Ang Kagawaran ng Filipino ng Burgos National High School ay nagsasagawa ng isang proyektong tinawag na Project SIKAP.
Layunin ng PROJECT SIKAP (Sikaping Itaas ang Komprehensyon ng mga Mag-aaral sa Pagbasa) na maitaas ang interes ng mga mag-aaral sa pagbasa. Mas magiging madali at kawili-wili sa mga mag-aaral ang pagbasa kung ang mga kinakailangang nilang babasahin o tekstong lunsaran ay abot-kamay na nila.
Ang website na ito ay binuo para sa mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon. Layunin nitong matulungan ang mga mag-aaraal upang mapadali ang kanilang pangangalap at pagsusuri sa mga paksang-aralin at babasahin sa Filipino IV.
Ang mga babasahin at pakang-aralin sa website na ito ay hango mula sa aklat ng Hamaka IV na nakabatay sa mga Kasanayan ng 2002 Basic Education Curriculum at binuo nina Ma. Cleofas P. Castillo at Ana Liza S. Gallo ng Division of Rizal.
Naglagay din ng mga panubok na pagsasanay sa bawat markahan upang matukoy ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral matapos ang isang makabuluhang pagbasa.
Juvelant D. Javier
Tagapangulo sa Filipino-Burgos NHS