katabing damuhan ay teritoryo ng mga tapir, rinoseros, ahas, buwaya, at usa. Nagkalat ang mga insekto.
Maraming parte ng gubat ang nakakatakot. Ang mga ito’y puno ng latian na pinag-aabangan ng nakakamatay na mga panganib, at mga lubak at guwang na danta-dantaon nang naiwang basa at madilim. Mayroon ding magaganda at kaakit-akit na lugar na walang pinag-i a sa mga engkantadong gubat ng mga kuwento. Ang hawan na mga bahaging ito ng sinaunang gubat, na mayamang naaalpombrahan ng berdeng damo, ay payapa at nakakapagbigay-ginhawa. Kadalasa’y napapalibutan ang mga ito ng mayuyuming puno ng cemera, na pumupuno sa hangin ng masansang na a moy ng kanilang dagta. Sa gitna ng maririkit na lambak na ito, di maaaring di magkaroon ng mga sapa ng malamig at mala-kristal na tubig, pabula-bula at patila-tilamsik, paawit-awit, at pabulung-bulong. Walng di naakit na huminto at magpahinga roon.
Sa loob ng gubat ay makakatagpo ng ratan, damar – isang dagta na ginagamit sa paggawa ng batik – at maraming uri ng mahalagang kahoy. May mga taong noo’y tumira roon, pero nilisan nila iyon noong sila’y magtayo ng mga lunsod at nayon kung saan. Ngayo’y paminsan-minsan na lang silang bumabalik doon, para humanap ng ikabubuhay sa pamamagitan ng paghahakot sa mga produkto ng gubat.
Pito sa mga lalaking tulad nila ay isang linggo nanag nasa gubat sa pangangalap ng damar. Si Pak Haji ang pinakamatanda. Gayong sisenta anyos na, siya ay nananatiling malusog at malakas. Matalas pa rin ang kanyang mga mata at tainga. Ang pag-ahon at paglusong sa bundok, pasan ang mabibigat na kaing damar o ratan, pasinghap sa nakakapagpasiglang hangin, ay nagpatibay nang husto sa kanyang katawan. Ipinagmamalaki ni Pak Haji na di niya nararanasan ang mga karamdamang dala ng pagtanda, at sa tanang buhay niya’y di pa siya naratay sa banig.
Disinuebe anyos siya nang una niyang iwan ang kanyang nayon at magpasaibang-bayan. Nagpaunta siya sa Japan, China, Africa, at India, kung saan niya pinag-aralan ang Koran. Limang taon siyang nagtrabaho sa barko, palakbay sa malalaoyng daungan ng mga puti at ng kanilang maiingay at groteskonh siyudad.
Pero tinawag siyang muli na kanyang nayon. Kaya’t pagkaraan ng dalawampung taong paglalagalag, isang huling biyahe ang kanyang isinagawa – ang pilgrimahe sa Mecca upang tupdin ang kanyang obligasyong panrelihiyon. Sa ka siya umuwi. Ipinagpatuloy niya ang pangangalap ng damar, isang gawaing inumpisahan niya nang siya’y trese anyos, at unang sinamahan ng kanyang ama sa gubat. Matapos niyang matutuhan ang napakaraming bagay sa mundo, lagi niyang sinsabi sa kuntento na siya ngayong maging isang hamak na tagakalap ng damar.
Si Wak Katok ay singkuwenta anyos. May malakas at matipuno siyang pangangatawan. Maitim pa ang kanyang buhok, ang kanyang bigote ay mahaba at makapal, at ang kanyang mga braso’t binti ay namumutok sa buhul-buhol na masel. Ang kanyang mukha ay dinodomina ng buo’t makakapal na labi at makislap at nananagos sa tinging mga mata. Siya’y eksperto sa pencak. Maraming taong naituro niya sa kalalakihan sa nayon ang tradisyunal na paraang ito ng pagtatanggol sa sarili. Si Wak Katok ay iginagalang din bilang mahusay na mangangaso at shaman, o manggagamot.
Ang mga batang miyembro ng grupo ay sina Sutan, na beynte-dos anyos lang pero mayroon nang sariling pamilya; Talib, na beynte-siyete anyos at may asawa at tatlong anak; Sanip, na beynte-singko anyos, may asawa at apat na anak; at Buyung, ang pinakabata, na katutuntong lang sa pagka-disinuebe at walang asawa.
Ang apat na lalaking ito ay naging estudyante ni Wak Katok sa pencak. Nag-aral din sila ng mahika sa kanya. Alam nilang darating ang araw na magiging pinuno ng kanilang nayon si Wak Katok, isang lalaking itinuturing na lider na marami, at karapat-dapat na igalang at parangalan. Kailanma’y di nila pinagdudahan ang kanyang salita o gawa. Lumalabas na si Wak Katok ang puno ng mga mangunguha ng damar.
Ang ikapitong miyembro ng grupo ay si Pak Balam, na tulad ni Wak Katok ay singkuwenta anyos. Siya’y di palasalita, maliit ang katawan pero gayunma’y masipag magtrabaho. Sa sinasabing pag-aalsa ng mga Komunista noong 1926, siya’y nadakip ng mga Dutch at apat na taong ikinulong sa Tanah Merah. Ang bata at buntis niyang asawa, na sumunod sa kanya sa preso, ay dinapuan doon ng malarya at nakunan. Dahil dito’y hindi na ito muling nakapagdalantao. Naging sakitin ito mula noon, at ang pera ni Pak Balam ay naubos sa mga gamot nito.
Magkakasamang lagi ang pitong lalaki sa pangunguha ng damar gayong wala silang pormal na sosyohan at bawat isa’y may layang magbenta ng kanyang makalap. Pero dahil pito sila sa grupo, ang pakiramdam nila’y mas ligtas ang kanilang lagay at mas kaya nila ang kanilang gawain.
Sa mata ng kanilang kanayon, sila’y mabubuting tao. Si Wak Katok ay iginagalang sa kanyang galing sa pencak at pagiging mangangaso. Nang siya’y bata pa, napabalita sa nayon ang paggamit niya ng pencak laban saisang osong humarang sa kanyang daan sa gubat. Pero bilang shaman, siya’y kinatatakutan. Pabulong lang mabanggit ng mga tao ang tungkol sa kanyang pagiging salamangkero. May usap-usapan na nagagawa niyang makipag-ugnayan sa mga multo at masasamang espiritu.
Hinangaan ng mga taganayon si pak Balam. Itinuturing nila itong isang bayani dahil sa paglaban sa mga Dutch. Alam nila na hindi ito Komunista. Napakarelihiyoso nito – malayong maging isang Komunista na di naniniwala sa Diyos o sa relihiyon. Lumaban maging sa mga kolonyalista si Pak Balam at ang kanyang mga kaibigan dahil sa pang-aapi ng mga iyon sa taumbayan, na walang-tigil na pinapatawan ng mga bagong buwis at ninanakawan ng kalayaan at sariling dangal.
Si Pak Haji ay nirerespeto dahil sa kanyang edad at dahil nakapaglakbay na siya sa Mecca. Gayunman, hindi siya maintindihan ng mga tao. Mula nang bumalik siya sa kanyang pangingibang-bayan, naging parang dayuhan na rin siya. Iniwasan niyang makasal, gayong binubuyo siyang mag-asawa ng kanyang pamilya. Ayaw rin niyang maging pinuno ng nayon. Sa umpisa, pinaratangan siyang mapagmalaki ng mga tao, pero di nagtagal, nasanay na ang mga ito sa kakaiba niyang gawi at di na siya pinagtakhan. Mukhang kuntento na si Pak Haji na balewalain ng iba.
Sina Suta, Buyung, Talib at Sanip ay itinuturing na disente at maipagkakapuring mga kabataan, tulad ng karamihan sa mga taganayon. Iginagalang sila ng kanilang kapwa, tapat sila sa kanilang pagdarasal at pagsamba sa moske, at tulad ninuman ay nakikipaghuntahan sa kanilang mga kaibigan sa mga kapihan. Tumutulong sila sa pagtatayo ng bagong bahay o sa pagpapahusay ng mga daan o patubig. Nakikipagbiruan sila. Mabubuti silang ama, kapatid, at kaibigan. Tumatawa sila, umiiyak, nangangarap, umaasa, nagagalit, nabibigatan ng loob, at nalulungkot tulad ng iba sa nayon. Wala silang iniwan sa ibang tao. Silang karaniwang kabataan.
Ngayo’y nasa loob sila ng gubat.Dala ni Wak Katok ang kanyang riple. Bihira niya itong dalhin kapag nangunguha ng damar. Ginagamit lang niya ito kapag nangangaso, na balak niyang gawin ngayon.
Dalawang buwan na ang nakakaraan, nakakita sila ng ilang usa na pumasok sa huma, o kaingin, si Pak Hitam, hanap ay pagkain. Naghawan ng lupa sa gitna ng gubat si Pak Hitam na pinagtayuan niya ng bahay. Doon nagpapalipas ng gabi ang pitong lalaki kung malapit doon ang pinagkukunan nila ng damar.
Luma na ang riple, pero mahusay itong armas. Gustung-gusto iyon ni Buyung. Nakakaramdam siya ng pagmamalaki kapag nakapatong iyon sa kanyang balikat, pahalinhin kay Wak Katok. Ang riple ay tsapa ng isang lalaki. Ang isang munting punyal, o kaya’y kris, o maigsing espada na nakasukbit sa baywang ay palamuti lamang sa kasuutan ng isang lalaki, pero ang baril sa kanyang balikat ay simbolo ng kontrol na katumbas ay kapangyarihan.
Nasisiyahan si Wak Katok na ipahiram kay Buyung ang riple, na inaalagaan nitong mabuti. Tuwing isasauli iyon ni Buyung, iyo’y nalangisan na at nasa mas mahusay na kondisyon kaysa pagkapahiram. Panay ang pahid ng Buyung sa kanyon niyong may masalimuot na disenyo, kaya’t ang bakal niyon ay kumikinang nang madilim na asul kapag tinatamaan ng liwanag. Ang kamagong niyong puluhan ay nangingintab na itim, madalas na parang pelus. Hindi iyon kakikitaan ng katiting mang alikabok o pulbura.
Nag-iipon si Buyung para makabili ng sarili niyang baril, iyong mas makabago. Ang lumang riple na binabalaan sa bunganga, tulad ng kay Wak Katok, ay mabusising ipanghanting. Una, kailangang ibuhos ang pulbura ng kanyon, saka papiping salaksakin ng barilya. Tapos, ang bala ay kailngang ipasok sa kanyon at pataktak na pababain. Habang ginagawa ang lahat ng ito, ang usa o baboy-damo ay maaaring maktakbo na at mawala. Sa baril na sa bunganga binabalahan, kailnagang asintado ang gumagamit – dapat tumama ang unang kalabit. Walang pangalawang tsansa ang mangangaso.
May dahilang magmalaki si Buyung sa galing niya sa baril. Minsan, ang inasinta niya ay ang pinakalikod ng tainga ng isang tumatakbong baboy, at doon mismo tumama ang bala. Sa isa pang okasyon, siya at si Wak Katok – kasama ang ilang lalaki sa nayon – ay nanghahanting ng isang kawan ng mababangis na baboy-damo, at sa kaliwang mata ng isang naninibasib sa kanya sumuntok ang kanyang bala. Ipinakita ni Wak Katok ang kanyang kababaang-loob nang sabihin hindi niya madadaig ang pamamaril ni Buyung. Galing kay Wak Katok, iyo’y tunay na malaking papuri, kaya’t kumalat ang reputasyon ni Buyung bilang asintado, bagay na nagbigay sa batang mangangaso ng parang opisyal na katayuan sa nayon. Ang dahila’y ang naunang pahayag ng mga taganayon mismo na walang makakapantay kay Wak Katok sa galing sa pamamaril, pangangaso, pagbasa at pang-unawa sa lahat ng uri ng bakas at yapak, at sa pangkalahatang kaalaman sa mga ugali at gawi ng mga nilalang sa gubat.
Bata pa si Buyung ay marami na siyang narinig na kuwento tungkol sa katapangan at galing ni Wak Katok. Ayon sa mga istorya, kapag ginusto ni Wak Katok na gamitin ang kanyang mga paraan sa pagtatanggol sa sarili, mapapatay niya ang kanyang kalaban na di lumalapat ang alinmang bahagi ng kanyang katawan sa biktima. Sapat nang igalaw niya ang kanyang kamay o paa sa direksiyon ng kaaway upang iyon ay bumagsak sa kinatatayuan.
Kalat na sa ibang nayon ang reputasyon ni Wak Katok bilang shaman. Magaling siyang gumamot ng mga karaniwang pasyente, pero natutulungan din niya ang mga nabibiktima ng kulam. Alam niya kung paano pahirapan ang isang tao, paibigin, takutin, igalang, o pasunurin sa utos ng iba. May mga inumin siyang pampaibig para sa lalaki at babae. Ayon sa istorya, isang binatang nahumaling sa isang babaeng may-asawa ang nakiusap kay wak Katok na gamitan iyon ng mahika-negra para mapaibig din iyon. Nagpakuha raw dito si Wak Katok ng isang hibla ng buhok ng babae, at di nga nagtagal, humingi iyon ng diborsiyo sa esposo, na iniwan niyon pati na ang kanilang mga anak.
Si Wak Katok ay may mga lihim na bulong at dasal, o mantra, para sa maluwalhating biyahe. Mayroon din siyang mga anting-anting na panlaban sa anumang sandata o sa kamandag ng ahas. Ayon sa mga tao’y nagagawa rin niyang magtagabulag – gayon kabigat ang kanyang kapangyarihan.
Tinatrato ni Buyung na mapalad siya’t naging pupilo ni Wak katok at napabilang sa mga kasamahan nito sa gubat.
Malaki ang pag-asa ni Buyung at ng kanyang mga kaibigan na tuturuan sila ni Wak Katok ng mga mas kagila-gilalas na aspekto ng salamangka. Ang gusto talaga ni Buyung ay matutuhang mabuti ang mantra na pang-akit sa babae. Masama ang tama niya kay Zaitun, ang anak na dalaga ni Wak Hamdani. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama, at sina Zaitun at Buyung ay magkalaro noong sila’y bata pa. Natatandaan ni Buyung ang maraming pagkakataong walang humpay niyang tutuksuin si Zaitun hanggang ito’y maiyak. Nang magdose anyos na si Zaitun, iniwasan na siya nito, at bihira na silang magkita. Nagdalaga na ito, at siya nama’y nagbinata, at di na sila maaaring magtagpo tulad ng dati.
Hindi masabi ng Buyung kung ano talaga ang damdamin sa kanya ni Zaitun. Minsa’y magiliw ito. Kung ito’y nauutusang sumaglit sa kanila, may dalang pagkaing niluto ng ina nito, maganda ang ipinapakita nito kung siya’y madatnan sa bahay. Maaliwalas ang mukha na nginingitian siya nito at tatawaging kakak, o kuya, gayong isang taon lang ang tanda niya rito. Kapag ganoon ang pakita ni Zaitun, napapalukso ang puso ni Buyung, di mapakali sa kinatatayuan. Pero minsan nama’y darating ito sa bahay at walang pabati-bating titingnan siya na parang di siya nakikita. Kapag nilalapitan niya ito habang kinakausap ang kanyang ina, di siya papansinin nito. Paano niya mahuhuli ang puso ng isang sumpunging babaeng tulad ni Zaitun kung wala ang mga mantra ni Wak Katok?
Pero ayaw pang ipaalam ni Wak Katok kay Buyung ang ganoong kabisang karunungan. “Bata ka pa,” sabi nito. “at mainit pang masyado ang dugo mo. Baka maloko ka sa lahat ng babae ng nayon. Ang birtud na ito ay para mapangalagaan ang amor propyo ng isang lalaki – kung pagtawanan ka ng isang babae, o kung talagang gusto mo ang isang babae at ibig mo siyang mapangasawa. Pero uhugin ka pa. Baka gamitin mo ito sa ibang paraan, halimbawa’y panggayuma sa asawa ng may-asawa.”
Minsa’y parang nasisira na ang tuktok ni Buyung sa pag-iisip kung mapapaibig niya si Zaitun. Alaala niya ito bawat sandali. Hinahanap-hanap niya ito. Ang mukha nito ay laging nasa harap niya. Maya’t maya’y nakikita niya ito sa kanyang balintataw. Napakaganda nito.
Minsa’y lihim niya itong pinanood habang naliligo sa balon ng nayon kasama ang mga kaibigan nito. Ang mahaba nitong buhok na itim ay umalong pababa sa gitna ng likod nito. Balingkinitan ito, ang mga braso’t binti’y kaakit-akit. Ang balat nito’y maputlang dilaw ng bunga ng duku, at ang mga ngipi’y pantay-pantay at makinang na puti. Pula ang mga labi nito, gayong hindi ito ngumunguya ng nganga o tabako. May ganoong nakakainis na bisyo ang tiya ni Buyung, kaya’t laging may bakas ng katas ng tabako sa labi nito, sa unan nito, at sa mesa, sa kusina, sa hagdan, sa asala – sa lahat ng dako. Kapag nakikipag-away ito sa kanyang asawa, iyo’y dinuduraan nito ng nginunguya. Pakikiusapan ito ng kanyang tiyo na tingnan kung saan dumudura, pero para itong bingi. Kailanma’y hindi niya papayagang gawin iyon sa kanya ng magiging asawa niya.
Alam ni Buyung na masisiyahan ang kanyang mga magulang na maging manugang si Zaitun. Minsa’y alam niyang pinag-uusapan ng mga iyon ang bagay na ito gayong alam nilang nasa labas lang siya ng kuwarto. Naganap ito isang hapon nang pumunta sa kanila si Zaitun. Pagkaalis ni Zaitun, narinig niyang sabi ng kanyang ama, “Mabuti siyang bata. Mukhang maganda ang ugali.”
“Oo”, tugon ng kanyang ina. “Mahusay sa mga gawaing bahay. Marunong manahi, at paladasal. Maganda siyang bumasa ng berso mula sa abanal na libro. At nakatapos pa ng pag-aaral.”
“Binata na si Buyung – disin’webe – at magaling mgatrabaho,” sabi ng ama niya.
“Ewan ko lang,” sabi ng kanyang ina. Sa mata nito, may gatas pa sa labi ang anak.
Kay Buyung ay nasa tama na siyang gulang. Nakatapos na siya sa iskuwelahang publiko, at dalawang bese na niyang nabasa nang buo ang Koran. Kaya na niya ngayong maghanapbuhay.
“Ang totoo, maaareglo natin ang kanilang kasal,” narinig niyang mungkahi ng kanyang ama. “Sa tingin mo ba’y gusto siya ni Zaitun?”
“Lahat ng dalaga sa nayo’y gustong pakasalan si Buyung.”
Natawa ang ama niya. “Sa mata mo, wala nang gug’wapo pa sa iyong anak.”
Hinintay ni Buyung ang isasagot ng kanyang ina, pero nalipat sa ibang bagay ang usapan, at ang tanong tungkol sa gusto siya ni Zaitun ay naiwang bitin.
Alam ni Buyung na gusto siya ng ama ni Zaitun. Tuwing magkikita sila, tinatanong ni Buyung tungkol sa kanyang trabaho, sa pag-aaral ng Koran, at iba pa. Minsa’y hiningi nito ang payo ni Buyung tungkol sa pagsasanay ng aso niyang panghanting. Kilala sa tapang ang aso ni Buyung. Patahul-tahol lang ang ibang aso para palabasin ang isang baboy-damo sa pinagtataguan. Hindi ang aso ni Buyung – iyon ang madalas maunang sumalakay.
Walang nakikitang tunay sa sagabal si Buyung para pakasalan si Zaitun. Kung natitiyak lang niyang iniibig siya nito. Sigurado siya sa isang bagay. Kung hindi nito nararamdaman ang nararamdaman niya rito, hindi niya ito pakakasalan, kahit magkasundo ang kani-kaniyang mga magulang. Alam ni Buyung na kadalasa’y pinapakasalan ng isang babae o lalaki ang sinumang pinipili para sa kanya ng kanyang magulang, pero gusto niyang siya ang pumili ng kanyang magiging asawa, at piliin din siya nito.
Naiinggit si Buyung sa iba niyang mga kaibigan, tulad ni Sutan. Bukod sa mas magaling ito sa kanya sa pencak, simpatiko pa ito at mahusay dumiskarte sa mga babae. Sa negosyo’y di rin ito pahuhuli. Mayroon itong dalawang palayan, at nagbababa ito ng damar at ratan mula sa bundok para ibenta sa palengke, at paminsan-minsa’y naglalako rin ito ng karne ng kambing at baka.
Pero ang mga taong pinakakontento, naisip ni Buyung, ay yaong tulad ni Sanip. Tunay na masayahin si Sanip. Ganado itong magpatawa at magkuwento ng mga katuwa-tuwang istorya. Nagkakandabaluktot sa pagtawa ang nakakarinig ng di mabilang na kuwento niya tungkol sa mga opisyal ng
nayon. Kinaiinggitan ni Buyung ang pagkamasayahin ni Sanip, pero di niya maubos maisip kung paano ang isang tulad nito na may asawa na at apat na anak ay parang binata pang walang problema kung umasta. Di ba’t nagdaragdag sa maturidad ng isang tao ang maraming responsibilidad? Sabagay, mabuti na rin kung di iyon dinidibdib.
Halimbawa, kung hirap nilang pasukin ang gubat dahil sa lakas ng ulan na nagpapadulas sa daan at bumabasa sa kanila hanggang buto, sasabihin ni Sanip, “Wala, ‘yan. Pagkapawi ng ulap ay langit.” Kapag nagreklamo si Sutan sa bigat ng kanyang pasan, sasabihin ni Sanip, “Huwag ka nang umungol. Isipin mo ‘yong perang pagbebentahan mo n’yan.”
Ibibigay ni Buyung ang lahat makatingin lang ng ganoon sa buhay.
Minsan, nang sila’y nanghahanting, gamit ang riple ni Wak Katok na pinaputukan ni Buyung ang isang usa, pero dumaplis lang ang tama at ang hayop ay nakaalpas. Buong araw na naghanap ang mga lalaki, pero di nila nakita ang sugatang usa. Panay ang sisi ni Buyung sa sarili, pero tulad ng inaasahan, tinanong siya ni Sanip, “Ba’t mo poproblemahin ‘yon? Magkakaanak ang usang iyon – mas marami kang mahahanting pagdating ng araw.”
Lalong sumama ang loob ng batang mangangaso sa pang-aalo ni Sanip, at paangil itong sumagot, “Pa’no mo nalaman? Posibleng nahuli ‘yon ng tigre.”
“E ano? Di ‘yon ang katapusan ng lahat ng usa sa gubat. Ang mahalaga,” pakindat na dagdag nito, “ay humusay ka sa pagbaril.”
Natanto noon ni Buyung ang pagiging mapagbigay sa kanya ni Sanip at ng iba niyang mga kaibigan.
Laging may dangung-dangung, o parang alpa ng mga Hudyo, sa bulsa ni Sanip, at tinutugtog niya tuwina may pagkakataon. Maimbeto siyang musikero. Kung gusto niyang magpasaya, kakalabit lang siya ng masiglang himig. Nagagagawa niyang kalimutan ng mga lalaki ang kanilang pagkakimi, at saglit pa’y naroon na sila’t nakikisali sa sayawan at kantahan. Pero misan, ang maririnig sa kanyay ay awit na parang nagpapaiyak sa munting musikero. Kadalasa’y tinutugtog niya ang gayong nakakapaghimutok na mga balada kapagsila’y nakaupo sa paligid ng siga sa gitna ng gubat. Si Talib ang unang sumusuko sa pang-akit ng nakakataas-balahibong musika, at nag-uumpisang kumanta. Sa pagkakataong iyo’y ilalabas naman ni Buyung ang kanyang plawta at silang tatlo’y magsasabayan sa malulungkot na berso. Taas-baba ang mga nota ng dangung-dangung, sa saliw ng mapangulilang plawta, habang paawit na inuulit ni Talib ang mga daing at paghihirap ng isang lalaking naghahanap ng karinyo at pag-unawa.
Ang maskulado at mukhang mabagsik na si Wak Katok ay di magawang di mabagbag sa musika. Ang walang ekspresyon niyang mukha ay nagmimistulang mapangarapin, sa wari’y naglalakbay ang kanyang diwa. Si Pak Haji ay mauupo roong lunod sa sariling iniisip, pikit ang mata, ang sigarilyong gawa sa dahon ng palmera na nakaipit sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ay upos na lamang at limot na.
Paikot sa siga na nakaupo ang pito, ang bawat isa’y may kani-kaniyang mga alaala at pagnanasa, at sa paligid nila ay ang gubat, maitim at ga-higante.
Tahimik na lalaki si Talib, matangkad at payat at ibang-iba kay Sanip. Sa kanya, ang mundo -- at ang buhay sa kabuuan – ay madilim at nakakatakot. Lagi siyang binubuwisit ng asawa. Minsan, sabi kay Buyung ni Rancak, ang batang kapatid na babae ni Zaitun, narinig nito si Siti Hasanah, ang asawa ni Talib, na walang hupang pinagagalitan ni Talib, mula umaga hanggang hapon, pero ni minsa’y hindi iyon sumagot at nagsawalang-kibo na lamang.
Magkagayunman, mahusay na magkaibigan sina Talib at Sanip, at laging magkasama sa lakad. Kapag umulan habang sila’y magkakasama sa gubat at sila’y sumilong saisang kubol na gawa sa dahon ng saging, si Talib ang magsasabi, “Buong araw tatagal ang lintek na ulang ito!” Sa masayahing boses, babalikan siya ng ganito ni Sanip, “S’werte lang – makakapagpahinga tayo!” Matatawa ang lahat at mapaparelaks.
Minsan, nakakalap sila ng pambihira sa daming damar at hirap na hirap sa kanilang pasan. “Anong s’werte”, sabi ni Sanip, habang nagkakandakuba sa paglakad. “Doble ito sa kadalasan nating nahahakot.”
“Ha, kundi maanod pagtawid natin sa ilog!” masaklap na sukli ni Talib.
Hindi palasalita si Talib, pero madilim man ang tingin nito sa bagay-bagay, ito’y matapang. Minsan, nanghahanting ang isang taganayon ng baboy-damo. Napaligiran na ito ng mga aso. Kaya nilapitan niya ito para sibatin. Pero nakailag ang baboy paghagis niya ng sibat, at siya ang sinibasib., di alintana ang nagtatahulang aso. Hindi nagdalawang-isip si Talib. Hawak ang sariling sibat, sinaklolohan niya ang lalaki. Ilang sandali pa, ang nasibat na baboy ay nilalapa na ng mga aso.
Hanga rin si Buyung sa di-palakibong si Pak Haji. Katamtaman ang taas ng matanda, at gayong puti na lahat ng buhok nito, iyo’y malago pa. Kaya pa niyang pasanin ang kasimbigat na damar na kaya ng iba sa kanila, at gayong matipid siyang magsalita, nasisiyahan siyang makinig sa usapan ng iba at makisali sa kanilang tawanan. Kung talagang pipilitin, nagkukuwento siya ng tungkol sa kanyang paglalakbay sa mga gabing nakaupo sila sa tabi ng siga.
Ayon sa kanya, nang una niyang lisanin ang nayon, napilitan siyang magtrabahador, magkusinero at maging katulong sa kuwadra ng Sultan ng Johore bago siya nagkaroon ng sapat na pera para makapunta sa Singapore. Naging siklista rin siya sa isang sirko. Sumama siyang magbiyahe sa sirko, na pag-aari ng isang Intsik, hanggang sa Bangkok. Doo’y napilitan niyang iwan ang kanyang trabaho nang tangkain siyang saksakin, dahil sa matinding pagseselos, ng asawa ng mang-aawit na Intsik. “Palagay ko’y di tama ‘yon,” tawa ni Pak Haji, “kaya umalis ako.” Tapos, nagkusinero siya sa isang barko na naglalayag sa pagitan ng India at Japan. Napamangha ang mga magkakasama sa kanyang mga kuwento ng naglalakihang siyudad, tulad ng Shanghai at Tokyo, at ng daungang tulad ng Maynila, Penang, Rangoon, at Calcutta. Nang sa wakas ay lumunsad siya sa Calcutta, di na siya bumalik sa barko. Imbes, nagpatuloy siya sa Lahore, kung saan niya pinag-aralan ang Islam sa ilalim ng isang guro. Mula sa India, naglakbay siya sa lupa, kasama ang ilang tao, patungo sa Arabia.
“Ilang buwan kaming nasa daan”, sabi ni Pak Haji. “Sa pagitan, marami akong sariling lakad na ginawa. Naging katulong ako ng isang salamangkero. Isa siyang malaking Afghani na nakakahiwa ng dila ng isang ibon at muli niya iyong nabubuo. Minsan, pagdaan namin sa isang bayan na bahagi ng kanyang pinagtatanghalan, hinamon siya ng isa ring salamangkero na gawin ang kanyang mahika sa dila ng isang bata. Ayaw niyang mabisto, kaya tinanggap niya ang hamon. Nagkaroon ng palabunutan, at ang Afghaning ito ang natokang mauna. Bago siya nag-umpisa, binulungan niya akong bumalik sa aming tulugan at balutin ang aming gamit. Nagbabalot pa lang ako’y bigla siyang sumulpot sa k’warto, sinunggaban ang ilang bag at pasigaw na pinasunod ako sa kanya. Di ko alam kung ano ang nangyari, pero masama ang kutob ko, kaya dinampot ko ang madadala ko at patakbong sinundan ko siya. Sa dulong likuran namin ay dinig na dinig ko ang hiyawan ng galit na pulutong. Dagli kaming nakalabas ng s’yudad, papasok sa mabatong mga gulod na pinagtaguan namin. Hinanap kami ng mga tao hanggang sumapit ang gabi. Pagkatapos, nang tanungin ko ang salamangkero kung ano ang nangyari, bigay-hilig itong tumawa, padukot ng pera sa kanyang bag na pambiyahe.
“Bago ako nag-umpisa, hiniling kong magbayd muna sila. Pagkalikom ko ng pera, mabilis kong hiniwa ang dila ng bata, maliit lang sa dulo nang di ito masaktan. Tapos, sabi ko’y maghintay sila habang kumukuha ako ng gamot. Imbes, sa k’warto natin ako tumakbo!”
“Pero ba’t ka tumakbo?” tanong ko.
“Dahil hindi ko kayang ibalik sa dati ‘yong dila.”
“Pa’no ‘yong bata? Sinong mag-aayos ng kanyang dila?”
“Di ba may isa pang salamangkero, ‘yong kalaban ko, na sasi kaya n’ya ‘yon? Di subukan niya. Kung di niya ‘yon magagawa, gugulpihin siya ng mga tao,” at buong lakas siyang tumawa.
Wala sa kanilang nakakatiyak kung totoo nga ang mga kuwento ni Pak Haji, pero sino ang makakapagsabi?
Pagkatapos ng pilgrimahe sa Mecca, nagtripulante siya sa isang barko para makauwi. Tumigil iyon sa maraming daungang Aprikano at Europeo bago bumalik, sa wakas, sa Indonesia. Sinabi niya’y sinubukan niayng manirahan sa ibang bansa, pero, lagi, ang puso miya’y hinahatak ng nayon. May gayuma sa kanya ang gubat, at iginagalang niya ang lahat ng taong may kinalaman dito. Sinabi niya sa mga kasama na ang mga taong nagtatrabaho sa gubat ay di naiiba sa mga tripulante ng isang barko, gayong, liban dito, ay wala nang pagkakapareho ang dagat sa gubat.
“Sumusikat ang mga bituin sa langit sa ibabaw ng tubig, pero walang mga halaman o hayop, walang ingay ng gubat. Dito’y ligid tayo ng naglalakihang puno at mga ligaw na hayop – ang ila’y maingay, ang ila’y tahimik. Malapit tayo sa lupa. Sa barko sa gabi, ang naroon lamang ay ang hungkag na dilim.”
Papunta sa gubat para manguha ng damar, kailangang iwan ng mga lalaki ang kanilang nayong Air Jernih, na nasa baybayin ng Danau Bantau sa bunganga ng Sungai Air Putih. Papasok sa gubat, pumirme sila sa gilid ng Air Putih, pabaybay dito hanggang marating nila ang bulubundukin. Hindi kayang suungin ng bangka ang malalim at maalimpuyong ilog dahil peligroso ang malalaki nitong bato at matuling agos. Sa maraming patag na lugar, ito ay may malalalim na lubak na puno ng isda. Sa madalas na pangisdaang parte na malapit sa nayon, bihira at maliliit ang isda, pero sa loob ng gubat, madaling makahuli nito sa pamamagitan ng bitag o lambat. Laging sa malapit sa mahusay pangisdaang lubak nagkakampo ang pitong lalaki.
Makaraang umakyat-manaog buong araw sa bundok sa pangungulekta ng damar, nakakaginhawang maupo sa ibabaw ng isang malaking bato at mangisda. Ang salpok ng tubig sa batuhan, ang mahinang simoy ng hangin sa mga dahon, ang ingay ng mga unggoy na umaalingawngaw tulad ng tunog ng mga tambol – ang mga ito’y sama-samang nagbibigay ng damdamin ng pakakuntento.
Umaabot ng isang linggong paglalakad mula sa Air Jernih hanggang sa gubat ng damar. Ang mga lalaki’y may baong bigas at sili na isinasaaksak sa mga kawayang bumbong, kaunting suka, asin, kape, asukal, at palayok para pagsaingan aat pagpakuluan ng tubig. Kung di sila nakapagdala ng lambat o mga bitag, nagtatayo sila ng mga kawayang panghuli ng isda sa batuhan. Paminsan-minsa’y nakakahuli sila ng mga kalapating kakahuyan na bumababa sa gilid ng ilog upang maghanap ng pagkain. Kung walang sariwang ulam, nag-iihaw sila ng daing na isda o tapa na dala rin nila mula sa nayon. Masuwerte sila at ang kaingin ni Pak Hitam ay di malayo sa gubat na pinagkukunan nila ng damar.
Matanda na si pak Hitam, halos sisenta anyos na. Sabi ng iba’y mas mukha siyang siyento anyos. Malakas siya, at pambihira ang pagkaitim ng balat. Tulad iyon ng isang Indian. Itim na itim pa rin ang kanyang buhok at lagi siyang nakasuot ng itim na pantalon, kamisadentrong walang manggas, at turban. Walang hindi natatakot sa nakakakita sa kanya. Isa siyang itim na pangitain.
Nagkalat ang kuwentong-nayon tungkol sa mga taong birtud ni Pak Hitam. Isa siyang [popular na guro ng silat, isang paraan ng pagtatanggol sa sarili, at ng okultismo. Takot sa kanya sina Sutan, Talib, Sanip, at Buyung, pero hindi nila iyon ipinahahalata. May istoryang nagsasabi na kasapakat daw siya ng mga masasamang espiritu, mga diyablo, at ng mga sobrenatural na nilalang na nakakapagkatawang-hayop o tao, o jinn. Siya raw ay protektado ng isang tigreng may tagabulag na nakakapagdala sa kanya sa kung saan niya gusto. Ang sabi’y maraming pagkakataong inilipad siya nito sa banal na lunsod ng Mecca.
Ayon sa leyenda, hindi siya tinatablan ng kahit ano. Minsan, sa rebelyon laban sa Dutch noong 1926, si pak Hitam ay naaresto at pinagtangkaang patayin ng ilang sundalong Dutch, pero hindi tinagusan ng kanilang bala ang kanyang katawan. Sa isa pang pagkakataon, ayon din sa istorya, hinabol daw siya ng mga sundalong Dutch at napaligiran sa isang sagingan. Bumuo ng isang bilog ang mga sundalo, at maingat na hinigpitan ang kanilang hanay hanggang ni iskwirel ay di maaaring makaalpas sa pagitan ng kanilang mga paa. Pero bigla na lang nakita ng isa sa kanila si Pak Hitam na nakasandal sa isang punong saging. Lumundag ang sundalo at pawasiwas sa sableng tinaga siya nito sa leeg. A, pero ang napugutan ay di si Pak Hitam kundi ang punong saging! Ilang oras siyang pinaghahanap ng mga sundalo, pero wala silang nakitang bakas ng kanilang mailap ng kaaway.
Pagkasugpo sa pag-aalsa, matagal na walang naging balita tungkol kay Pak Hitam. Isang araw, basta na lamang siyang lumitaw na puro ari-arian. Isa na siya ngayon sa pinakamayamang lalaki sa nayon. Walng makapagsasabi kung bakit hindi dumating ang mga Dutch upang siya’y dakpin. Ipinalagay ng mga tao na iyo’y may kinalaman sa kanyang mahika.
Sari – sari ang kuwento tungkol sa kung paano siya nagkamal ng yaman. Ayon sa isa, kabilang siya sa isang grupo ng mga dating rebelde na
nagtago sa gubat at naging mangungulimbat at tulisan. Ayon sa isa pa’y mayroon siyang lihim na minahan ng ginto na mag-isa lang niyang tinatrabaho upang walang ibang makaalam kung saan ito naroroon. Tunay na may bahid ng ginto ang buhangin ng Air Putih, at kung tag-init, kapag walang gaanong magawa ang mga taganayon, aakyat sila ng ilog para salain iyon, pero mahirap ang gayong gawain at di sigurado ang tubo. Nagkaroon ng balita na minsa’y may kung sinong nakatagpo ng isang malaking piraso ng ginto, pero walng sinumang nakakita niyon.
Apat ang naging asawa ni Pak Hitam. Ang sabi ng mga tao, sa buong buhay niya’y mahigit isang daang beses siyang nagpakasal, at sa isang donselya sa bawat pagkakataon. Nagkalat ang kanyang mga anak sa mga kalapit-nayon, at ayon sa usap-usapan, di na niya mabilang, o matandaan kung sinu-sino ang mga iyon.
Pag-uwi niya minsan sa Batu Putih, pinaratangan niya ang isang kabataan sa pagkilos niyon na parang sa kanya ang bahay ng matanda, at matigas niyang sinabi, “Sino ka ba? Kung makaarte ka’y bahay ito ng tatay mo.” Sagot ng bata, “Bahay nga ito ng aking ama. Ang aking ina ay si Ibu Khadijah.”
Maaaring dahil sa mga ganitong bagay kung bakit mas gusto ni Pak Hitam na buwanang malayo sa kanyang nayon at tumira sa bahay niya sa Bukit Harimau sa gitna ng gubat, tatlong araw ang layo mula sa Batu Putih. Dito’y hindi niya kailangang problemahin ang mga taganayon at ang kanilang walang-tigil na panghihimasok sa kanyang buhay.
Kapag pumupunta si Pak Hitam sa kanyang bahay sa gubat, lagi niyang dala ang isa sa kanyang papalit-palit na asawa. Kilalang-kilala na ng kanyang mga bisita ang mga babaeng isinasama niya. Ang pinakamaganda’t bata ay si Siti Rubiyah, na pinakasalan niya dalawang taon na ang nakakaraan, pero hindi pa siya nito nabibigyan ng anak. Sa mga taganayon, ang ibig sabihin niyo’y nawala na ang kanyang birtud. Sa unang taon pa lang ng kanilang kasal, ang bawat isa sa iba niyang mga asawa ay nakapanganak na. Ayon kay Sanip, makipagkamay lang ang isang babae, ito’y agad nabubuntis. Gayon kabagsik ang pagkabarko niyon.
Kung hindi sila dinadala sa malayo ng kanilang trabaho sa gubat, tuwina’y sinisikap ng pitong lalaking makabalik sa bahay ni Pak Hitam bago dumilim. Pero kung makakulekta sila ng maraming damar nang may kalayuan sa kanyang huma, at matatagalan kung sila’y babalik doon, sa gubat na lang sila nagpapalipas ng gabi.
Ang bahay ni Pak Hitam ay nakatukod sa matataas na poste. May malawak na beranda sa harap. Ang kusina ay nasa isang sulok nito, sa may bintana. Nagtambak ng buhangin sa lapag si Pak Hitam at gumawa ng mga istanteng tabla. May dalawang kalang de-uling sa buhangin at doon nagluluto ang kanyang asawa. Nakabitin sa ibabaw ng mga kalan ang tapang usa at daing na isda, sibuyas, sili, at ilang klase ng tuyong hiyerba.
Ang beranda’y nahihiwalay sa pinakabahay ng dingding na sawali. Sa likod ng dingding ay may dalawang kuwarto – ang isa’y tulugan nina Pak Hitam at ng kanyang asawa, at ang isa pa’y taguan ng gamit. Sa huli niya inlalagay ang kanyang damar at ripleng panghanting, bukod sa ibang bagay. Napasok na minsan ni Buyung ang kuwartong ito, nang ipakuha sa kanya ni Pak Hitam ang riple. Nakita nitya roon ang dalawang malaking baul na yari sa itim na kahoy na nalilinyahan ng pampatibay na tansong kulay berde na sa tanda. Nagtataka si Buyung kung ano ang laman ng baul, pero pareho iyong may mabibigat na kandadong bakal. Naisip niya na maaaring puno ng ginto ang mga ito, tulad ng napapabalita sa nayon, pero ipinapalagay niyang isa iyong kabaliwan. Sa isang baul sa isang kaingin sa gubat nagtatago ng ginto si Pak Hitam? Napakadali iyong nakawin ng sinumang magnasa. Pero, sa kabilang dako, sino ang maglalakas-loob?
Sa sahig ng beranda laging natutulog ang mga mangunguha ng damar. Kung doon sila nagpapagabi, ipinagluluto sila ng asawa ni Pak Hitam ng kanilang kanin, tokwa, at sari-saring gulay. Nasisiyahan dito ang mga lalaki dahil madalas na naiiba sa kanila ang paghahanda ng pagkain ng babae, atang bawat asawa ni Pak Hitam ay mahusay magluto. Dinadagdagan nito ang kanilang baon ng gulay mula sa sariling hardin.
Ang gustung-gusto nila ay ang murang ube, mais, o kamote na iniihaw sa nagbabagang uling. Umagang-umaga’y makikita si Buyung o Sanip sa kusina, abala sa pag-iihaw. O kaya’y kung gabi, bago sila matulog, at habang lahat ay nag-iistoryahan, gusto nilang maupo sa paligid ng parilya habang pinagmamasdan ang pagkaing lumalagitik sa baga. Ang ganitong dibersiyon, sampu ng mainit na kape, ay nagpapalipas ng panlalata at pagod ng isang araw na trabahong-kalabaw sa gubat.
Sa gabing tulad niyon, ilalabas ni Sanip ang kanyang dangung-dangung at tutugtug sa sarili niyang estilo. Minsan, nang kumanta siya ng tungkol sa isang babaeng iniwan ng asawa, napansin ni Buyung si Siti Rubiyah na tahimik na nagpapalis ng luha sa mata.
Gusto nilang lahat ang bata at kaakit-akit na si Siti Rubiyah. Kung hindi lang siya lokong-loko kay Zaitun, madali sanang mapaibig dito si Buyung. Pero ito’y may-asawa, at si Pak Hitam pa. Sapat na iyon para pigilin ni Buyung ang pag-iisip dito, pero aminado siyang maganda ang katawan nito. Ang mga suso nito, gayong maliit, ay tayo at may hubog. Ang mukha nito, sampu ng tuwid na ilong, mabasa-basang mga labi, at gilog na nangingislap na mga mata, ay itinatampok ng mahabang itim na buhok na abot-baywang,\. Madalas pagmasdan ni Buyung ang nakalugay na buhok niyon—makapal at nangingintab – habang ito’y abala sa hardin. Kung naroon ito kapag tanghaling-tapat, ang mga pisngi nito’y namumula, kaya lalo itong nagiging kaakit-akit.
Kapag nasa gubat ang apat na kabataang lalaki, di kalapit ang matatanda, si Siti Rubiyah ang kanilang pinag-uusapan.
“Sabihin ko sa inyo, pinasukan ko sana siya kundi si Pak Hitam ang kanyang asawa,” sabi ni Talib.
“Ako rin, pero kung siya’y dalaga pa,” dagdag ni Buyung.
“Kagabi’y napanaginipan ko s’ya,” sabi ni Sanip. “Napuna n’yo ba kung pa’no halos lumuwa sa kanyng blusa ang kanyang suso tuwing yuyuko s’ya upang hipan ang gatong?”
“Kaninang umaga’y tinulungan ko s’yang maggparikit,” parang tugon na sabi ni Buyung.
“Napuna n’yo ba kung pa’no siya tingnan minsan ni Pak Hitam?” makahulugang tawa ni Sanip.
“Sa edad n’ya, maiisip pa ba n’ya iyon?” may pagkamanghang tanong ni Talib.
“Oo nga, di ba napakatanda na n’ya para r’on?” ibig malaman ni Buyung.
Natawa si Sanip. “Pakinggan n’yong magsalita itong si Buyung,” sabi niya. “Nakalimutan mo na ba ang kasabihan tungkol sa niyog? Mas marami raw langis na mapipiga sa niyog kaysa buko.” Napahiyaw sila sa pagtawa.
“Hindi bale – di kasintalas ni Wak Katok ang mga mata ni Pak Hitam,” sabad ni Sutan. “Nakita n’yo ba kung pa’no niya pagmasdan si Siti Rubiyah ‘pag wala si Pak Hitam? Hinuhubaran n’ya ito ng kanyang mga mata, at higit pa r’on ang ginagawa niya sa kanyang isip, sabihin ko sa inyo. Sabagay, gusto ko ring gawin ‘yon.”
Nagpalitan sila ng makahulugang tingin.
“Bata o gurang,” sabi ni Sanip, “pag nakakita ng seksing babae ang isang lalaki, isang bagay lang nasa isip niya.”
“Hindi ako,” sabi ni Buyung. “Okey siyang talaga, pero di ako kasintapang n’yo. Takot ako kay Pak Hitam.”
Natawa kay Buyung ang tatlong may-asawang lalaki. “Di ka pa binyagan at di mo pa naiintindihan. Di ka pa nakakasiping sa isang babae, kundi’y di ka magsasalita nang ganyan. Wala ka pang alam sa bagay na ‘to.” Kampante silang nagpalitan ng tingin, pahagikgik ng tawa kay Buyung na kulang pa ng karanasan.
“Hintayin mong maikama si Zaitun, tapos maintindihan mo ang lahat,” sabi ni Sutan, patungo sa direksyon ni Buyung.
Namula si Buyung. Alam nila ang tungkol kay Zaitun. Lalong natawa ang mga lalaki nang makita ang pamumula sa mukha ng bata nilang kaibigan.
“Sigura, bago ka sumiping kay Zaitun,” sabi ni Talib, “ di masamang magpraktis ka muna kay Siti Rubiyah.”
Sa gitna ng alon ng tawana, sumabad si Sutan, “Ni hindi mo kailangan ang kama.”
“Di ko maintindihan kung ba’t kailangan pa n’ya ng apat na asawa,” reklamo ni Sutan paghupa ng tawanan. “Matanda na siya’t sakitin. Ba’t kailangan niyang makasal sa mga batang tulad ni Siti Rubiyah?
“Gan’on talaga,” sabi ni Sanip. “Gusto ng matatandang lalaki ng batang asawa, at ganoon din ang matatandang babae. Ito ang nagpapabata sa kanila.”
“Anak ng – kahit mag-asawa ng batang babaeng tulad ni Siti Rybiyah ang isang matandang lalaking tulad ni Pak Hitam, di niyon mapapabagal ang kanyang pagtanda. Mapapadali lang niyon ang pagpunta niya sa hukay,” singhal ni Sutan.
Pagkatapos ng usapang iyon, mas binibigyang-pansin ni Buyung ang kanyang mga kaibigan kapag katabi si Siti Rubiyah. Nakapuna siya ng pagbabago sa kanilang kilos. Lantad masyado ang kanilang kunwa’y kawalang-bahala, tuloy, ipinapakita nilang iba ang kanilang nadarama sa kanilang inaasal. Takot si Buyung na maaaring napupuna iyon ni Pak Hitam.
Pero nitong mga nakaraang ilang buwan, kadalasa’y may sakit si Pak Hitam at napipirme sa kanyang kuwarto. Binibisita siya roon nina Pak Haji, Wak Katok, at Pak Balam, pero ang mga nakababatang lalaki ay pumapasok lang doon upang magbigay-galang at agad na lumalabas uli. Takot sila kay Pak Hitam at kailanma’y di sila mapakali sa harap nito.
Pumapayat si Pak Hitam. Lubog ang kanyang mga mata, at halos puti na lahat ang kanyang bigote’t balbas. Pero itim pa rin ang kanyang buhok, at kahit may-sakit, mukha pa rin itong mabalasik at nakakapanduro. May kung anong bagay ang angkin ng matibay na matandang lalaking ito na nagbibigay-takot sa mga tao. Wala itong iniwan sa isang may-sakit na tigre na kahit masukol ay mabilis pa ring nakakapanibasib at nakakamatay.

Aralin : Teoryang Eksistensyalismo
Mabuhay ka, Anak ko
Ni Pin Yathay
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga’y namalayan ko ang iba pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingit ng mga karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Tiningnan ko ang aking relo. Alas singko ng umaga. Bumangon ako, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid nang buong pagtataka. Ang kalye ay bumabaha sa tao at sasakyang mabagal na naglalakbay sa maputlang liwanag ng bukang-liwayway. Waring lumuwas na sa bayan ang buong bansa. Abril 17, 1975 noon, napagtanto kong patapos na ang digmaang-bayan.
“Thay, dear?” Gising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim. Siguro’y pinanonood niya ako, naghihintay ng reaksiyon ko.
“Dali ka, Any.” Hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay tensiyon na pinatitindi ng kaalamang oras na para kumilos. Kailangang kumilos kami agad para maiwasan ang labanan. “Katapusan na ito. Ilang sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.”
Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayo’t nagbihis; maliksi ngunit malamyos ang kanyang kilos at sa isang wagwag ng kanyang ulo’y naiayos ang buhok niyang hanggang balikat. “Ano’ng mangyayari?” tanong niya.
“Huwag kang mag-alala,” sabi kong nagmamadaling pumunta sa sala para kunin ang mga gamit namin. “Mahihirapan tayo sa umpisa, pero magiging normal di ang lahat.” Nagising sa boses namin ang mga bata. Nagsimulang maghabulan ang dalawang nakatatanda – ang siyam-na-taong si Sudath at si Nawath na limang taon – sa loob ng dalawang kuwartong apartment na bumubuo ng lugar namin sa bahay ng aking biyenan. “Kailangang mabihisan muna ang mga bata at pumunta na tayo agad sa bayan bago makarating dito ang sundalo.”
“Nawath!” tawag ni Any. Narinig ni Nawath ang tawag dahil nakikipagbuno ito kay Sudath sa kama. “Nawath, lalapit ka pag tinatawag ka!” muling taway ni Any na lalong nilakasan ang boses. Kung minsa’y iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pero talagang malilikot ang dalawa kaya kailangang higpitan nang kaunti. Nahagip niya ang papatakbong si Nawath at binihisan, hindi iniintindi ang pag-angal nito. Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at saka inaantok na nagpalinga-linga. “Sige na, Sudath,” sabi ko sa panganay na lalaki. “Magbihis ka na. Hindi mo ba nakikitang nagmamadali tayo?”
Hindi naman mahirap balutin ang kakaunting kailangan namin. Isang linggo na naming alam, mula nang mag-alisan ang mga Amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ng gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Hinihintay na lang namin kung saan magmumula at kailan darating ang Khmer Rouge. Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingay ng papalapit na giyera para maghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling tamaan ang bahay. Pinuntahan ko ang aking mga magulang at nakipagkasundong magkita-kita ang buong pamilya sa bahay ng pinsan kong si Oan na nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha ang sitwasyon. Pinuno na namin ng gasolina ang lahat ng kotse. Wala na kaming dapat gawin ngayon kundi mag-empake ng dalawang maletang damit, kasama ang mga alahas ni Any, ang mga naipon namin at ang aking mga dolyar – talong libong lahat na puro tig-iisang daan. Dinala ko ang isang maliit na radyo para makarinig ng mga balita – at isang casette recorder na may kasamang reserbang baterya. Nagtangay din ako ng ilang bagay na magagamit ko sa propesyon – mga librong teknikal ukol sa irigasyon at pagbabai-baitang ng lupa, isang diksiyunaryong French-English, at mga bolpen at papel.
Sipa ng sipa si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any. Nang mga sandali ring iyon, pumasok si Anyung na nakatatandang kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong handa na sa pag-alis ang kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni Anyung si Staud ng t-shirt at shorts, nagbalot naman si Any ng mga biskwit at kendi para sa mga bata. Sinisiyasat ko ang aking dadalhin – mga libro, relo, pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo – at minsan ko pang tiningnan ang paligid, iniisip kung mas mabuti kaya kung pinaalis ko ng bansa ang aking pamilya. Hindi, katulad ng lahat, ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon Nol. Wala akong dapat ikatakot sa Khmer Rouge.
Inapura ko ang aking pamilya para sumama na sa mga magulang ni Any na noo’y sakay na ng kanilang Austin. Ikinarga ko ang mga bagahe namin sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mga habilin sa kabila ng kaguluhan sa siyudad – ratatat ng machine gun, pagsabog ng mga bomba sa malayo, at patuloy ba andar ng mga sasakyan.
Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom Penh ay isang agos ng mga tao, kotse, kareta, bisikleta, trak, motorsiklo, at ilang karetang puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan sa maputlang liwanag ng madaling-araw. Ang ilang pamilya’y naglalakad; inaakay ng mga ama ang mga bisikletang puno ng mga kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang mga ina. Kitang-kitang balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit kakatwang tahimik. Waring hindi natural ang pagkapasensiyoso ng mga nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga tao nang hindi man lang bumubusin, isang bagay na hindi mangyayari noong nagsisikip ang trapik sa Phnom Penh, ilang araw pa lang ang nakararaan. Mayroon pang ilang grupo ng mga sundalo ng bumagsak na Republika na naglalakad nang tatlu-tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang mga riple, walang takot na nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang giyera.
May isandaang yarda na ang nalalakad namin, mga taong parang duming lumulutang sa ilog, nang makarinig ako ng isang pagsabog. Sa gawing kanan ko, sa may kantog malapit sa aming bahay, isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pa’y dumating ang mga ambulansiya at bumbero, nagtutunugan ang mga kampana at nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa aming daraanan at wala kaming nagawa kundi tumigil muna.
Sa kabila ng pagmamadali ng mga taong nakapalibot sa amin, sa kabilang kalapitan ng labanan, nadama kong malayo kami sa panganib. Kahit tapos na ang maraming taon ng digmaang-bayan at sa kabila ng mga babala ng aking ama ukol sa kalikasan ng Khmer Rouge, naniniwala akong babalik din sa dati ang lahat, gaya ng nakilala kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang-bayan.
Buhat ako sa Oudong, isang nayong may dalawampu’t limang milya ang layo sa hilaga ng Phnom Penh. Doon namuhay ang amakong si Chhor bilang isang maliit na negosyante. Hindi siya mayaman – tatlo lamang ang kuwarto ng bahay naming may bubong na pulang tisa at sahig na matigas na lupa – ngunit mataas ang pangarap niya at ng aking inang si Loan para sa akin, ang panganay sa limang magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng magandang edukasyon sa haiskul. Magaling akong estudyante. At nang ako’y edad disisiete, ako ang pikamahusay sa matematika sa buong bansa.
Hindi ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng katatagan ang mga taon ng aking kabataan kung ikukumpara sa mga sumunod na panahon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umuunlad ang bansa, at waring napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sa pakikisangkot ng Amerika sa Southeast Asia.
Bilang isang matalinong estudyante, naging karapat-dapat akong iskolar ng gobyerno sa ibang bansa. Nakaugalian nang papag-aralin sa France ang estudyanteng Canbodian, ngunit naging sentro ng oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa Montreal ako ipinadala kasama ng iba. Doon ako nag-aral ng inhenyeriya.
Bumalik ako sa Cambodia noong 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho ako sa Ministry of Public Works, at nagpakasal sa una kong asawa, si Thary. Tulad nang karaniwang nangyayari sa mga bagong kasal, tumira kami sa bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking bahay iyon dahil isang mayamang opisyal sa Ministry of Finance ang kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak ang panganay naming si Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon sa isang magandang kinabukasan.
Gayunman, kung babalikan ko ang nakaraan, mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalang-kasiyahan sa paligid. Itinuring ni Sihanouk ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal at umugong ang usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang lumulubhang digmaan sa Vietnam. Dahil masigasig si Sihanouk na panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyang makapangyarihang kapitbahay, lihimsiyang nakipagkasundo na magagamit ng mga North Vietnamese ang malalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo at armas sa South Vietnam. Naging dahilan ito ng pagtuligsa ng Estados Unidos. Nalagay sa alanganin ang tradisyunal na niyutralidad ng Cambodia.
Bilang reaksiyon sa mga pangyayaring ito, sinuportahan ng mga di-nasisiyahang Cambodian ang maliit na grupo ng mga rebeldeng Khmer Rouge, na ang karamiha’y pinangungunahan ng mga intelektuwal na nag-aral sa France.
Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming buhay. Ako mismo’y maraming problemang pansarili. Dumating sa buhay ko ang isang trahedya noong 1969. Habang hinihintay namin ang pagsilang ng aming pangalawang anak, nagsakit ng hepatitis si Thary na noo’y beinte kuatro anyos lang. Hindi na siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anak nang manganak siya. Isang taon ko siyang ipinagluksa. Umasa na lamang ako sa dalawang nakababatang kapatid ni Thary: si Anyung, beinte uno, at lalo na kay Any, disinuebe, sa pag-aalaga kay Sudath habang ako’y nasa trabaho.
Nang lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari, umibig ako kay Any. Maganda siyang babae, maitim ang buhok na hanggang balikat at balingkinitan ang katawan. Sa edad na beinte, naging kaligayahan na niyang balikatin ang trabahong-bahay at minahal niya si Sudath na parang sariling anak. Nagpakasal kami. Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, si Nawath. At noong 1973, si Staud naman.
Noong mga unang taon ng dekada sitenta, nataas ako ng puwesto at naging direktor ng Department of New Works and Equipment sa ministri. Ang posisyong ito ang nagbigay sa akin at sa aking pamilya ng proteksiyon laban sa kahirapang pampulitika at pangkabuhayan na bunga ng lumalaganap na digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any kundi ang nangyayari sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi rin niya inuusisa ang aking mga paniniwalang pampulitika. Sa aking palagay, masyado kaming kampante, tulad ng iba panag kakilala ko.
Naging kapansin-pansin na ang pagkawala ng niyutralidad nang panahong ito dahiil sa naging patakaran ni Sihanouk na bigyang kasiyahan ang lahat. Dumami ang mga North Vietnamese sa bansa – humigit-kumulang sa apatnapung libo – kaya ipinag-utos ni Presidente Nixon na bombahin ang mga ito, isang lihim na ekstensiyon ng dimaang sa huli’y makakasira sa kanya at sa amin. Taliwas sa inaasahan ang naging epekto ng mga pagsalakay – lalo nitong inakit ang pagpasok ng mga komunista sa Cambodia.
Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong Ministro at pinuno ng armi, si Sihanouk. Nangako itong lilinisin ang kabulukan at palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Sihanouk patungong Peking, at ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga gerilyang Khmer Rouge na dati niyang kalaban. Tinawag niyang tagapagpalaya ang mga rebelde na karamiha’y binubuo ng mga magsasaka, at hindi na niya binigyang-halag ang ideolohiyang komunista ng mga ito.
Sa simula’y malaki ang pag-asa namin kay Lon Nol. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, naging malinaw na hindi niya kayang gampanan ang tungkuling ipinataw niya sa sarili. Inatake siya at naparalisado ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa kabulukan at pagwawalambahala ang administrasyon at sandatahang lakas. Nabigo ang arming sugpuin ang alinman sa mga North Vietnamese at Khmer Rouge sa kabila ng tulong ng Estados Unidos. Walang nakinabang kundi Khmer Rouge na tinatangkilik ng mga Intsik. Bumagsak ang bansa sa isang pangkalahatang digmaang-bayan. Sinabayan ito ng nakasasakal na inflation na pumuwersa sa aming mga maaaring mangibang bansa na magtago ng salaping dayuhan, lalo na ng dolyar. Noong 1970, umabot sa 60 riel ang kapalit ng isang dolyar, at 2,000 naman noong 1975.
Kakatwang kaming mga propesyonal at intelektuwal sa Phnom Penh ay naniwala rin sa palagay ni Sihanouk na makabayan at hindi komunista ang mga rebelde. Dahil na rin ito sa mga hindi maikakailang pagkukulang ni Lon Nol. At totoo namang ang kanilang programa, na itinataguyod din ng United Front of Kampuchea ni Sihanouk na nakabase sa Peking, ay hindi bumanggit ng komunismo. Sa halip, gumagamit sila ng mga nakapagpapahinahong salita gaya ng “Ang mga mamamayang Cambodian,” “Pambangsang Kalayaan,” “Kapayapaan,” “Niyutralidad,” “Kalayaan,” at “Demokrasya”.
Ako ma’y sumapi na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng organisasyong tinawag naming Bees Club, isang propesyonal na may magkakaparehong kaisipan – mga opisyal ng mga gobyerno, propesor sa unibersidad, mga opisyal, at ilang oposisyonistang pulitiko. Laban kami sa mga diktador, mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol, ngunit wala kaming tinatangkilik. Itinuturing naming ang mga Amerikano ay magkahalong biyaya – laban sila sa komunista pero sinusuportahan nila ang bulok at walang-silbing si Lon NoI. Ibig naming magkaroon ng isang pamahalaan na may pambansang pagkakaisa, at kung posible, isang koalisyong pamahalaan, kasama na ang Khmer Rouge.
Naniniwala akong higit sa lahat, bayani ang Khmer Rouge dahil marami akong kilalang nagtataguyod sa kanila at sumapi sa kanila. Ulit-ulit na sinabi ni Ama na nagkakamali ako dahil nakita at nakausap niya ang di mabilang na nagsitakas bago sila lumipat sa siyudad, kasama ang buong pamilya, noong 1972. Madalas kong siyang sabihan noon na huwag mawalan ng pag-asa; iginigiit ko pang nabubulagan lang siya sa propaganda ng pamahalaan. Tutal, sabi ko pa, may sarilingtauhan sa mga gerilya si Sihanouk at tiyak na hindi nila susuportahan ang mga taong pumapatay ng mga kababayan at naninira ng mga pagoda. Maaaring komunista ang iba, sabi ko, pero higit sa lahat, Cambodian silang gaya namin.
Noong mga unang araw ng Marso 1975, nagkaroon ng pala-palagay na mababago ang pamahalaan; na pupuwersahin ng Khmer Rouge si Lon Nol na magbitiw, at inisip naming susundan ito ng maayos na pagtatatag ng isang bagong rehimen. Kahit papaano, inakala kong magiging isa si Sihanouk sa solusyong pulitikal, kung ano man iyon. Ngunit noong ika-isa ng Abril, nahikayat numalis si Lon Nol, at nawala ang huling sagabal sa pagkakaroon ng maaayos na kasunduan. Naiwana ang pamumuno ng gobyerno sa mga kamay ni Long Boret. Alam kong wala na akong dapat ikatakot nang bumagsak ang dating rehimen. Isa lamang akong karaniwang inhinyero. Hindi namin kailangang umalis nang bansa. Hinintay ko ang pagtatapos ng digmaan at umasang magkakaroon ako ng bahagi sa pagbubuo ng bagong Cambodia.
Sa kakapalan ng tao, inabot ng dalawang oras bago namin nalakbay ang dalawang milyang distansiya papunta sa Psar Silep, isang residensiyal na lugar malapit sa ilog. Ito ang sentro ng siyudad, ang pinakamagandang bahagi ng Phnom Penh – malalapad ang mga kalyeng natatamnan ng mga puno at magkakahiwalay na mga villa na istilong French colonial. Malaki ang pook na ito, may sapat na lugar para sa mga puno at halaman. Dito nakatira ang pinsan kong si Oan. Dalawang palapag ang bahay niya, protektado ng mataas na bakod na yari sa tisa at may pintuang bakal. Magandang tagpuan iyon dahil nag-iisa si Oan sa malaking bahay. May ilang linggo nang nakaalis ng bansa ang asawa’t anak niyang lalaki, kasama ng kanyang mga biyenan.
Nang makapunta sina Anyung at mga biyenan ko sa bahay ng isang tiyahin, ipinasok ko naman ang Fiat sa kalsadang kinatatayuan ng bahay ni Oan. Nagulat ako pagkakita sa marami kong kamag-anak – si Oan at ang dalawa niyang kapatid na babae kasama ang kani-kanilang pamilya, ang aking dalawang kapatid na babae, dalawang lalaki at mga pamilya nila, at ang aming mga magulang – tatlumpo lahat. Naglapitan ang lahat sa amin, tuwang-tuwa nang makita kami. May isang oras na sila roon at nag-aalala na sa amin.
Nang nakikipaglaro na sa mga pinsan nila ang mga bata, naghanda ng pagkain ang mga babae. Gumagawa ang lahat maliban kay Vuoch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Si Vouch, dalawampu’t isa, ang intelektuwal ng pamilya. Nasa ikatlong taon na siya sa unibersidad, nag-aaral ng inhinyeriya na pambihira para sa isang babaing Cambodian. Nakahiligan niya ang simpleng pananamit at mabigat na pagsasalita, wari’y determinadong takasan ang tradisyunal na papel ng babae at igiit ang sarili sa daigdig ng mga lalaki. Magiliw siyang gaya ng nakatatandang kapatid na babaeng si Keng kung nakikipag-usap sa aming ina, kay Any o sa mga bata, pero madaling mapako ang atensiyon niya sa mga usapang pampulitika.
May bukas na radyo sa isang mesa, pero walang balita, puro tugtog militar. Tinanong ako ng kapatid kong lalaking si Theng kung ano sa palagay ko ang nangyayari sa bayan. Dalawang taon lang ang kabataan sa akin ni Theng, may asawa siya at tatlong anak, dalawang lalaki at isang sanggol na babae. Medyo bilib siya sa akin sa mga usaping pampulitika, hindi lamang dahil nakatatanda ako sa kanya, kundi dahil sa posisyon ko sa ministri. Titser siya sa primarya, nakatira sa mga magulang namin, at mas interesado sa basketbol kaysa pulitika. Bagay naman iyon sa katawan niya kaya mas napakikinabangan siya kung mabigat na trabahong dapat gawin. A, sabi kong nakatitiyak, pag-uusapan siyempre ‘yan ng mga opisyal ng magkabilang panig…
“E bakit hindi pa nila ibalita sa radyo?” sabat ni Vouch.
“Nakapagtataka nga,” sabi kong hindi tumitingin sa kanya para makaiwas. “Pero wala namang dapat ipag-alala. Hindi magtatagal at magkakaroon ng isang bagong gobyerno at muling mamumuno si Prinsipe Sihanouk. Makikita mo.”
“At makabubuti sa kanyang huwag na niyang ulitin ang mga dating pagkakamali niya.”
Bahagyang katahimikan ang nagdaan. Para maputol ito, may isang nagsabi: “ Ano sa palagay mo, Sarun?”
Nagkatinginan kaming lahat. Kawawang Sarun. Titser siya noon bago maaksidente sa isang motorsiklo na ikinabagok ng kanyang ulo, dalawang taon na ang nakararaan. Hindi na siya katulad ng dati. Dati’y masayahin siya at mapaglaro, ngayo’y lagi siyang malungkutin at mainisin. Kadalasan ay mahiyain siya na pang bata, pero minsa’y galit na galit o nagsasalita ng mga bagay na walang kaugnayan sa pinag-uusapan. Sabihin pa’y naalis siya sa eskuwela, pero hindi maunawaan kung bakit. Ang hindi nagbago sa kanya’y ang pagmamahal niya sa asawang si Keng at sa limang-taong anak na babaing si srey Rath.
“Ano sa palagay ko?” ani ni Sarun sa dating matamlay na ngiti. “ewan ko. Pero kung mababalik si Sihanouk, siguro makukuha ko uli ‘yung dati kong trabaho. Ano sa palagay mo Thay?”
Naniniwala siyang naging biktima siya ng isang sabwatan at hindi makabubuting pag-usapan pa ang tungkol doon. Ngumiti ako’t nagkibit-balikat.
“Ano ang inginiti-ngiti mo riyan, Thay?” tila nanunumbat ang boses ni Keng mula sa kusina. “Siguradong mababalik sa trabaho si Sarun pag maayos na ang lahat. Sarun, dear, puwede bang tawagin mo na si Srey? Maghahain na kami.”
Bilib kaming lahat kay Keng. Mapalad si Sarun dahil sa kanyang katapatan at pangangalaga.
Noon dumating ang pinsan kong si Sim. Nakangisi siya na para bang kababalik mula sa pamamasyal sa buong bayan.
“Sim!” tawag ni Oan na gulat na gulat. “Ba’t nag-iisa ka? Nasa’n ang mga magulang mo?”
“Wala pa ba sila dito? Akala ko’y …” napahinto siyang nakasimangot.
“Halika na, Sim,” sabi ng tatay ko ko na kilalang-kilala si Sim mula pagkabata. Disiotso na si Sim at nasa haiskul, pero hindi siya matalino. Wala siyang ginawa kundi maglakwatsa kasama ng mga kaibigan.
“Akala ko’y naririto na sila, tiyong. Nanood ako ng nasusunog na bahay, tapos, hindi ko sila makita kaya nagpunta na ‘ko rito. Aalis uli ako’t hahanapin ko sila.”
“Loko ka ba, tumigil ka na lang dito. Hindi sila maaano. Peligroso nang lumabas uli.”
Doon nga kami pumirmi, paupu-upo kahit saan, pakain-kain ng kanin, ulam at prutas na inihanda ni Any at ng iba pang nasa kusina. Pinag-usapan namin ang mangyayari sa kabila ng ingay ng mga nagsisitakas sa labas at ng tugtog ng radyo. Inulit ko ang paniniwalang magkakaroon ng solusyong pulitikal. Karaniwang umaayon o nananahimik lang ang iba. Kapag tutol si Theng, lalong maraming angal ang isa ko pang kapatid na si Thoeon. Hindi siya lumaki sa amin, Nakisama siya sa kanyang mga biyenan, kaya medyo malayo ang kanyang loob. Sumasali rin sa usapan si Vouch. Samantala’y nanonood lang si Any, tahimik at minamasdan kung sino ang nagsasalita, na karaniwan niyang ginagawa kapag maraming tao. Bahagya ring sumasali si Oan kahit nasa bahay niya kami. Mayaman nga siya pero hindi siya gaanong matalino. Sinuwerte siyang makapag-asawa ng may-kaya – may-ari ng ilang sinehan ang biyenan niyang lalaki.
Ngunit hindi madaling papaniwalain ang aking ama. Paulit-ulit ang babala niyang komunista ang Khmer Rouge. Mataas siya, malakas at may matatag na pagkatao, gayundin sa pangangatwan. Hindi siya masalita at inirerespeto siya sa kanyang paniniwala. Pero naiinis ako sa mga prediksiyon niya. Narinig ko noon. Paulit-ulit ko nang nasabi sa kanyang walag dapat ipag-alala.
“Tsismis lang ‘yan, ‘tay, propaganda,” sabi kong hindi ipinahahalata ang pagkainis. “Wala namang binabanggit tungkol sa komunismo ang kanilang programa. Kaibigan ko ang ilan sa mga taong iyon. Hindi sila magsisinungaling. Bakit pa? Mayaman ang ating bansa. Hindi nila kailangang gumawa ng kalupitan para pakainin ng taumbayan.”
Tumahimik ang aking ama. Ang aking naman ang nagsalita. Muhka siyang mahina, maliit, kung ikukumpara sa mga anak niyang babae. Buong buhay niya’y nagugol sa pag-aalaga sa pamilya sa nayon. Pero kung narinig mo siyang magsalita, mahuhulaan mong sa kanya nagmana si Vouch.
“Igalang mo naman ang tatay mo, Thay,” aniyang mahina pero matigas. “Nakausapa namin ang mga taong nagsisitakas, napatay ang kanilang pamilya, sinunog ang kanilang mga bahay. Malupit ang Khmer Rouge. Komunista sila, gaya ng mga tauhan ni Mao sa China. Kapag sila ang namuno, katapusan na ng relihiyon natin. Kalimutan mo na ang kaligayahan.”
“Ang inay naman!, sabi ko. “Anong komunista ang sinasabi n’yo? Iyong iba sa kanila siguro, pero alam nilang napakarelihiyoso ng mga Cambodian at mapagmahal sa buhay para tanggapin ang komunismo. Makabayan muna sila bago komunista. Susundin nila ang gusto ng mga tao.” Alam kong tama ako. Mga tanging impormasyon ang ibinibigay sa akin ng mga kakilala ko. Isa pa’y nakapangibang-bansa na ako’t may malawak na pananaw. At ano’ng nalalaman ng mga magulang ko, na simpleng negsyante lang, tungkol sa tunay na sitwasyon?
May isang oras kaming nag-usap-usap. Maya’t maya’y natitigil kami dahil sa sigaw ng mga bata at manaka-nakang pagsabog sa may kalayuan. Pagkatapos, nang bandang alas diyes, isang boses na noon lamang namin narinig ang nagpatigil sa tugtog-militar sa radyo: “makinig kayo! Abangan ang isang importanteng pahayag!” napatigil ang lahat at tinawag ang mga kamag-anak na nasa kusina at bakuran. Kinawayan ko si Any na mabilis namang pumasok matapos tingnan si Nawath na nakikipaglaro sa kanyang mga pinsan.
Namayani ang katahimikan.
Narinig sa radyo ang mahinang boses ng Patriarkong Budhista na si Huot Tat. Nagkatinginan kaming lahat at tiwalang napangiti. Hindi lamang siya ang may pinakamataas na awtoridad na panrelihiyon, ang simbolo ng katatagan; miyembro rin siya ng aming pamilya, amain ng aking ama.
Malapit ako sa kanya. Sinubaybayan niyang mabuti ang aking pag-aaral at dahil na rin dito kung bakit nakatagpo ako ng lakas sa mga aral ng Buddhismo noong estudyante pa ako. Waring angkop iyon sa aking mga aspirasyon at pagkatao. Nakasalalay sa sarili ang kaligtasan, turo ni Buddha.
Walang magagawa ang Diyos kung di ka magkukusa. Lahat ng kabutihan at kasamaan ay magbubunga, maaaring sa buhay na ito o sa susunod, ngunit laging malaya ang taong paunlarin ang sarili, magpakabuti, pagandahin ang ugali, sa pamamagitan ng pagdarasal na patnubayan siya at bigyan ng malinaw na pananaw, sa paggawa ng mabuti, at mahusay na paggamit ng kakayahan at talinong kaloob sa kanya. Natitiyak kong nagawa ko ang pinakamabuting magagawa ko, maraming salamat sa impluwensiya ni Huot Tat.
Kaya tulad ng iba’y sabik akong marinig ang sasabihin ng matanda, -- marahil ay mas sabik pa – at makatagpo ng katiyakan sa sasabihin ng kagalang-galang na matandang hindi mapag-aalinlanganan ang kalagayan, na ang patnubay ay tiyak na kakailanganin ng bagong rehimen.
“Huwag kayong mag-alala,” sabi niya. “Itigil na ang labanan. Darating na ang kapayapaan. Nakaraan na ang ating bansa sa isang mahirap na pagsubok. Kailangang muli natin itong itayo.” Iyon lamang, at iyon lamang naman ang kailangan.
Pagkaraa’y isa pang boses ang narinig. Kay Heneral Mey Sichan iyon, ang puno ng sandatahang lakas ng Republikano. “Dapat nang sumuko ang lahat ng sundalo,” sabi niya, “para maiwasan ang pagdanak ng dugo samantalang ipinagpapatuloy ang pakikipagnegosasyon sa ating mga kapatid.”
Tapos na ang lahat, naisip ko. “Mabuti,” bulong ko kay Any sabay yakap. Lumuwag ang pakiramdam naming lahat.
Ngunit ilang sandali lang at natabunan ang boses ng heneral ng di maunawaang ingay. Pagkaraa’y isa pang boses ang sumingit, mas malakas, parang may umagaw sa mikropono.”Ang digmaan ay naipanalo sa pamamagitan ng sandata, hindi ng negosasyon! Sumuko na ang mga puwersa ng gobyerno! Nanalo ang mga rebelde! Tapos na ngayon ang digmaan!”
Pagkaraa’y nakatatakot na katahiikan. Walang musika, lahat ay natigil. Nawala ang mga ngiti namin. May nagpatay at muling nagbukas ng radyo, tinetesting. Wala. Naglalakihan ang mga matang nagkatinginan kami.
Sa katahimikan, namalayan ko ang tinig ng mga tao sa kalye, at ang ingay ng mga makina. Panatag kaming nakakulong sa bahay, gayundi ang mga kapitbahay. Pero sa labas, libu-libong mga tao ang nagsisiksikan patungo sa sentro ng Phnom Penh. Saan sila pupunta? Naipalagay ko lang na tutuloy sila sa mga pagoda, sa mga unibersidad o sa bakuran ng mga gusaling pampubliko, hanggang sa matapos ang labanan.
Isang oras ang lumipas. Patuloy na naglaro ang mga bata samantalang mahinang nag-usap-usap ang matatanda. Pagkaraa’y narinig namin ang sigaw ng pagsasaya sa kalayuan. Tumalong palabas ng bakod si Sim para alamin kung ano ang nangyayari, pagkatapos ay mabilis siyang bumalik at sumigaw, “Ang mga Khmer Rouge!”
Talaga nga palang tapos na. Nagmamadali naming binuksan ang pinto para manood.
Sa buong paligid, nagbitin ang mga puting tuwalya, kumot, damit, at anumang putting maiwawagayway ng mga tao. Nagsimulang dumami ang mga tao sa kalye, palayo sa amin. Isang uri ng prusisyon ang wari’y panonoorin nila sa Preah Monivong, isang pangunahing kalyeng nagmumula sa timog at kumukrus sa tabing kalye namin, may ilang yarda ang layo. Matapos isenyas kay Any na bantayan ang mga bata, nakipagsiksikan ako sa mga taong nasa harap kasama ng iba pa. Noon ako unang nakakita ng mga sundalong Khmer Rouge.
Malinis ang kalye, lahat ng tao ay nakatayo sa bangketa. Sa gitna ng kalsada, isa-isang naglalakad angmga sundalong noon ko lamang nakita, nahahati sa pangkat ng tiglilimampu. Lahat sila ay nakaunipormeng itim na tila padyama ang yari, walang dekorasyon pero maayos na nakabutones. Nakasumbrerong Intsik sila at sandalyas ng Ho Chi Minh na yari sa gulong ng kotse. Ang ilan ay may dalang AK47, ang iba nama’y mga rocket launchers. Lahat sila’y may tsekerd na kramar – mga bandanang nakapulupot sa kanilang leeg o sumbrero. Hindi sila nagmamartsa ngunit hindi sila mukhang nanlalata. Nakatitig lamang sila sa unahan ng linya, walang kangiti-ngiti. Laha sila’y mukhang wala pang disiotso anyos. Ang tanawing ito ay magiging pamilyar pagkaraan sa buong mundo sa pamamagitan ng mga retrato at pelikula, ngunit ni wala kaming babala kung ano ang itsura nila.
Hindi ako nabigla o nangamba; gayunma’y nakadama ako ng pag-aalala sa katigasan ng mukha ang mga kabataang sundalo, lalo na ng makita ko ang magandang pagtanggap sa kanila ng mga tao. Nagpapalakpakan at walang takot na sinundan ng mga tao ang hanay ng mga sundalo, ngunit ang kasabikan at kasiglahan nila’y walang epekto sa mabalasik na mga kabataan. Nakatanaw lamang sila sa malayo, walang damdamin, blangko, parang mga robot.
Ngunit masyado kaming nasisiyahan para bigyang pansin ang kanilang inuugali. Tapos na ang giyera. Ni hindi kami nasaktan. Kaya nagyayakapan ang mga tao at nagwawagaywayan ng mga puting tela. Sa halip na matakot, kaming lahat ay nagtiwala sa kawalang – pakialam ng Khmer Rouge.
Minsan lang akong ninerbiyos. Isang trak ng militar na minamaneho ng isang sundalong Republikano ang biglang lumitaw sa daan, pauwi na siguro at natutuwang tapos na ang labanan. Isang Khmer Rouge ang sumenyas at nag-utos na siya’y bumaba. Mabilis na tumalon at tumakbong palayo ang lalaki ngunit maagap siyang hinabol at nahuli ng isang Khmer Rouge na may kipkip na baril. Isinalya nito sa pader ang sundalo at tinutukan ng riple. Pagkaraa’y mahinahon nitong inutusan ang sundalong hubarin ang kanyang uniporme at iwan ang sasakyan. Sumunod naman ang lalaki at lumayo na ang Khmer Rouge. Muli akong nakahinga, mas nakasisigurong maaayos ang lahat.
Masaya kaming bumalik sa bahay ni Oan, nagbibiruan, nagkukuwentuhan, nagpaplano. Sabi ko’y iuuwi ko na ang aking pamilya. May ibang nagsabing pupunta sila tabing-dagat at magsaya. Mukhang pabalik na sa normal ang lahat. Sakay ng kanilang Austin, dumaan sa bahay ang mga magulang ni Any para sabihing babalik na sila sa kanilang bahay. Kami man ay paalis na ng sabihin ni Oan, “Bakit hindi pa kayo rito mananghalian?” Bakit nga ba hindi. Matitingnan naman ng mga biyenan ko ang bahay namin habang wala pa kami. Naglalaro ang mga bata sa bakuran. Mag-aalas onse pa lamang, walang dahilan para magmadali. Naiwan kami, masayang nag-uusap.
Nanananghalian kami at nag-iisip ako kung papasok na ako sa trabaho kinabukasan, nang isang lalaki ang dumating. Halos hindi makahinga. Siya ay katiwala sa bahay ng mga biyenan ni Oan na nakatira may isang milya ang layo, sa gawing dinaanan ng Khmer Rouge. Ipinagkatiwala nila sa taong iyon ang bahay nang umalis sila sa Cambodia kasama ang asawa at nag-iisang anak ni Oan. Nakatayo ito ngayon sa may pintuan, takot na takot at gulung-gulo ang ayos. “Pinalayas kami ng mga Khmer Rouge sa aming mga bahay! Pinagsabihan kaming umalis ng siyudad!” sabi nitong halos hindi makapgsalita. “Ano’ng gagawin ko?”
Agad nagbago ang pakiramdam namin. Nahinto kami sa pagkain at pinagtatanong siya:
“Sigurado ka ba?”
“Bakit?”
“Baka nagkamali ka lang ng pag-intindi?”
“Wala kaming narinig na sinabi nilang gano’n.”
Nagbibiro ba siya? Mag-alisan kami, parang hindi kapani-paniwala!
Kailangang malaman namin ang totoo kaya nagtanong kami sa mga kapitbahay para malaman ang mga pangyayari. Sila ma’y nakarinig ng mga usap-usapan ukol sa ebakwasyon. Pero walang balita sa radyo parang nakabubuhay ng loob ang kawalan ng opisyal na babala.
Hindi namin alam ang ang gagawin. Aalis ba kami sa bahay ni Oan? Desperado na kaming makasagap ng impormasyon para makapagplano. Iminungkahi kong konsultahin namin ang aming amain, ang Patriarkang si Huot Tat na nakatira sa Onalon Pagoda sa tabi ng ilog dalawang milya ang layo. Tiyak na alam niya kung ano ang nangyayari. Hihingi kami ng payo sa kanya, makakukuha rin kami ng proteksiyon.
Wala nang makaisip kung ano ang mas mabuting gawin. Sumakay kaming lahat sa tatlong kotse – sa aking Fiat, sa Puegeot ng aking kapatid na si Theng, at sa Mercedez Benz ni Oan. Muli, napasama kami sa mabagal na prusisyon ng mga tumatakas. Nagsisikip pa rin ang mga kalye. Napasama na sa mga papunta sa sentro ng bayan ang mga taong pinalayas sa kanilang mga bahay. Tila tulala ang lahat ngunit walang kaguluhan o ingay, isang pulutong lamang ng mabagal na umuusad patungo sa kung saan, mga taong naglalakad, nagbibisikleta, sakay ng trishaw, at mga kotse. Paminsan-minsa’y isang putok ang naririnig mula sa kalayuan. Ang mga ganitong pagunita na labanan ay nagpaalisto sa amin dahil hindi namin alam kung sino ang binabaril nino. Kakatwang agad-agad ay naging masunurin at magalang ang lahat, maingat na sinusunod ang tuntunin sa daan, takot waring makaaksidente, takot waring mapansin.
Nang sumunod na na isang oras, minsan lamang akong nakakita ng Khmer Rouge, nang lumabas sa katabing kalye ang tatlumpu sa kanila, tahimik na nagmamartsa sa isang hanay sa gitna ng daan, hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila. Pinaraan sila ng mga kotse at mga taong nagdaraan. Nagmartsa sila nang hindi kami pinapansin, wari’y iniiwasang mahawa sa amin.
May sariling bakuran ang pagoda ng Patriarka. Isa iyong mataas, dalawang-palapag na templong may bubong na tisang kulay dilaw. Nakatayo iyon sa tabing-ilog, tumutunghay sa pinagtatapuan ng ilog ng Mekong at Tonle Sap. Sa paligid niyon, kasama ng mga puno at hardin ng mga bulaklak, ay ang tirahan ng mga monghe. Ipinarada namin ang mga kotse, dinala ang mga bata at nagpunta sa bahay ng Patriarka. Matapos kaming ituro sa isang malaking bulwagang puno na rin ng may isandaang katao, ilan sa amin – ang mga magulang ko, ako, si Oan, at ang mga kapatid kong lalaki – ang nagpunta sa tanggapan ng Patriarka.
Kakatwang malakas pa ang Patriarka sa kanyang walumpu’t limang taon, matatag na nakataas ang ulo niyang ahit, at mukhang bata pa ang malapad niyang mukha. Nakasuot siya ng robang dilaw na hantad ang isang balikat, at napaliligiran ng mga monghe at sibilyan. Malinaw na maraming tao ang nag-isip nang katulad namin, ang magpunta sa pagoda para malaman kung ano ang nangyayari at hinginang proteksiyon ng Patriarka. Agad kong nakilala ang dalawang lalaki, si Heneral Chhim-Chhuon, dating aide-de-camp ni Marshal Lon Nol, at si Heneral Mao Sum Khem, Chief Operations Co-ordinator ng sandatahang lakas ng Republikano. Ngunit parang mapagpakumbaba na at nag-aalinlangan ang dalawang ito na dati’y palaban. Halatang badigard nila ang ibang lalaking nakasibilyan. Lumuhod kaming kasama ng iba pang naroon at ginawa ang tatlong ulit na pagpupugay na ang mga kamay ay magsalikop sa may noo. Pagkaraa’y magkakrus ang mga binting naupo kami at nakinig ng mga usapan.
Dalawang pangunahing tanong ang lumilitaw: paano kikilos ang mga opisyal na Republikano sa harap ng mga Khmer Rouge? At bakit pinaaalis sa mga bahay nila ang mga mamamayan – dahil lumalabas sa mga report na pinalilikas ang mga tao sa siyudad. Iginigiit ng Pariarka na maging mahinahon ang lahat. Marahil ay wala namang pangkalahatang ebakwasyon, sabi niya. Walang binabanggit na pangkalahatang deportasyon ang programa ng Khmer Rouge. “Hindi makatwiran, kung gayon, na magkaroon ng ebakwasyon.” Narinig kong sinabi niya, “Manatili kayong mahinahon at maghintay ng utos.”
Isang monghe ang inutusan ng Patriarka na tumelepono sa presidente ng Cambodian Red Cross at kay Chau Sau, ang sekretaryo-heneral ng Opposition Democratic Party. Dapat sanang makapagbigay ng impormasyon ang dalawang ito, pero tila wala silang nalalaman kundi ang deklarasyon ng Red Cross na niyutral ang Hotel Le Phnom at ang French Embassy.
May isang nagpatahimik sa lahat at itinuro ang transistor na nasa mesang katabi ng Patriarka. Buhay na naman ang istasyon ng gobyerno at may maikling mensaha. Tinatawagan ang lahat ng ministro at nakatataas na opisyal ng sandatahang lakas sa Ministry of Information sa ganap na alas kuwatro ng hapon. “Alam na ninyo ngayon ang gagawin,” sabi ng Patriarka, “magpapadala rin ako ng sarili kong kinatawan.”
Makaraang umalis ang mga heneral at isang monghe, nagpalakad-lakad kami, nagtatanungan kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng iyon, iniisip kung pupunta kami sa French Embassy o sa hotel Le Phnom. Nanatiling nakaupo ang Patriarka sa kanyang bangko, mahinahong naghihintay.
Naging lalong kainip-inip ang paghihintay habang humahapon. Nagtatalo ang loob ko kung aalis kami, ngunit waring nakatatakot ang kawalan ng katiyakan, ang posibilidad na mahuli kami habang lumilikas, ang kaimposiblehan ng pagpaplano. Sa isang pagkakataon, humingi ako ng permiso sa Patriarka na matawagan ang French Embassy. Nang humingi ng asylum, sinabi ng nakausap ko na imposible para sa sinumang Cambodian ang pumasok sa French Embassy dahil guwardiyado ng mga Khmer Rouge ang pintuan. “Kahit na Patriarka mismo ang dumating,” sabi ng kausap ko, “hindi siya papasukin ng Khmer Rouge.” Ibinaba ko ang telepono, gulat na gulat na may Cambodian na hindi kumikilala sa awtoridad ng Patriarka. Sa kauna-unahang pagkakataon, napagtanto kong naipit kami.
Tinangka kong tawagan ang mga biyenan ko at si Anyung sa bahay. Walang sagot. Wala kaming magawa kundi maghintay. Nagpalakad-lakad ako, pilit na pinapayapa ang loob ni Any sa pagsasabi ng tungkol sa mga tawag at sa pamamagitan ng bahagyang pakikipag-usap sa mga bata. Masasaya naman ang mga anak ko, nakikipaglaro sa mga kasing-edad nila.
Nang magtakip-silim, mga alas sais, dumating ang kinatawan ng Patriarka. Sinundan ko siya habang nakikipahsiksikan sa karamihan ng mga tao patungo sa Patriarka, na nagtaas ng kamay para patahimikin ang lahat. Pinilit kong basahin kung may magandang mensahe sa kanyang mukha, ngunit blangko iyon.
Sabi niya’y maraming mga nakatataas na opisyal na Republikano at mga ministro sa miting; naroon din ang Prime Minister na si Long Boret. Naupo ang monghe sa tabi ng isang opisyal ng khmer Rouge na nakipag-usap naman sa kanya nang buong galang. Pinuri ng opisyal ang mga kabutihan ng Khmer rouge at sinabing maisasagawa na ang muling pagtatatag ng bansa sa tulong ng mga dating opisyal, intelektuwal at teknisyan. Nang itanong ng isang monghe ang tungkol sa ebakwasyon, umiling ang opisyal. Wala raw kabuluhan ang ganoong utos. Bakit daw iuutos ang pagpapalikas ng mga taong may malakas na pangangatwan gayong kakailanganin sila sa pagsasaayos ng ekonomiya.? “Sabi niya sa akin: nasa iyo ang aking palabra de honor, wala akong narinig na ganoong utos. Isa lamang iyong maniobra ng imperyalista. Ibig lamang nilang matakot ang mga taumbayan.”
Nakahinga ako nang maluwag at ibinalita ko kay Any na hindi totoo ang usap-usapan ukol sa ebakwasyon, ngunit marami pang nagsisilikas ang dumating sa pagoda at nagsabing patuloy pa rin ang pagpapaalis sa mga tao. Tumindi ang aking pag-aalala. Alinman sa nagsisinungaling o walang nalalaman ang opisyal. Tumanggi ang monghe nang tanungin ni Oan, hindi raw maaaring magsinungaling ang opisyal. Ngunit maaari ring wala siyang nalalaman.
Sumapit ang gabi. Muli kong tinawagan ang mga biyenan ko pero wala pa ring sagot. Nakikini-kinita ko ang pangit na larawan: ang mga magulang ni Any at ang kapatid niyang si Anyung, kasama ng agos ng mga nagsisilikas, hindi malaman kung saan patungo. Sinulyapan ko siya para pumayapa ang kanyang loob.
Dahil sa matinding pagod at pag-aalala, nakatulog kami sa mga banig na inilatag sa baldosang sahig ng pagoda – lahat kaming tatlumpu na nahahati sa iba’t ibang pamilya. Kakatwang pati ang mga bata, pati na si Nawath, ay naging masunurin sa aming kakaibang kalagayan at kalituhan. Ibinalot ko ang aking sa ilang damit at binuksan sa Voice of America sa Cambodian para makibalita. Wala. Pinatay ko ang radyo, pero hindi ako makatulog. Manaka-naka ang dating at alis ng mga taong naghahanap ng matutulugan, at bawat dumating ay nagpapatotoong patuloy ang ebakwasyon. Daan-daan ang nagsisiksikan sa pagoda at sa bakura nito, habang libu-libo naman ang mabilis na papalabas ng bayan.
Nang natutulog na kaming lahat – mga alas nuwebe siguro ng gabi – isang opisyal ng Khmer Rouge na may hawak na pistola ang pumasok. Mga kasing-edad ko siya, mga treinta anyos. Sa masakit na liwanag ng mga bombilya, naghihinalang tiningnan niya kami, nakatutok ang baril sa mga natutulog na parang may inaasahang lalaban sa kanya. Pagkaraa’y nakita niya ang anim na bisikleta at tatlong motorsiklong nakaparada sa may pintuan.
“Kanino ang motorsiklong ito?” sigaw niya. Walang sumagot. Isinuksok niya ang baril at pinuntahan ang mga bisikleta. Isang asul na Honda na mukhang bagung-bago ang kinuha niya. Nakakadena ito sa dalawa pang motorsiklo. Dalawang bese niyang sinabi: “sino ang may-ari ng motorsiklong ito?” At pagkaraan, “Kailangan ito ng Angkar!”
Angkar – ang Organisasyon: iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig kong ginamit sa ganoong paraan ang salitang iyon.
Wala pa ring nagsalita. Inihiga ng opisyal ang motorsiklo, inilabas ang kanyang baril at itinutok sa kadena. Dalawang beses siyang nagpaputok, magkasunod. Naputol ang kadena. Nakatatakot ang pagpunit ng mga putok sa katahimikan, lalo’t iisiping may mga batang natutulog. Nagising ang mga bata, nagpalinga-linga, natulala. Ilang saglit pa, sakay ng motorsiklong umalis ang opisyal, iniwan kaming natitigilan. Tiningnan ko si Any. Sinenyasan ko siyang manahimik.
Makailang sandali’y ibnulong sa akin ni Any, “Paano niya nagawa ang gano’n?”
“Ano’ng magagawa natin?” sagot ko.
Isang matagal na tingin ang ipinukol sa akin ng aking ama.
“Siguro naman, hindi lahat sila’y gano’n,” nagtatanggol na sabi ko sa kanya, pabulong din.
Labinlimang minuto pagkatapos, dalawa pang sundalo ang dumating at walang imik na kinuha ang dalawa pang motorsiklo.
Naging maliwanag sa akin at sa lahat ng naroon, na hindi pagnanakaw o pang-aangkin lamang ang mga kilos na iyon. May kahalagahan ang Patriarka na higit pa sa kanyang kalagayang panrelihiyon. Iginagalang siya, maging sa pinakamalalayong kanayunan sa Cambodia, ngunit dito, sa isang iglap ay napanoog namin ang tatlong taong parang hindi alam kung saan sila naroon, wala ni paggalang para sa Patriarka. Iyon ang unang babala na mawawasak na ang mabubuting kaugaliang taglay namin sa loob ng maraming dantaon.
Bago muling nakatulog, itinanong ng panganay naming si Sudath, “Kailan tayo uuwi, itay?” Hindi ako nakakibo. Si Any ang sumagot, “Matulog ka na ank, uuwi na tayo bukas.” Hindi ko na iyon mapaniwalaan, at siya man, sa palagay ko.
Aralin 5: Teoryang Feminismo
Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa
ni Lualhati Bautista
Aralin 6: Teoryang Humanismo
Kung Mangarap Ka Nang Matagal
(Kabanata Labingwalo)
KUMATOK SA PINTO SI KWANG MENG kahit nakabukas ang pinto at nakikita niya si Boon Teik na nakaupo sa sopa at nagbabasa.
“Tuloy, tuloy,” sabi ni Boon Teik na tumayo’t inilahad ang isang kamay. “Upo ka! Upo ka! Nasa kusina ang misis ko’t tinatapos ang pagluluto ng ating hapunan. “Me-I!” tawag nito, “Narito na si Kwang Meng!”
Lumabas ang asawanito, kasunod si Anne.
“Me-I, ito ang kapitbahay nating si Kwang Meng,” at saka bumaling sa kasunod na nagsasabing , “Palagay ko’y magkakilala na kayo ni Anne, pinsan ni Me-I.”
Binati ni Kwang Meng ang kabiyak ni Boon Teik. Maraming beses na niya itong nakita noon. Mukhang wala pa itong dalawampu, may maliit na pangangatawan at nakasalaming gaya ni Anne. Talagang namamana pala iyon ng pamilya, naisip niya na natutuwa. Nagulat siyang naroon si Anne.
“Iiwan muna namin kayong mga lalaki,” humihingi ng paumanhin si Me-I. “Pasensiya ka na, Kwang Meng, may gagawin pa kaming mga babae sa kusina, kundi’y hindi tayo makapaghahapunan.”
“Oo ba,” sagot ni Kwang Meng.
Nahihiyang nginitian siya ni Anne, nasisiyahang nagulat siya sa pagkikita nila. Nagpunta na kapagkuwan ang mga babae sa kusinang nasa likod ng flat.
“Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng?” tanong ni Boon Teik.
“Tama na ang isang beer.”
Kumuha si Boon Teik ng maiinom nila sa kusina. Iginala ni Kwang Meng ang mga mata sa buong salas. Simple ngunit may panlasa ang mga gamit doon. Light green ang pinta ng kuwarto. Nakasabit sa dingding ang ilang print ng Van Gogh at Cezanne at batik na gawa ng mga local artists. Palibhasa’y walang ibang nakasanayan kundi dingding na puti, naakit si Kwang Meng sa berdeng silid. May isang mahabang bookshelf na puno ng libro roon at saka isang record player na may katabing maraming long-playing records. Nagsabit ang asawa ni Boon Teik ng kurtinang batik na green at gold katerno ng mga cushoion covers para sa sopa at dalawang armchair. Sa itaas, isang malaking Japanese paper lampshade na puti ang nakabitin, at nakatayo naman sa isang sulok sa likod ng mga armchair ang isang lampstand na may pulang lampshade. Sa ibabaw ng maliit, makitid at papahabang coffee table ay nakasalansan ang mga magazine, kasama ng isang bowl na Ikebana, ang Japanese-style na pag-aayos ng mga bulaklak. Hindi na-imagine ni Kwang Meng kailanman na mapagaganda at mapaaaliwalas ang isang flat ng Housing Development Board. Ang bahay nila mismo’y sama-samang kuwarto lamang na mauuwian; walang pagtatangkang gawin itong isang lugar na matitrhan. Ang magagawa nga naman ng kaunting pagsisikap! Interes lamang iyon, ang pangangailangang magkaroon ng interes, isang pangangailang nagsasabi kung may interes sa buhay at pamumuhay ang sinuman, naisip niya.
Bumalik si Boon Teik na dala na ang mga inumin.
“Gusto ko ang pagkakaayos ng lugar n’yo, Boon Teik.”
“Hindi kami gumasta ng malaki riyan,” sabi ni Boon Teik. Si Me-I ang pumili ng karamihan sa mga furniture namin. Mahilig siyang mamili sa dating C.C.C. Junk Shop sa Newton Road gayundin sa mga tindahan sa Sungei Road na nagbebenta ng mga kung anu-anong luma. Alam mo siguro ‘yon, kilala rin iyon bilang Thieves’ Market.”
Narinig na ni Kwang meng ang lugar na iyon, pero wala siyang nabalitaan kundi napakabaho ng mga kanal doon. Tiyak na enterprising si Me-I dahil hindi man lang siya napigil ng mabahong amoy. Aywan niya kung totoo ang balita na noong araw, ipinagbibili roon ng mga magnanakaw ang mga nakulimbat nila, kaya kapag may isang napagnakawan, nagpupunta na ito sa Thives’ Market umagang-umaga kinabukasan upang mabawi ang ninakawa sa kanya. Siyempre pa’y binibili niya uli ito; ngunit sa mas murang halaga. Doon siguro nito nakuha ang pangalan.
Ilang nakapasong halaman na ferns at cacti rin ang nasa salas ni Boon Teik.
“Talagang dapat kong purihin ang panlasa mo. Parang kulungan ng baboy ang bahay namin kung ihahambing dito,” sabi ni Kwang Meng.
“Pero hindi iyon ang talagang lugar mo! Hintayin mong makapa-asawa ka’t magkaroon ng sarili mong flat. Natitiyak kong magagawa mo roon ang lahat ng gusto mong gawin. Parang kulungan din ng baboy ang bahay ng mga magulang ko, at tumira kami roon hanggang noong bagong ikasal ni Me-I. Noong nakatira pa ako roon, hindi ako gumgawa ng kahit ano liban sa mag-ayos ng kuwarto ko. Iba na ngayon. Bahay na namin ito.”
“Maganda talaga ang pagkakaayos mo,” bati ni Kwang Meng sa pangatlong pagkakataon.
“Sa palagay ko’y napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isang bahay o tahanan gaya ng buhay, ay nababatay sa kung paano mo inaayos. Ganoon ang dapat maging pakiramdam natin para umayos pati ang sariling buhay natin. Nararamdaman kong hindi ganito ang ginagawa nating ngayong, lalo na tayong mamamayan ng postwar generation. Pasakay-sakay lang tayo, walng direksiyon. Sa eskuwela, ito ang pinipilit kong ituro sa aking mga estudyante. Mahalagang matutuhan nila ito.”
“Magiging isang mabuting teacher ka, Boon Teik.”
“Pinipilit ko. Lahat tayo’y dapat magpumilit. Anuman ang ginagawa natin, dapat natin itong pagbutihin.”
“Kahit walang kahulugan ang trabahong ginagawa mo?” tanong ni Kwang Meng.
“Walang bagay na talagang walang kahulugan,” pagpapalagay ni Boon Teik.
Napakalakas ng pagpapalagay na iyon kaya ibig tuloy maniwala ni Kwang Meng, bagaman hindi siya naniniwala. Pero sinabi niya iyon na parang kapani-paniwala, naisip ni Kwang Meng, tulad ng dapat gawin ng isang mabuting guro. Hindi naman talagang ang himig ng awtoridad ang nagdulot doon, kundi ang himig na nagsasaad ng katotohanan. Hinangad ni Kwang Meng na totoo na sana iyon.
Ngunit sa halip, sinabi niya, “Hindi ako lubos na naniniwala. May mga bagay at trabahong talagang walang kahulugan.” Iniisip niya noon ang sariling trabaho niya.
“Maaaring walang kahulugan iyon sa tingin, pero hindi naman talaga. Depende iyan sa parran ng pagtanaw mo. Naniniwala akong dapat itong tanawin mula sa malawak na pananaw ng lipunan. Isang social animal ang tao, dapat muna nating tanggapin ito. Nakabilang siya sa isang lipunan, at para makakilos ang lipunan, kinakailangang magkaroon ng iba’t ibang uri ng gawain. Ngunit anumang kategorya o uri ng gawain, ang nagkakaakma silang lahat na parang isa-isang bahagi ng isang masalimuot na makinarya, gaya ng isang relos halimbawa. Sa gayon, makikita mong mahalaga ang kahit isang maliit na piraso, ang bawat bahagi ng kabuuan.”
“Siguro nga. Pero hindi ba’t ito rin ang simulaing ginamit ng mga tao noong unang panahon para pangatwiran ang pangangailangan nilng makapang-alipin? Parang ganito rin ang sinabi ng isang Greek philosopher, di ba? Hindi ko lang matandaan ang pangalan.”
Pero hindi natin tinatanggap ang pang-aalipin ngayon,” sabi ni Boon Teik.
“Tinatawag lang natin ito sa ibang pangalan, pero iyon din. Ang mapilitang gumawa ng mga tarbahong walang kahulugan sa lipunan ay parang sapilitang pagpasok sa isang uri ng pang-aalipin.”
“Hindi naman,” tutol ni Boon Teik.
Dahil walang hilig sa pakikipagtalo, nanatiling tahimik si Kwang Meng. Walang kabuluhan para sa kanya ang pagtatalo dahil bibihirang tanggapin ng isa ang katwiran ng isa pa; bibihirang makumbinsi ang isa at baguhin pagkatapos ang sariling palagay niya, tama man iyon o mali. Hindi, hindi ako maaakit na makipagtalo, pasya niya. Magiging dahilan lang iyon para mainis sa kin si Boon Teik o mainis ako sa kanya; at ayokong mainis kay Boon Teik.
“Dapat mong maunawaang napakakumplikado ng makabagong lipunan; at habang lalong nagiging makabago ang anyo ng lipunan, lalo itong nagiging kumplikado at sopistikado; at sa ganitong uri ng lipunan, napakaraming mahahalagang uri at kategorya ng mga gawaing itinatakda sa tao, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Tunay na ang kalawakan ng pagkakaiba-iba ang nagtatalaga ng antas ng pagkasulong ng isang lipunan.”
Tumigil si Boon Teik, naghihintay marahil na ipagpatuloy ni Kwang Meng ang pakikipagtalo. Dahil sa walang tinanggap na sagot, nagpatuloy si Boon Teik, “Maaaring hindi makatarungan sa tingin itong theory of human function ng tagasibak ng kahoy at taga-igib ng tubig, pero ito ang talagang essence ng demokrasya.”
Hindi ko sinasabing hindi ito tama; hindi ko rin tinututulang maaaring demokratiko ito; ang masasabi ko lang ay napakalungkot nito, sumaisip ni Kwang Meng ngunit hindi ito ipinarinig sa kaibigan.
“Alam kong malungkot ito ngunit hindi ito maaaring tutulan,” sabi ni Boon Teik na parang nabasa ang nasa isip ni Kwang Meng. “Pero sa huli, ang talagang problema’y kung paano maipauunawa sa mga tao na sa kabila ng pagiging mababa at kabagut-bagot ng trabaho nila’y mahalaga’t makabuluhan ito sa maayos na pagkilos ng lipunan,” dagdag ni Boon Teik.
“Pero hindi pa rin ‘yon makapagbibigay sa kanila ng anumang kasiyahan. Hindi pa rin no’n magagawang kawili-wili ang trabaho nila, di ba?” salag ni Kwang Meng.
“Hindi nga,” sang-ayon ni Boon Teik. “Pero kung malalaman nilang makabuluhan ang trabaho nila, kung malalaman nilang may naiaambag iyon, kung makikita nilang nakatutulong sila sa pag-unlad at pagsulong ng lipunan, maaaring makatagpo sila ng kasiyahan sa katotohanang instrumental sila sa pagbabago ng lipunan, kaya magiging mas mainam na lipunan iyon para sa kanilang mga anak, at sa magiging anak ng kanilang mg anak. At kung hindi man kasiyahan ang matgpuan nila, kaunting ginhawa o pampalubag-loob ma lang.”
“Paano iyon magagawa, Boon Teik?”
“Tungkulin iyan ng ating mga pulitiko. Kailangang bigyan nila ng edukasyon ang mga mamamayan upang malaman nila ito.”
“Hindi ba’t ginagawa na rin iyan ng mga pulitiko natin?”
“Oo.”
“At babahagyang ginhawa ang natatagpuan natin.”
Dumating sa bahaging ito ang mga babae mula sa kusina. Nakahain na ang hapunan.
Nakakahawig ng sa kanila ang flat, sa kusina rin inilagay ng mga Lim ang kanilang hapag-kinan, isang maliit na kuwadradong apatan ang silya. Ngunit malinis at masaya ang kitchen-cum-dining room nila, napipintahan ng lemon yellow. May mga sariwang bulaklak na nakalagay sa bote sa ibabaw ng mesa, ilang tangkay ng Golden Shower Orchids.
Ilang lutong nonya ang inihanda ni Me-I. Nalaman ni Kwang Meng pagkaraan na ito at si Anne ay buhat sa matandang angkan ng Pernakan, at naroon na sa poook na iyonang mga ninuno nila nang mahigit isandaang taon. Ang mga Pernakang ito na lalong kilala bilang nonya at baba ang matatandang Straits-born Chinese na lumuwas sa Malaya at Singapore maraming salinlahi na ang nakalilipas. Sa loob ng mga taon, nakabuo sila ng natatanging anyo ng kulturang bagaman ethnically Chinese ay may ilang impluwensiyang Malay sa paraan ng kanilang pagdadamit, pagsasalita at sariling uri ng maaanghang na pagkain. Naiibigang mabuti ni Kwang Meng ang huli, paborito niya ang nonya at laksa mula sa pulo ng Penang, ang nasi lemak o kaning may lasang buko, ang otak-otak, sambal at curry, at ang kuay. Nang gabing iyon, nasi lemak ang niluto ni Me-I.
“Gusto mo ba ng mga lutong nonya, Meng?” tanong ni Anne.
“H’mmmmmm! Ang sarap, Me-I,” pagpupuri ng Kwang Meng.
“Oy, masarap ding magluto ni Anne,” sabi ni Me-I.
Namula si Anne. “Hindi kasing-husay mo,” nginitian ni Anne ang pinsan.
“Ikaw ang dapat magsabi niyan Kwang Meng,” sabi ni Boon Teik. “Kailangang matikman mo ang luto ni Anne.”
“Tama, sa susunod, si Anne ang paglulutuin namin para sa iyo,” sabi ni Me-I.
Pagkahapunan, bumalik ang mga lalaki sa salas. Nagdala ng dalawang beer si Boon Teik samantalang naiwan para magligpit ang mga babae.
Dalawang taon na silang kasal, sabi sa kanya ni Boon Teik. Kaga-graduate lanl niya noon ng T.T.C. at kae-enroll ni Me-I bilang estudyante. Nang unang ilang buwan, nakipanirahan sila sa mga magulang ni Boon Teik pero hindi naging mabuti iyon. Wala silang privacy sapagkat napakalaki ng pamilya ng mga magulang niya. May mga tiyuhin, tiyahin, at iba pang nakikitira bukod sa talagang pamilya. Hindi talagang angkop iyon para sa pagsisimula ng isang kakasal na mag-asawa. Pagkaraa’y sinuwerte sila. Nag-apply sila at nakakuha ng sarili nilang flat. Naging napakasaya nila roon.
Dinama ni Kwang Meng ang kapaligiran sa flat ng kanyang kaibigan. Taglay nito ang tahimik na kapanatagan at kaluwagang sumasalamin sa mapayapang kalagayan ng pagsasama ng mag-asawa. Naniniwala niyang ang isang matagumpay na pag-aasawa ay higit na maganda kaysa alinmang bagay. Tunay na isang mainam na bagay ang pagkakaroon ng marital bliss; pero hindi lahat ng pag-aasawa ay nagiging maligay. Pumasok sa isip niya si Hock Lai at Cecilia. Kakatwa, ngnit laging nadarama ni Kwang Meng na hindi magiging mabuti ang darating na pag-iisang-dibdib ng dalawa. At lalo pang kakatwa, nadama niyang kapwa nararamdaman nina Hock Lai at Cecilia iyon, at mas nararamdaman ito ni Hock Lai kaysa kay Cecilia. Ngunit ipinapapatuloy nil ito, buong kasiyahan at buong pagwawalambahala! Napakasaya kahit sa harap ng panganib! Sa loob ng isang taon, kundi man bago dumating ang isang taon. Mambababae si Hock Lai, at sa loob ng ilang taon, makakasanayan ito ni Cecilia, tatanggapin niya ito (“Parang negosyo ito, alam mo namang kailangan kong mag-entertain,” sasabihin iyon ni Hock Lai), hanggang sa matutuhan nitong magpalipas ng oras sa paglalaro ng mahjong.
Nagpatugtog ng isang plaka si Boon Teik. Isang Brahms’ symphonoy iyon, sabi nito, at saka lumabas para kumuha ng marami pang beer. Tumayo si Kwang Meng at tumingin-tingin sa mahabang bookshelf. Marami-raming collection ng libro si Boon Teik, kramihan doo’y paperbacks sa literatura, history at politics.
“Masyado ka palang palabasa,” sabi ni Kwang Meng kay Boon Teik nang makabalik na ito sa silid.
“Oo, enjoy ako sa pagbabasa. Gano’n din si Me-I. Hindi naman kami pala-labas, bihira rin kaming dumalo sa mga social functions. Kung minsan, nanonood kami ng sine. Wala rin kaming telebisyon. Parang takot kaming bumili. Nalaman kong nagiging addict doon ang mga tao. Masama iyon sa palagay ko.”
“Sana marami na rin akong nabasa,” sabi ni Kwang Meng.
“Hindi pa naman huli para magsimula ka, Kwang Meng. Welcome ka para hiramin ang mga libro ko. Kahit anong oras. Tutal, diyan ka lang nakatira sa katabiing pinto.”
“Salamat. Pero tamad na tamad na akong bumasa.”
“Wala iyon. Mabubuhos ang loob mo kapag nagsimula ka na. Magsimula lang ang dapat; at maiinam na libro lang ang dapat mong basahin. Sa gano’n hindi ka mababagot. Literature na ang pinakamagandang pagsimulan. Marami kang matututuhan sa literatura.”
Agad namang namili ng ilang libro si Boon Teik para kay Kwang Meng. Crime and Punisment ni Dostoyevsky, To Have and To Have Not ni Hemingway, at ang The Maneater of Malgudi ni Narayan.
“Sus, aabutin ako ng siyam-siyam sa pagbabasa niyan!”, sabi ni Kwang Meng.
`
“Huwag kang magmadali. Hindi mo naman kailangang isauli iyan agad. Unahin mo si Narayan,” payo ni Boon Teik, “siguradong matatawa ka riyan.”
Sinamahan na sila ng mga babae makaraang tapusin ang mga ligpitin sa kusina. Bawat isa sa kanila’y may dalawang maliit na puswelo ng black coffee.
“Hinihiram mo ang ilang libro ni Boon Teik?” tanong ni Anne. “Patingin kung alin-alin iyan.”
Iniabot dito ni Kwang Meng ang mga libro.
“A, nakakatawa ang isang ito,” sabi ni Anne na itinataas ang kay Narayan.
“Dapat tayong bumili ng iba pang libro niya,” sabi ni Me-I sa kanyang asawa.
“Wala akong makita,” sagot ni Boon Teik. “Napuntahan ko nang lahat ng bookshop dito, wala talaga. Sana mayroon ditong magagandang bookshops.”
Hindi alam iyon ni Kwang Meng. pero talaga namang hindi pa siya nakapagbasa-basa sa isang bookstore kahit kailan.
“Tapos na ang plaka, Teik”, sabi ni Me-I.
Lumapit si Boon Teik sa record player.
“Huwag ka nang magpatugtog ng bago,” sabi ng asawa nito. “Kausapin na lang natin ang ating mga bisita.”
Kaya pinalipas nila ang oras sa pag-uusap. Nakapagsalita nang mas marami si Kwang Meng kaysa karaniwan niya at hindi niya ito namalayan.
Pagkatapos, gaya ng inaasahan sa kanya ng lahat, nagprisinta si Kwang Meng na maihatid pauwi si Anne. Nagpaalam sila kina Boon Teik at Me-I at lumakad sa pasilyo pababa sa hagdanan upang hintayin ang lift pagkaraan.
Sa lansangan, malamig at nakakapresko ang hangin.
Naging matahimik si Kwang Meng sa oras na ito. Itinuro niya kay Anne ang kumpol ng mga punongkahoy.
“Rain trees”, sabi nito. “Hindi ba matanda na sila’t maganda?”
“Oo. Kung minsan, kumikinang sila kapag maliwanag ang buwan sa gabi.”
“Gusto ko silang makita kapag maliwanag ang buwan,” sabi nito.
Tumango siya. Sumakay sila sa isang bus papauwi sa bahay ni Anne. Walang laman ang bus. Abala ang konduktor sa pagbibilang ng mga baryang nakatago sa isang malaking bag na may strap na nakabitin sa balikat nito. Pagkaraang makuha ang bayad ng dalawa sa pasahe, hinid na sila pinansin nito. Kapwa sila nag-iisa, magkasama.
Nang papauwi na siya pgkaraan, naramdaman niya ang bigat ng mga libro sa kamay niya, nagbibigay ng kung anong katiyakan.Isang sakasisiyang gabi iyon para sa kanya, at nakipagkasundo siyang makikipaglaro ng badminton kay Boon Teik sa darating na Linggo ng umaga at isasama sa swimming si Anne sa sinusundang Sabado ng hapon. Pagdating ng bahay, humiga siya’t madaling nakatulog.